Sunday, September 25

0 A not-so-sinful weekend

Naranasan mo na bang mag pray sa mall? yung tipong pray na magkakahawak kamay at nakapikit?

A few days ago, i swear that this weekend will be the most boring weekend so far.

Dahil ever since tumuntong kami dito sa US eh kasing dalas na ng pag tatalik namin ng Facebook ang aking affair with Google Map.



Syempre, dahil minsan ka lang naman pupunta dito, why not make the most out of it. In fact, every weekend ay hindi talaga ako napipirmi sa hotel. kahit nga weekdays, as long as time permits, eh rumarampa ako kung saan saan. Kesehodang bangenge ako kinabukasan sa office, o di kaya eh makipag habulan sa mga water sprinkler na nagkalat kapag inaabutan na ng pag bite ng darkness.


Sa sobrang kakatihan ng aking feet, kung san sang lupalowp na nga ako nakarating. Lalo na every weekend. Andyan ang bus papuntang chicago, na sabi ko nga eh parang pinaghalong amazing race at biggest loser. Andyan din ang  muntik akong ma rape ng magtangkang pumarty sa downtown. Nagcamping atng nagpakain sa mga insektong foreign, nag beach, at syempre kailangan ipakita ko din na meron din naman akong substance kaya di ko pinalampas ang mag sight seeing sa museums na pasabog ang mga works of art kahit di ko talaga magets minsan.

AKO ANG PHOTOGRAPHER, AKO ANG MASUSUNOD!! HAHAHA
All in all, i can say, i had my fair share of lakads and experience. PERO!! this weekend proves to be the most unkabogable.

yesterday, my co-worker and i decided to make shopping na lang instead na magpa cremate sa hotel.

at syempre madaming sale lalo na ang mga damit na pang summer (normal na damit sa pilipinas) kaya kilig na kilig ang mga mata namin sa pagiikot at pamimili. Lahat na ata na swipe ko na, ultimo company ID ko at lumang mrt card ata na swipe ko na. pati sa pwet ko tin-ry ko ding i-swipe baka mag add ng credit. wala namang kung i-t-try.

So sa kalagitnaan ng pamimili, etong kasama ko ay biglang nag disappear. nung mahanap ko, ayun nasa labas na ng store at may nakilala palang pinay. Syempre pati ako na excite dahil bihirang bihira lang kami makakita ng Filipino dito sa eden prairie. kung hindi white, dirty white lang ang nakikita namin.

at sya ay si sister Rita. Hep hep! hindi po sya madre, sya po ay isang nurse.

Si tita Rita ay isang nurse at single mom. sa New york talaga sya naka base bago sya lumipat ng Minnesotta. At as usual tayong mga Pinoy kahit saan magpunta pag nakakakita ng kapwa pinoy. SUPER CLOSE! ganun din kami, not to mention super bait ni tita Rita.

Pero ang mga sumunod na pangyayari ay di ko inasahan. Hindi sa hindi ko gusto, hindi ko lang inexpect (nag explain?). Eto pa lang si tita Rita ay isang Born-again christian, at bukod dun, isa syang missionary. So tama ka, religious si tita.

She started making kwento about how we are destined to meet each other. Ang kwento nya nga, nasa may target na sila kung saan malapit na sila halos umuwi nang biglang magaya ang anak nya na dumaan saglit sa Old navy kung saan andun naman kami.

to make the long story short, nagkaroon kami ng mailing bible study sa gitna ng mall, sa tapat ng old navy. Apat kami bale. matapos nya kaming bigyan ng mga booklets, at daily bread she asked us if it's ok kung ipagppray nya kami.


Sa pagkakataong ito, naramdaman ko na ang konting steam na lumalabas sa balat ko, opo umusok ako ng konti. Actually gusto ko nang tumakbo at gumawa ng makasalanang bagay para mapanatili ang balanse ng mundo. Pero hindi, we said "of course". Right then and there, pagkakain ng mint ni tita ay naghawak kamay na kami at nagsimula na syang mag pray. Honestly, i felt weird. Hindi ako sanay eh. at first, i was a bit shy dahil madaming dumadaan at syempre they can't help but look at us. Instead i decided to close my beautiful tantalizing eyes. and i felt peace.

It lasted for a good 5 minutes or so. After nun, she offered na ihatid kami pabalik ng hotel. which is sobrang ok dahil mahaba habang walk din sana ang gagawin namin. Ok lang din maglakad pero since madami na kaming dala mas ok na na maki hitch.

Not to mention inaya nya pa kami na pumunta sa church nila kinabukasan. At nag volunteer pa syang sunduin kami. Since wala naman kaming gagawin we said yes. Sa totoo lang medyo nag aalangan ako. it's been a while since the last time na nakapag simba ako. I can say i have faith. a strong one actually pero i don't consider myself as religious. Naniniwala kasi ako na hindi ko naman kailangan na nasa church lang para makipag usap kay God. Kahit ganito ko, i do pray a lot. Promise!

So dumating na ang kinabukasan at napuyat na nga ako kakaisip ng magandang dahilan para di sumama. Unsuccessful ang mga naisip ko na dahilan kaya oh well, sumama na lang din ako.

Ang church nila ay isang megachurch. Tipong sing laki ng PICC sa tin.

