Wednesday, November 9

2 Kung ikaw ang masusunod?

Panu kung nasusunod lahat ng gusto mo?

anung gusto mo?

ako? madami.

madaming madami akong gusto.




Gusto ko ng pera. Madaming pera, pero hindi madaming madami. Yung madami para mabili ko ang mga luho at gusto. Hindi madaming madami para gustuhin ako dahil sa pera ko.

Gusto ko ng Kaibigan. Madaming kaibigan, pero di kasing dami ng facebook friends ko. Madami para laging may kasama sa happenings at kadamay sa probema. Pero hindi masyadong madami para hindi ko na alam kung sino ang totoo.

Gusto ko ng happy family. Happy Family pero hindi perfect family. Happy Family kasi ang magbibigay sayo ng kumpyansa sa sarili. Magbibigay ng mga importanteng lessons na wala sa classroom, at magiging backup mo pag wala ka ng number 2. Ayoko ng perfect family, kasi walang ganun. Fiction lang yon.

Gusto ko ng syota. Yung syota na hindi shota. Yung syota na nakakakilig. yung masarap titigan ng walang halong libog. yung syotang cheesy. Yung syotang ipapakilala mo sa number 3. yung syotang maituturi mong number 2. Ayoko ng ShoTa, kasi ibig sabihin daw nun, Short taym.

Gusto ko maging matalino. Yung matalino na hindi matalinong-matalino. Matalino para hindi ako tatawaging bobo. Hindi matalinong matalino para tatawagin ko silang bobo.

Gusto ko magsulat. Gusto ko mag status sa FB, mag blog ng walang humpay, magsulat sa dyaryo, magsulat at gumuhit ng komiks, magsulat sa pader, sa ding ding, sa mukha mo, sa junjun mo ng "jade was here". Gusto ko magsulat ng magsulat. kaso tinatamad ako.

Gusto ko lumipad. Lumipad sa himpapawid tulad ng mga ibon, malaya at mataas. Gusto ko lumipad, kaya mag b-book ako ng mag b-book. Gusto ko lumipad ng mabilis para di na ko ma-l-late. gusto ko lumipad ng mataas na mataas para hindi ko malanghap ang usok. Lumipad na mataas, para presko. Gusto ko lumipad, para malayo sayo.

Gusto ko maging invisible, pero minsan ayaw ko. Gusto ko maging invisible para di mo ko mapagdiskitahan. invisible para di mo makikitang tumaba ako. invisible para di mo ko utusan. invisible para astig. ayoko maging invisible. ayoko kasi di mo na ko mapapansin. ayoko kasi di mo makikitang sexy at yummy na ako. ayoko kasi hindi pa ko invisible pero ganito na, panu pa kaya.

Gusto ko kumanta. Yung kantang wholesome at nakaka elibs. Yung kantang tataas ang balahibo mo sa batok. yung kantang sisikat ako sa youtube, yung kantang kukunin din ako ni oprah. yung kantang mamamangha ka at magiging crush mo ko tapos maaalala mong "ay shit, lalaki nga pala sya". Yung kantang papaulit ulitin mo. Yung kantang kakantahin ko para kausapin mo ko.

Gusto kong pumatay, gusto kitang patayin dahil badtrip ka, gusto kong pumatay para eksena, gusto kong pumatay ala Lara Croft o kaya Kill Bill. PAK!

Gusto ko maging sexy, yung sexy para belong. yung sexy para stand out. Yung sexy para hindi tau number 10. yung sexy para hindi tayo chopsticks. Yung sexy para magtagal pa ko.

Gusto ko mag resign. Gusto mag resign na ayoko. Gustong magresign para taasan ang sweldo ko. gusto kong mag resign kasi tinatamad na ko. Gusto ko mag resign kasi badtrip ang may boss. Gusto ko mag resign kasi andaming panget sa office. Kaso lang ayoko din. ayoko kasi hindi pwede. ayoko kasi quitter yung ganun. ayoko mag resign kasi ayoko mag networking na lang. ayoko magresign kasi wala akong half a million. :)

Gusto ko pang mabuhay ng matagal. mabuhay ng matagal pero hindi over. gusto ko mabuhay ng matagal kasi madami pa kong bibilhin. Kasi madami pa kong syosyotain at titikman. Matagal kasi marami pa kong reresbakan. Hindi naman over kasi ayoko din tumanda. eww kasi yun.

Gusto kong magpatawad. Gusto kong magpatawad pero parang wag na lang. Gusto ko kasi, stressful din ang maraming kaaway. gusto ko kasi nakakapagod mag isip ng diabolical plan. Gusto ko kasi baka ako naman ang hindi patawarin ng Diyos sa mga chever ko. Pero Wag na lang kasi, nakaka badtrip ka pa din. Wag na lang kasi jejemon ka pa din. wag na lang kasi nakakatawa pa rin naman talaga ang english mo. Parang Joke palagi.

Gusto kong kumain.  Gusto kong kumain ng exotic. Ng matigas. ng malambot. yung yummy. Yung medyo madumi. ng mabango. ng mabaho. Yung sobrang laki na di ko maubos. Yung maliit na nakakabitin. Yung cute o kaya yung nakakatakot. Gusto kong kumain. Gusto kong kumain ng wholesome na pagkain. hindi yung nasa isip mo.


oh ikaw, kung ikaw ang masusunod. Ano naman ang gusto mo?

basta ako, gusto kong kumain kasi gutom na ko. Ilang araw na din akong naka diet. kumakain ng bitin na pagkain. ng matabang na pagkain.

hay... malamang gutom lang ang lahat ng to.


2 comments:

  1. Hi ..I've followed your blog ... care to follow me too? ... thanks ...

    ReplyDelete
  2. New Diet Taps into Pioneering Plan to Help Dieters Get Rid Of 20 Pounds within Just 21 Days!

    ReplyDelete

Share your thoughts