Monday, May 30

5 Byaheng Badtrip

http://akosiroj.blogspot.com/2010/12/never-ride-mrt-during-rush-hour-with.html


Isa ko sa libo-libong nag b-byahe araw-araw. 
At bongga pa dyan, sa everyday kong pagpasok, lahat ata ng ng modes of transportation ay nasasakyan ko going back and forth. Tricycle palabas, jeep papuntang EDSA, Bus papuntang MRT at MRT hanggang Shaw, tapos lakad. Reverse and return pag pauwi. Oh di ba, kulang na lang, mag jet ski ako papasok o kaya maghintay ng promo ng CebuPac bago pumasok.

pero sa mga panahong nauumaay ako sa paghithit ng usok ng EDSA, sirang escalator ng MRT, haggard na Trike at jeep, paulit ulit na movie sa bus o kaya pang linggong music na uso nung sperm pa lang ako at amoy ng bagong lutong mani na pinapasok ng vendor sa bus, nag tataxi na lang ako. kaso nga lang tumataginting na 220 to 270 pesos ang binabayad ko from bahay to ofis. One-way lang yan ha. 

At simula din ng ako ay na-Hold-up, naging madalas ang pag tataxi ko lalo na pag umuuwi ng dis oras ng gabi (yan ay kung umuuwi nga).

Sa tagal ko nang nag bbyahe, madami na din akong naipon na mga karanasan sa bawat pagsakay ko. Andyan yang si Manong tricycle na kapag gabi ako sumasakay ay laging kulang ng piso ang sukli lalo na't nagmamadali akong sumakay. May night shift incentive ata ang singil nya pag gabi. Si manong Jeepney na nag to-Tokyo drift kapag umiikot na kami sa monumento circle. At ang mga Midnight bus na mahilig magpalipat sa ibang bus o magpababa pag konti na lang ang pasahero. Andyan din ang may hinohold-up na lasing sa harap ko ng minsang sumakay ako sa ordinary bus ng 4am ng madaling araw. Pero above all, unique na unique experience pa rin ang mga karanasan ko sa taxi. Mas personal kasi dahil nga ako lang naman kadalasan ang sakay.

http://article.wn.com/view/2010/11/18/Recto_proposes_new_EDSA_to_ease_Metro_Manila_traffic/

Taxi number 1.

1 year ago. mag aalas syete ng gabi. Malakas ang ulan. may bagyo noon pero nakalimutan ko na kung aling bagyo. Umalis ako sa bahay na naguumpisa ng kumulog at kumidlat. madilim ang ulap. Yung tipong hindi titigil hanggat di rin nag sswimming ang mga balakubak mo. Napagisipan ko nang mag taxi. Kahit na ilang blocks lang ang layo namin sa garahe ng 2 taxi company, ang mga ganitong oras ay challenge talaga sa paghanap ng masasakyang taxi. Garahe moment kasi kadalasan. Swerte na paglabas ko sa kalsada may taxi na pumara. R&E kung di ako nagkakamali.  Mukha naman mabait si kuya dahil kamuka nya si Mara kaya kahit na kakarag karag ang taxi nya, kampante pa din akong sumakay. Ayoko din naman kasing mabasa ulit ng ulan tulad ng naunang araw na pati napkin ko ay soaking wet. Along edsa, sobrang lakas pa din ng ulan at dahil na din sa mga basurang nakakalat sa mga kalsada, bumabaha na din sa gawing ito. Sa may MCU nagsimula ng dumami ang mga sasakyan. Umikot na kami sa monumento circle ng mangyari ang di inaasahan, NAMATAYAN NG MAKINA ang taxi nyang pang carshow. Hindi ako masyadong nag panic kahit na sa kalagitnaan ng mabibilis at naggigitgitang mga sasakyan at napakalakas na ulan pa kami tumirik. Maya maya, Blag! may FX na sumanggi sa likuran namin, Naalog ako at nalaglag ang celfone sa kamay ko. shotanginames, dun na ko nagsimulang makaramdam ng panic. umalis din naman kagad ang FX, siguro dahil na din wala naman masyadong damage sa mga sasakyan nilang pareho. Sinubukan ulit ni Kuya na i-start ang makina, umandar naman. Hay salamat, ang sabi ko sa isip ko. muntik na tayo dun kuya. Pero napansin ko na Pokerface pa din sya, yun pala nawalan daw kami ng preno. Kala ko char nya lang, ng maya maya ay sa isang pampasaherong jeep naman kami bumangga. Nakita ko na nagulat at nagalit ang mga sakay ng jeep at malamang pati yung driver. sumenyas na lang si kuya at umusad ng konti yung jeep pero hindi kagad umalis. inistart nya ulit ang makina, andar, Blag bangga ulit sa jeep. di nagtagal na gets na din ng mga pasahero at ng driver na nawalan kami ng preno. Star of the street kami ng mga panahong yun. At kahit siguro gusto kaming tulungan ng mga ibang driver o tao sa paligid (which is wala naman kasi nga nasa gitna kami ng EDSA duh). wala din makakalapit dahil sa lakas ng ulan. Mula monumento hanggang LRT station nasa 8 beses kaming tumirik at nawalan ng preno. sobrang himala na lang na hindi na kami bumangga at nakarating ako sa station ng buo kahit medyo hilo. Actually nang makakita ko ng silong nagabot ako ng bayad at bumaba kagad, hindi ko na kinuha ang sukli ko. Isa yun sa mga pinaka nakakatakot na experience ko sa kalsada.