It was a huge place, at ang daming tao. of all shapes, colors and sizes. Nung bago pa nga umalis, i was hesitant dahil feeling ko under dressed ako. Pero pagdating namin dun, it feels nice to see na hindi naman sila ganun ka strict when it comes to attire or appearance. Actually madami nga dun ang naka shirts lang, yung iba naka short, at hindi lang ako ang naka skinny. haha. nagulat pa nga ako kasi merong church goer na andaming piercing at tattoo. Cool.

it was a refreshing experience kasi hindi sya typical na church. The songs are awesome. Praise song din sya pero, it sounds like the hottest indie rock o kaya naman mala jason mraz na songs. Uh-mazing. The topic that day is about divorce and marriage. Kahit hindi ako masyadong naka relate, i can still say, madami akong natutunan.

the whole service lasted for an hour and a half. It was long pero worth it. The whole church community really made us feel welcomed. bakit kamo? kasi may free lunch kami hehehe. Kidding. pero totoo, kapag guest ka, libre ang lunch mo at bongga ang lunch nila. Hindi sya yung tipong pang feeding program tulad ng inakala ko hehe.

Tita Rita also introduced us to her friends, church pastors and other filipino immigrants. It was fun. May isang pastor pa nga nag pinag pray ulit kami. It feels so good whenever he mentions my name in the prayer. It feels so personal at heartfelt. All in all, i can say i had fun. And i don't mind doing it again.

Actually, nag invite ulit si tita na sunduin kami this week after office para pumunta sa house nila. ipagluluto nya daw kami. Hay nako, i'm sure isa nanaman to sa mga pakulo nya para madala kami sa isang prayer meeting. kaasar lang. hahahahaha joke lang po. I'm really looking forward to it. Promise. bukod sa namimiss ko na ang pagkaing pinoy eh gusto ko din naman makinig sa mga stories nila. believe it or not, nakakatuwa pag nagkkwento sila.

Its refreshing to see people who can see the world in a totally different way. They see everyday things and happenings as blessings from God. Yung tipong habang nakikinig ka, marerealize mo na nangyari na din pala sayo yun, at masasabi mo sa sarili mo na "OO nga noh, blessing pala yun".

Tuesday, September 20

2 Double Life

Yup, buhay pa ko. And yes, my blog will live on!

Salamat sa iilan kong readers, kahit konti lang kayo at kahit alam kong kalahati sa inyo ay mga kaaway ko in real life at sumusubaybay lang para alamin kung tinitira ko kayo sa blog. Maraming Salamat pa din.

I wasn't able to publish anything due to major happenings in my life. Recent Happenings yes. Kasalukuyan kasi akong nasa malayong lugar. Tama ang hula mo Facebook friend. Andito ako sa U of S of A. at hanggang ngayon, ay wala pa ding gumagalaw sa kin (maliban na lang nung muntik akong ma-rape sa isang bar 3 weeks ago pero sa ibang post na lang k?) kaya malayo pa ko sa chansang magkamit ng green card.

Napasulat lang ako all of a sudden kasi Finally! nagkaron na din ako ng google+ account. I know, I know i'm so ewweee dahil ngaun lang ako nagkaron nun, but i still feel honored. Buti na lang at nadaan ko sa pilit si Kristian na padalhan ako ng invite.


So, while i was browsing it, i noticed, it's very similar to facebook. So hindi na ko nahirapan masyado na mag navigate. I can say, it's actually very user-friendly... or so i thought.

unlike Facebook hindi ka makakapaghanap ng account ng crush mo o kaya ng cute na aksidente mong nakita ang name. Walang random search. Kailangan alam mo ang email nya. But of course, you can always send invites, kaso nga lang may limit. Only up to 150. so hindi ako sigurado kung yun na ba ang maximum na pwede mo i-add.

since it's new, madami din silang nilagay na mga bagong features. Sa aking understanding, if you are coming up with a not so original idea, you're goal is to have the same kind of thing the original already has o kaya eh come up with additional perks na wala sila. ayun ang perfect formula of competing. Offering more than what they have and eventually beat them to a pulp. Tignan mo na lang ang ginawa ng Facebook sa Friendster. Oh di ba, gulpi-sarado.

Aminin na natin naging Jologs ang friendster. Super Jologs. It was on it's highest peak when suddenly we all wake up one day and everyone has different colorful, eye-straining wallpapers on their accounts. What's worse? yung mukha nila mismo ang nakalagay. kadiri lang di ba. That's what FB used. Simplicity.

may changes man, but it's not as drastic and not as cheap as putting glittery and animated testimonials and sometimes those changes are cool. agree?

Enough of the comparison, let's get to my real point.

Naisip ko lang kasi kanina ang busy busy mo na these days noh?

Andyan na ang facebook, may twitter ka pa. nabitin ka, gumawa ka pa ng youtube account, may tumbler ka pa, tapos di ka pa maka getover sa friendster mo, at nag mmaintain ka pa ng negosyo mo sa multiply. Tapos ngayon may google+ ka pa hinayupak ka. Kung bading ka pa, syempre may may account ka pa sa planetromeo. dahil ayaw mo ng na lo-lonely, may YM ka na, may skype ka pa, bukod pa sa office communicator mo na ginagamit mo na ding pang chika. At dahil naka BB ka, anjan pa ang mga ka-BBM mo. At dahil madami ka pang kwento may blogger account ka din o kung hindi man, wordpress ang gamit mo. Hay buti na lang nakalimutan mo na ang MySpace account mo. at hindi mo pa nadidiskubre ang iba pang social networking chenez.

Yung totoo, hindi ka ba napapagod?

Nakakatawa nga kung iisipin mo, people are making lives complicated. Kids spend more time in front of the computer developing their personalities in the most artificial ways and adults are trying to learn about it too. I guess this is what technology has to offer. Something that's new and something that is fresh. but of course we only have 24 hours in a day. meaning, we can't do it all.

something has to suffer. Personal life maybe? your relationship with God perhaps? Nah. you don't think so.


We all live a complete life. It's just that the life we are living now is powered by the internet.

right?? so go ahead, tweet you're life out. Good luck.