 Taxi number 2

same time ulit. Mga alas-otso naman ng gabi ng maisipan kong mag taxi na lang dahil malapit na kong ma-late. Pumara ko ng isa nanamang company taxi. Swerte pa nga dahil Vios ang gamit nya kaya siguradong comfy at malakas ang aircon.

Sa malayo pa lang nakita ko na may sakay na syang isa pang kapwa taxi driver nya. Sanay naman na ko sa ganito. Kadalasan kasi twing bbyahe sila nakikisabay na ang mga kasamahan nilang driver palabas sa hi-way. "ser san po kayo?", "lrt po". Hanggang sa bumaba na yung nakisakay na driver. napansin ko na nasa gitnang lane sya meaning didiretso ito papunta ng North edsa at hindi pa monumento. Sabi ko " Kuya, sa L-R-T po ako ah, hindi po M-R-T". "ah L-R-T ba?" sabay kabig pa kaliwa at liko papuntang south bound. Naramdaman ko na ang pagkadismaya ni Kuya. North ata ang gusto nyang tahaking way. Nagsimula na syang mag "TSK" ng napakaraming beses. Nairita ako pero deadma lang. Kakalampas lang namin sa SSS ng biglang nagsalita si kuya, "nako, nakalimutan ko tataya nga pala ako ng LOTTO". Tinignan ko lang sya. "Lipat ka na lang, ibababa na lang kita sa gilid". Na-confuse ako at kumulo ang dugo. Sabi ko " eh kuya, LRT lang naman po ako, malapit na yun". sabi nya "eh tataya pa kasi ako ng lotto, akala ko kasi Pa-mrt ka, dun kasi ako tataya, ibaba na lang kita jan sa gilid". Sagot ko na may halo ng inis "Kaya nga PO ako nag taxi kasi nagmamadali na ko tapos ibaba mo ko, lalo akong ma-lalate nyan eh". Sabi nya " ay hindi bababa na lang kita, kailangan ko kasi talagang tumaya ng Lotto, Oh dyan kita bababa ha, at least safe jan kita mo naman".


At dun nya ko binaba sa madilim na harap ng isang saradong talyer na mukang hide-out ng mga snatcher kapag quota na sila. bago ako bumaba sabi ko, "Hindi ko ho kayo babayaran". Ang sabi pa nya, "ah sige ok lang sa kin kahit di mo ko bayaran, kahit halos malapit ka na din makarating. Sayang lang krudo ko ang narinig ko kasi sayo MRT". Sa tono ng pananalita nya, parang kasalanan ko pa na nagkamali sya ng pandinig, na kasalanan ko din kapag di sya nakataya ng Lotto at utang na loob ko na nakarating ako HALFWAY at ngayon naghihintay ako sa gitna ng madilim na edsa ng kahit anong masasakyan maunahan ko lang ang mga holdupper na naka skedyul sa kin ng gabing yon. Sa pagbaba ko, at habang papalayo sya sa kinatatayuan ko, hiniling ko sa lahat ng santo pati na kay Sanrio na sana, manalo sya sa LOTTO ng hindi bababa sa 360 million pesos at maririnig nya ito sa kanyang car radio, at sa excitement susuot sya sa ilalim ng 10-wheeler truck. Durog ang bungo, talsik utak, ang eyeball gugulong gulong pa. 

Taxi number 3

galing ako sa isang event namin sa office. Family day kung saan ako ang nag host. hapon na yun ng makauwi ako. sobrang pagod at nalipasan ng gutom ng araw na yon. Ang balak ko talaga ay mag bu-bus na lang ako, pero dahil paulan na ng hapon na yon, napagpasyahan ko na magtaxi na lang. Pag sakay ko, sinabi ko kagad kay manong kung saan ako nakatira. Wala naman na syang masyadong tanong dhail mukang alam nya na ang lugar namin. Usually kapag nagtataxi ako, nag U-uturn kami sa balintawak tapos pa quirino hi-way. Pero nagulat ako ng kumanan si kuya, gawing pa NLEX. di naman ako nagimbal dahil may isa pang madalas ding daanan dun, Yung flyover bago ka dumiretso ng NLEX. After namin mag fullturn sa balintawak, biglang sabi nya, "di ba may lusutan dun sa ilalim yung diretso na sa inyo ang daan?". nag tetext ako ng mga panahong yun kaya di ko kaagad naintindihan ang sinabi nya. nagulat na lang ako ng lumagpas na kami sa Flyover. Naisip ko nga na may daan sa ilalim pero ang alam ko matagal na yun sinara. Naisip ko na baka nga binuksan na ulit at syempre taxi driver sya kaya in-assume ko na alam nya ang kalsada. 

Sa kasamaang palad, sarado ang bwakanangbitch na shortcut na gusto nyang puntahan. Gumuho ang mundo ko. Kung taga sa min ka, alam mo na kaagad ang ibig sabihin nito. Pag lumagpas ka dito ibig sabihin tuloy tuloy ka na papuntang NLEX tuloy tuloy sa BULACAN! SHET di ba, BULACAN dude... BULACAN NA YUN. My gosh. Ilang minuto din akong speechless. dun ko lang naramdaman ang salitang Helpless. Si manong driver naman walang tigil sa pagsasalita. At worse, P.I. ako pa ang sinisisi nya dahil daw di ko sya pinigilan kaya daw nagtuloy tuloy sya.

Pag dating sa TOLL, ang walanghiyang driver, hiningan pa ko ng pambayad. Sa inis ko ang sabi ko, "wala akong Pera, wala akong barya". Sabi nya, "ay bahala ka, wala akong ilalabas dyan". sabay bitaw sa manibela na parang wala talaga syang balak magmaneho hanggat di ako nagbibigay ng pang-toll. Sa kawalan ng choice nag abot na din ako ng 40 php. Ang Hardcore pa dyan, pagkalagpas namin sa toll, tinanong nya pa ko " anu ser gusto nyong gawin, ibabalik ko pa ba?"

Ang talino ng driver, Sabi ko "anong gusto mo kuya, ibababa mo ko sa gitna ng NLEX?", di sya umimik. right then and there gusto ko ng mag teleport o kaya makatulog forever. Di ko alam ang gagawin, gusto kong magalit pero wala rin namang point magalit.Aware naman ako na taktika lang nya yun para humaba ang byahe namin. kasi nga naman 60 pesos lang talaga ang layo ng i-bbyahe ko. Nakulangan siguro sya. Di ko alam kung san kami lumusot, basta ang alam ko nakarating pa kami ng Talipapa o novaliches tapos Baesa ang labas namin. Nang makarating kami sa lugar ko, tumataginting na 350 ang metro ko. Nakayuko lang yung driver ng huminto kami, kumuha ako ng 350, inabot sa kanya at magalang na sinabing Salamat po kuya, Ingat po.

di ko na yun kinwento sa bahay, pinatawad ko na lang sya. sabi ko na lang, Diyos na ang bahala sa kanya. Kung tutuusin barya pa din yung binayad ko sa kanya. Di ko yon ikakayaman. Ang cheap na para lang dun, manloloko ako ng tao. WIT ko like.

Taxi number 4

eto naman nung sunday night lang nangyari. Nagkita kami ng ilang friends para manood ng Kungfu Panda 2 na di rin naman kami nakanood dahil box office talaga. After namin kumain at magkape, napagpasyahan naming magpalipas ng ulirat sa Central sa may pasong tamo. Andaming lalaki. Ang saya saya. pati yung bouncer kamukha ni Vin diesel. May mga nakilala pa kaming new guy friends, na syempre free drinks. I'm so full of charm talaga i hate it. Kaso sa kalagitnaan ng kasiyahan eh nalasing ang friend ko. At dahil nagsisimula na ding maging manyakis ang kasama nilang gremlin minabuti naming umuwi na. Good thing na sa labas mismo ng central ay madami nang naghihintay na mga taxi. So after ko syang maisakay, sumakay na din ako sa kasunod na taxi. Mabait si kuya. super smile. kahit malayo ang uuwian ko, sinakay nya pa din ako kahit na tinanggihan na ko ng naunang taxi. Ni hindi rin sya nagpadagdag or kumontrata. Sa isip ko pa, Pagpalain ka sana Kuyang driver. chumika chika pa kami ng konti. Maya maya tumahimik na din kami. Hindi ako tinamaan sa aming drinking session dahil likas na malakas ang aking alcohol tolerance (tama ba ang term ko?). Pero since mahilig naman talaga akong mantrip at madalas naman mapagkamalang nakainom, siguro akala ni Koya ay tipsy na ang lola mo. Napansin ko na hindi nya inaalis ang kamay nya sa Kambyo. Di ko tuloy makita ang metro. Kahit na madilim naaaninag ko na ang porma ng kamay nya ay diretso at parang may pinipindot sa meter ang kanyang index finger pero di mo ito matatanaw kung di mo titignan ng pa sideways. Naaninag ko na 53 ang metro ko. medyo mataas na kaagad considering sandali pa lang kamin umaandar, nang maaninag ko ulit aba! 80 sumthing na ito. Dun na ko nagsimulang magduda. sinubukan ko ulit obserbahan ang metro. Nakita ko ulit na mula sa 90 tumalon ito papuntang 105 or somehting close to that. Ang sabi ko kagad, Kuya parang ambilis ng metro mo ah. Agad inalis ng driver ang kamay nya sa kambyo, Guilty ampotah. Ang excuse nya, nako ser, calibrated na kasi yan, lahat na ng taxi ngayon calibrated na kaya medyo tumaas na ang singil at nag bibigay po ako ng resibo Ser, sabay ngising aso. Ang sagot ko na lang, "ah talaga?? ganun pala" with matching sarcastic tone. pero gusto ko talagang sabihin na "putangina mo pala eh, araw araw akong nagtataxi kupal  ka!". Naisip ko na pagbigyan ko na lang muna sya, tutal bumalik na sa normal ang bilis ng metro nya at medyo malayo pa din ako sa amin. Pag inaway ko sya baka ibaba nanaman ako at this time sa gitna ng island ako ibaba. 

Maya maya, after ng matagal na katahimikan binalik nanaman nya ang kamay nya sa kambyo. In short, bumibilis nanaman ang metro, Umubo ako, at inalis nya ulit. binalik nya nanaman at this time kahit ang ubo ko ay parang may stage 7 na ng tuberculosis, deadma lang si kuya. may i-dutdot pa din sya sa kung san man sya pumipindot. Sobrang kapal ng mukha.


This time nabwisit na talaga ako. Nag flashback pa sa kin lahat ng kawalangyaan ng mga taxing nasakyan ko. Sabi ko oras na ng paghihiganti. Nang malapit na kong bumaba, kinuha ko ang aking trustee pepper spray. Binayaran ko pa din sya ng buo, may sobra pang 10 piso. at with all smiles, sabi ko, thank you po ah. ingat. 

Paglapat ng aking dalawang stilettos sa labas ng taxi in-execute ko na ang aking plano, ini-sprayan ko ng pepper spray ang pintuan nya. malapit sa handle, sbay sara. habang naglalakad ako papalayo na parang si beyonce sa crazy in love, naiimagine ko na ang mangyayari sa kanya. di sya makakatagal sa loob, at malamang di na sya makabyahe ng buong gabi at sa ilang sumunod pang araw. nakapag spray ako ng ga-tuldok dati sa kwarto ko ng pepper spray. isang linggo akong hindi nakatulog doon dahil sa suffocation. paniguradong ganun din sya. 

Alam ko naman na masamang maghiganti. pero sobra na, at sabihin na din nating naimpluwensyahan ako ni badtrip at ni bad boy. :)

Shiyet, it's liberating. Alam ko bad yun pero di mo rin naman ako masisisi.

Kaya ang advice ko sa inyo, maging mapagmatyag at vigilante. Wag magpapaloko sa magugulang na driver.

nakakaawa lang sila lalo na't alam mo na mamamatay pa din silang mahirap.



Kaya ngayon nagpasya na ko na kukuha na ko ng kotse. Matagal na kong inuudyukan na bumili ng sariling kong car pero ayoko kasing magdrive.

sabi ko na lang kukuha na lang din ako ng driver. Ok na din yun para iwas na sa mga ganyang insidente,
kung hindi man kotse ok na din kahit motor lang. at least mabilis pa.

Basta ang request ko lang, sya ang driver ko :)






  
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=502747&page=159

Sunday, May 22

1 Don't give up on us Beybe.

http://www.iknow2.net

Naging cold ka nitong mga nakaraang linggo.

i don't know what's the matter with you, o ako ba ang may problema. Pero lately di na tayo nag Ji-jive. Di na kita masakyan. Hilong hilo na ko sayo.

I remember before. Super effort akong makasundo ka. naging matagumpay naman, at nagkasundo tayo.
Lagi kitang kasama, kahit medyo mahirap at patago tayong magkasama.

Hihintayin ko pang tulog na sila Mommy at Daddy, para mahawakan ka. Ilang beses na din tayong nahuli. Pero deny lang ako ng deny. We took things slowly. pa isa isang round. Yung tama lang para hanap hanapin kita lalo. My friends did not agree with you. Gusto nila tayong pag layuin. Pero di ako nagpapigil. Nang tumagal, nakilala ka din nila ng lubusan at nakasundo ka din nila. Ikaw ang laging nakakaintindi sa kin. Di mo din ako hinihigpitan, kahit na minsan tumitikim ako ng iba, sayo pa din ako bumabalik.

Di nagtagal dumalas ang pagsasama natin. Minsan hanggang umaga. Minsan bago pumasok, o kaya bago umuwi. Ang close close na natin.

Naalala mo ba noon, kala ko mamamatay na ko. Di ko na alam ang gagawin ko. At dahil yun sayo. Pero masaya ako na mamatay na ikaw ang kasama.

Pero lately, nagbago ka. Hindi na kita kaya. Ni hindi na tayo makatapos ng isang round. Sinusukuan na kita. Naging masyado ka nang malupit sa kin. Pinapasakit mo ang ulo ko palagi. Twing magkasama tayo, pinipilit kong tapusin pero nasusuka ko at nahihilo kahit di naman ako buntis.

Some people say, maybe it's time we call it quits. I disagreed. Di pa ko handa. Gusto pa kita, gustong gusto kaso sinukuan mo na ata ako. Mapait ka na sa kin. Hindi mo na ko inaakit. twing magkasama tayo parang laging pilit lang. I hate that feeling.

Marami na tayong pinagdaanan, mga nakasama, mga napuntahan at naging kaibigan. ilang beses nang nagkalayo at nagkitang muli. Di pa ko handang magpaalam. Hinahanap hanap pa din kita.

Alam ko di na ganun ka smooth ang relasyon natin. Alam ko din na handa mo na kong palayain. Pero ayoko pa. At pangako, I'll try to work things out. So please,

.....DON'T GIVE UP ON US BABY.....

Tuesday, May 17

2 Nakiki RH Bill

Nag host ako ng isang Family event ng company namin nung saturday sa Ynares Gym.

Kumo-court side reporter, slash promodizer ng Maggi magic sarap sa uniwide grocery ang arrive ko. Di kinaya ng katawan kong gawa sa narra at apitong ang pagod after ng event. So ang plano naming mag pahiyas festival ay di na natuloy. So sunday na lang ako nag-aya with 2 friends na manood ng movie. Pero dahil may dala kaming camera na kay laki, nagdalawang isip na lang kami manood dahil baka mapagbintangan pa kaming namimirata ng In the name of Love. Haggarda.

After dinner, we decided to have coffee and make tambay na lang. super chikahan. Si Ren nagkkwento ng mga milyones nya, si Bem naman, nagkkwento ng heograpiya at kasaysayan, ako naman uhuh lang ng uhuh sabay tango.

http://fvdb.wordpress.com

Di nagtagal napagusapan na lang namin bigla ang RH Bill. hehehe. Tinanong nila ko kung Pro or Anti daw ako. sila kasi pareho Pro. Lalo na si bem, kahit ang intindi nya sa RH ay Red Horse bill eh pro pa din daw sya. Ako naman Indifferent. kahit nung unang labas pa lang ng issue about dito, undecided na talaga ako. Hanggang ngayon.

Bakit? bakit di na lang ako mag Pro para uso. O kaya anti para religious.

Kasi, wala akong makitang dahilan para pigilan ang RH bill, pero hindi ko rin maramdaman na RH Bill nga ang sagot sa mga problema.

LET'S PUT IT THIS WAY,

lumalaganap at sobrang malala na ang mga kaso ng:

Overpopulation, Sexually Transmitted diseases, Teenage pregnancy, abortion, at over-all Poverty.

dumating ang RH Bill. In a general sense, ang misyon nito ay i-educate ang mga tao ng tungkol sa Sex and its consequences. Andyan ang i-incorporate ang sex education sa curriculum ng mga estudyante at i-promote ang mga artificial na birth control.

Note: hindi misyon ng RH Bill na gawing legal ang abortion. Di rin nito kagustuhan na ipromote ang casual sex, early age sex, same sex sex, at pre-marital sex tulad ng sinasabi ng mga against dito.

Para sa kin, ang RH Bill ay isang teknikal na solusyon para sa isang teknikal na problema.

Ang tanong, teknikal nga bang maituturi ang problema? Partly oo. Marami pa din namang tao ang kulang sa knowledge when it comes to their sexual health. Pero aminin din natin na may point din ang simbahan na what we are facing is a moral problem, maaaring may mali lang sa pag iimpose nila ng kanilang point. Parang isang batang nag ttantrums, may gusto syang sabihin, pero hindi nya kelangan magwala para pagbigyan sya.

To make it easier, AGAIN, LET'S PUT IT THIS WAY....

Si Berto, na isang office clerk, linggo-linggo na lang kung ma virusan ang computer. laging nag ccrash. Lumapit sya ngaun kay Manding na isang IT Specialist. Ang solusyon ni Manding, ang pinaka latest na Anti-virus.

the following week, na-virusan nanaman si Berto, binigyan ulit sya ni Manding ng pinaka latest na anti virus.

sa sumunod na linggo ganun ulit ang nangyari. at sa sumunod pa.

Ang RH bill, ay ang anti virus. Yung virus naman ang kumakatawan sa Overpopulation, Sexually Transmitted diseases, Teenage pregnancy, abortion, at over-all Poverty. Tama lang naman na lapatan ng Anti-virus para ma-eliminate ang existing na problema o mapigilan ang paglala nito.

Pero hindi lang ito ang sagot at ang Problema. Ang problema ay ang pagka adik ni Berto sa Porn. Youjizz, xtube, pornhub ultimo livejasmin sa katanghaliang tapat. kaya naman ganun na lang kung ma virusan sya.

you see people. Yung viruses ay hindi ang main problem. Same thing with Overpopulation, Sexually Transmitted diseases, Teenage pregnancy, abortion, at over-all Poverty. They are merely results o further damage caused by none other than our lack of morals. Sabi nga ng kapitbahay namin, kahit daw magpamudmod pa ng libreng condom o iulam sa kanin ang ang trust pills. Kung hindi ito gustong gamitin o inumin, WAEPEK.

Good point. Now let's evaluate ourselves. Hindi masama ang RH bill, at wala itong masamang motibo. It's goal is to educate BUT it is not the answer. it's up to us whether we use that knowledge or just go on with our careless sexual decisions. the choice is ours.

http://antirhbill.tumblr.com/

I am so against Abortion and teenage sex. But seeing little children from poor families with 10 or more siblings, slowly starving to death or risking their lives by selling sampaguita on the streets late at night or not being able to go to school hurts me like a virgin on her first night.

So, Pro RH bill na ba ako or anti??


I'm still undecided. hehe

http://www.flickr.com/photos/ericgozar/1251113480/

Saturday, May 14

3 Anti-Stress

 STRESSED ako at the same time tinatamad hehehe. lot's of things happened this week. as in lots (lote-lote talaga).when i got home 1 day, i read this form my former professors notes in FB. my side split from laughter. HAHA. Sabi ko, hindi ko pwedeng hindi i-share ito. 
so here goes:


 Nurse si Bebeng sa L.A.
Isinama niya ang kanyang ina upang magpagamot doon.
Ngunit sa kasamaang palad doon na inabot ng pagkamatay ito.
Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng.
Minabuti niyang pauuwiin na lang mag-isa ang kabaong ng kanyang ina.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul.
Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!
Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong.
Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng Inay!
Kinuha nila ito at binasa. Ito ang nilalaman ng liham mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang Inay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko sa kanya pa lang ay mahigit $10,000 na.
Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam.
Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni Inay, para sa mga bata ito.
Bahala na kayong magparte-parte, sana'y hindi natunaw.
Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate.
Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni Inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni Inay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts.
Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko.
Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni Inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.
May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay.
Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Mike.
Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at yung isa ay kay Pareng Isko.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni Inay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball.
Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi lass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay.
Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni Inay.
Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra.
Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay.
Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars.
Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit nyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.
Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot- suot din ni Inay. Kunin mo na rin agad,
Ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin nyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3
diyamante sa bawat butas.
Ibangon nyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, Itay, kuya, ate, dikong, ditse, para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan nyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng



Sunday, May 8

1 mudra's day out

Dahil mother's day, makikisawsaw muna ako sa celebration na ito.

ikkwento ko lang ang naging mother's day shindig naming pamilya.

Before,

twing mother's day o father's day o kung ano pa mang day, ang pinaka surprise na ginagawa ko bilang panganay (dahil wala namang naitutulong ang impakta kong kapatid na uber arte), ay ang bumili ng cake. Walang kamatayan yan. Laging bibili ng cake, surprise cake man o planned (yung requested na klase ng cake). Pero ngayon na meron na kong work, i planned to treat them somewhere. Typical man sa iba, sa amin bihira lang to. Laging kasing sila lang ang nakakaalis ng sunday. Kung hindi kasi puyat ako from saturday night eh plain tinatamad lang ako sumama.

So nagplano na nga kaming mag lunch somewhere special. pero dahil late ako ng gising di na ko nakasama sa church. Napagkasunduan na lang namin na sa mall na lang magkita. 11:00 ang call time. Naalala ko, ilang beses pa ko sinabihan ni Mommy na kumilos na at tigilan na ang computer at baka ma-late nga daw ako. Kaya nung umalis na sila, di na ko nagpatumpiktumpik at nag ayos na para makapunta sa mall. Medyo maambon at mahangin pero gora pa din.

11:15

Shet na late na nga ako. panigurado bembang ako sa aking punctual na pamilya. Tinext ko si sistah kung asan na sila o kung bakit naisipan mag double shift ng Pari sa pagmimisa kaya na extend. ang sagot nya kanina pa daw tapos pero naisipan bigla ni mudra na kumuha ng membership ID sa isang grocery dun malapit sa church, AT!!! Bigla nya din naisipan na magpa sukat ulit ng bagong salamin.

1:20

nakabili na ko ng malaking sketch pad, color pencils, felt tip pen, at libro. nakapag pagupit na din ako, nakipagtalo sa receptionist ng bench fix na si a.k.a. Alakdana (na maari kong mabanggit sa susunod na blog pag sinipag) aba at wala pa din sila. Nagtext ako, OTW na daw. Siguro mga 4 na beses na OTW.

1:45

sa wakas at nakarating na sila sa mall. pagkita ko sa kanila, tinanong ko kagad san nila gusto mag lunch. Nag suggest ako ng madami. Mga sosyal, kakaiba, class, fine dining. Pero sabi ni mudra, "ay ayun oh, Gerry's grill, dyan na lang ayoko na maglakad". Attitude? haha. so pinagbigyan namin ang kanyang kagustuhan, Gerry's grill it is. Good thing na hindi naman gaano crowded ang mall, dahil na din siguro abala ang mga tao sa laban ni pacquiao. Pagkaupo namin, sa kanya namin inabot ang menu para kung ano ang gusto nya yun ang oorderin.


browse browse, lipat page. lipat uli. after siguro mga 10 minutes. binaba nya na ang menu. "kayo na lang umorder, wala akong maisip". so dahil gutom na din kami, kami na nga ang pumili at umorder. may tinomok ata yun, tuna belly, chop suey, pork chop, ang favorite kong sisig at garlic rice (bottomless ice tea din ang gusto nyang drink). Nagpa extra pa kami at baka nga kulangin.

After ng mga ilang taon, dumating na din ang aming Fudamz. nakakagutom. Ang sarap talagang kumain. pero nung nakahain na kay mudra ang pagkain. kumunot ang mukha nya. parang nakaamoy ng di maganda sabay ismid sa mga putahe na nilapag ni kuyang waiter. Sabay bulong ng "Parang di naman masarap". alam kong nagbingibingihan lang si kuya waiter, naramdaman kong naapektuhan si kuyang waiter at nangilid ng konti ang luha nya katabi ng muta. Di kami nag react, at nagumpisa ng kumain. "Ay rice pala inorder nyo? ayoko pala mag rice." "eh anu ba gusto mo?" sabi ni daddy.


"uhm anu ba.......", agad naman nanghiram si dad ng menu sa katabing table, at bago pa man maiabot kay mudra, "palabok na lang". So order kami ng palabok. Nainis pa si mudra dahil good for 2 daw ang palabok, walang single serving. Nang dumating na, medyo madami nga. maya maya............................................................. "ay porkchop, sana chicken lollipop na lang.... pero hayaan mo na". so kain ulit, maya maya ulit......................."order ka na nga ng chicken lollipop, nakakasawa ang porkchop nila". Order ulit kami.


sa kabuuan ng pagkain namin, madami din nasabi si mudra. Pwede mo na ngang isipin na judge sya sa Iron chef Timbuktu.

"Ano ba yan, sobrang tamis naman ng chop suey"

"Bakit may seasoning pa sila dito sa table eh sobrang alat na nga ng pagkain nila".

"ang tabang tabang naman ng ice tea"

"sobrang dami ng palabok, hindi ko to mauubos."

"dapat bihon ang ginamit sa palabok, mas feel ko yun"

"nako kaya ko din lutuin to. parang eto lang"

nang patapos na kami, nainggit ang kapatid ko sa halo halo ng katabing table, gusto nya din.

Mudra: "ay nako wag na mag halo halo, inuubo ako, di ako pwede nyan". sabay browse sa menu

"yung double trio na lang..... oh ayan may sanzrival din pala pati yun". (sabi na nga ba halo-halo talaga ang nakakaubo).

after namin kumain at magbayad, lumabas na kami. Natuwa ang daddy ko sa mga display sa sky garden, may mga replica kasi ng mga popular tourist spots. Mga miniature at gusto nyang picturan o magpa picture. nung papose na sana si daddy, sabi ni mudra, "sige mag pa picture ka, puro mga baduy lang nagpapapicture dyan". naramdaman ko ang pagkadurog nya sa mga munting pangarap ni father dear. Nang mapansin ko na naapektuhan din ang iba pang balak magpa picture at parang nag dalawang isip na nga lang kung mag papapicture pa. Agad na ko lumayo at humiwalay sa kanila, kailangan ko pa kasing ipagpatuloy ang naudlot kong mall tour.

siguro kung sa ibang ordinaryong araw, nabwisit na ko sa kanya ng mga panahong yun. Pero since araw nya naman, pinagbigyan ko na lang. Nakakatawa din talaga ang mga nanay kung iisipin. minsan ang hirap ispellengin. kaya pag naasar ako sa kanya, o di ko sya ma gets, iisipin ko na lang ang aming maayos na bahay, masarap na breakfast o dinner, ang laging bagong palit kong bedsheet, ang kumot kong minarinate sa Downy passion, ang di nauubos na sabon at shampoo, ang laging nakatimplang ice tea (di lang sa commercial, sa bahay namin bottomless talaga) ang di nagkakamaling timpla ng kape ko, ordinaryong kape bago pumasok, at decaf pagbago matulog.

Pag naiisip ko yun, mas madami nga pala syang stress sa amin, araw araw gabi gabi. Kaya ok lang kung minsan, sya naman ang boss. :)

Monday, May 2

3 si mingming, si bantay at si big bird

"come Papa come, see bantay run,
see Bantay run, papa.."

Eto na lang ang naaalala ko na linya sa libro namin nung kinder. "See oh see" ata yung title nya. yan yung book na ginagamit para matuto magbasa at take note series sya, yung isa ay entitled "come and go o come and play" hay ewan. Para sa kin, medyo may pagkakahawig ang twilight series sa kanila. LOL. kasi parehong tungkol sa pamilyang weirdo, at parehong merong canine friend, si Jacob sa twilight vs si bantay ng see,oh,see.

wala naman tong masyadong kinalaman sa entry ko ngaun. naisip ko lang bigla. naalala ko kung panu ang treatment nila kay bantay. parang part of the family. Minsan pa nga mas pinapaburan si bantay kesa kay junior. Feeling ko pa nga, kasama din sa bantay sa pagbuo ng mga major decision sa pamilya nila. kumbaga sa corporation, may controlling interest si bantay.

while wall browsing may nakita ako na pinost ng isa sa friends ko, tungkol sa mga kahayupan, video ng mga naglalaban na termites at ants. Na click ko at na enjoy ko naman. more cilck pa at nagtuloy tuloy ang panonood ko ng mga BBCearth videos tungkol sa mga Aminals. Infernes naman sa kin, madali ako ma amaze sa mga ganito kasi ever since bata pa ko, madalas akong bilhan ng mga national geographic or animal planet na videos. Kaya bago pa naman ako makapanood ng porn, mga hayop na nag d-DO muna ang una kong napagpantasyahan. hahaha.

sa aking pagbabasa at pag bbrowse, ito ang ilan sa mga nakita at nalaman ko

meron na lamang less than 60 ang natitirang javan rhinoceros

merong 3000 iba ibang uri ng Lisa (lice) at 1000 dito ay matatagpuan sa anit ng kapitbahay naming bata.

Ratio: sa bawat isang tao sa earth, may katumbas itong 200 million na insektong lumilipad o gumagapang.

sa Denmark, mas madaming baboy kesa tao. 2 pigs is to 1

ang ipis ay mabubuhay pa ng 1 week kahit walang ulo.

ang goldfish lang ang nagiisang creature na nakakakita ng infrared at ultraviolet light

ang snail ay kayang matulog ng 3 years straight

Lahat ng polar bear ay kaliwete.

kahit ahitin mo ang balahibo ng tiger, stripe pa din ito

ang isang Cow ay kayang mgbigay ng 200,000 glasses of milk sa kanyang lifetime

ang ihi ng pusa ay glow in the dark (sa black light lang pala)

pag pinag sama sama ang lahat ng tao at lahat ng anay. mas mabigat ang anay ng major major. ang ratio 10 is to 1

hindi talaga unggoy ang mahilig sa saging kundi reindeers

ang sex organ ng gagamba ay nasa kanilang paa, nasa paa din ang panlasa ng butterfly.

ang lamok ay may ngipin. 47 in total (Huwatt??!!!)




at ang nakakalungkot,


35 to 150 na species ng mga hayop ang na eextinct araw araw.


http://raks777.multiply.com

Sabi ng isang stand up comic, ang earth daw ay mag momove on kahit ma extinct ang mga tao. magpapatuloy pa din ito na parang walang nangyari, na parang walang nag exist na mga tao. ang mga basura na iiwan natin ay magiging parte lang ng earth. Yung mga plastik, magiging bagong element lang sya tulad ng bato or buhangin. Siguro ganun din kahit mawala ang mga animals. di matitinag ang earth.

di ako mahilig sa mga hayop, sa katunayan allergic ako sa kanila pero di ko pa rin maimagine kapag ang natitirang mga hayop na lang eh yung mga binoboto natin twing eleksyon o kaya yung mga ex nating hoodlum. di naman kasi sila pwedeng gawing pet.

At ang mas nakakalungkot pa dyan ay ang fact na mga tao ang may kagagawan kung bakit sila na eextinct. Siguro kelangan ring lagyan ng natural predators ang tao para mapanatili ang balanse ng mundo. Ibalik ang dinosaur, o kaya buhayin muli si Osama Bin Laden o si hitler.

Naalala ko yung sabi ng reviewer kong si Atty. D sa CPAR. Minsan daw ang mga hayop ay mas makatao pa sa mga tao. oo nga naman, tignan mo ang bagong panganak na aso, magwawala sila at mangangagat kapag kinuha mo ang mga tuta nila kahit minsan kinakain nila ang ilan sa kanila. Di tulad ng mga tao, matapos magpasarap, eh ipapalaglag ang produkto ng kanilang kakatihan. Minsan may mababalitaan ka pang iniiwan sa basurahan or kung saan pa. Di ba parang di naman Pang tao ang Abortion, sobrang pang hayop lang nya.


anyways, sana wag naman dumating ang panahon na ang natitirang species na lang na alam natin ay ang askal, si ming ming at ang natitirang bird na lang ay ung hindi lumilipad pero nanunuka (kahit favorite ko pa yon).

http://yaj10.multiply.com/photos/photo/203/1