Sunday, April 24

2 Facebook monsters

*first of all writing this article will only lead to my demise. FB friends will become Frienemies. People will secretly hate me. Say stuff about me. or will just stop reading my blog. Pero kating kati talaga ko isulat ito kaya bahala na hahaha. wakokebz dizizit.

Facebook is addictive at walang Rehab para dito. Sa ngayon mas malakas na ang impluwensya ng FB sa buhay ng tao kesa kay Bro. Mike Velarde, Oprah o kay Boy Abunda. Useful tool din to para pasikatin o sirain ang isang bagay o tao. powerful noh? and yes, with great power and fast internet connection comes great responsibility (and GMRC).

http://www.signsfunny.com/tag/funny-facebook/


Ang Facebook ay parang isang malaking party na open to all. At kadalasan sa mga party, may mga tao na gustong maging center of attention. They will wear their best outfit, show their best talents and anything to have that spotlight. To be in. and just like any party, dyan mo makikita ang mga taong di mo nakasama ng matagal, mga dati mo nang kaibigan, mga nakita mo na lang ulit, mga dun mo na lang nakilala, di mo talaga kakilala at.... <tentenenen!!!!!> mga taong ayaw mo nang makita, SANA. Sila ang mga tinatawag na facebook monsters. may kyut, may nakakatakot, may nakakaaliw, may nakakaawa, may masarap tirisin at ilagay sa Pokeball.

 1.Not once but 2- eto yung mga Fbookers na hindi pa nakuntento sa isang fb account. kelangan talaga dalawa ang account at dapat i-friend mo pareho. weird and annoying. kung mahirap na mag maintain ng isang account panu pa ang dalawang account? Ulit-ulit?? Kili-kili?

2. Fanatiks- hindi tao hindi hayop, at lalong lalo nang hindi artista pero merong fan page. may nag lilike naman, mga walo. haha

3.You-Tubero- pag nadaan ka sa wall nila, wala kang ibang makikita kundi iba't-iba at kung ano-anong mga video from you-tube o kaya mga lyrics o mga mp3 songs. walang mintis yan. yun ang kanilang misyon. dapat hindi FB ang gamit nila kundi F_YOU.

4.The Playerz- tulad ng You-tubero, wala naman ibang ginawa ang mga ito kundi maglaro ng kung ano-anong game applications sa FB. Hihikayatin ka pa nila magtayo ng sarili mong syudad. Wagas.

5. LYCANS- mag sstatus ng major major tapos i-lilike ang sariling status. isang malaking DUH!! dapat kinakasuhan ang mga ganito haha

6. Copy-Pasters- never mo silang mababasahan ng status na ORIGINAL hehe. lahat galing ng status shuffle at kung saan saan pa. panu na lang kung walang quote na bumagay sa emosyon nila. PAKTAY NA!

7. Narci-Cyst- every week ata kung mag upload ng panibagong photo album na walang iba kundi FaceMuk nila. simply me, just me, me, myself and I, Aqo L@ng. ikaw na talaga.. haha. paabot ng atsara.

8. Emo-ngoloid- walang ibang ginawa kundi mag inarte sa buhay, laging problemado, laging heartbroken kahit alam mo naman wala naman talagang lovelife. haha. sad quotes, sad pics, sad everything. pinaglihi ata ng nanay nya sa sama ng loob.

 9. 24 oras- dahil bente kwatro oras din sila kung magupdate ng kung anong ginagawa nila na wala naman tayong pakielam. "Eating lunch!", "Nagtatanggal ng Tinga, Love it", "Natatae much","Success, finish na YEY".

10. Holdupper- sapilitan ka nilang aayain para I-Like ang isang bagay. i-chachat ka, at PM pa kung minsan.wala kang kawala.

11. Action Star- lagi na lang may kaaway, lagi ding galit, laging may pinapatamaan, parang laging gustong mag deklara ng world war, pero kahit isang beses di nag babanggit ng pangalan. Yan ang matapang.

12. The Infected- Hey I just got an Ipad! Hahaha what are you doing on this video? AT ang winner, Poor girl caught naked by dad. napapagalaman tuloy kung sino ang mga manyak.

http://hitekhedhelp.blogspot.com/2010/10/girls-sexy-facebook-video-is-disguise.html


13. Palengkeraz- wala sa bokabularyo nila ang chatbox at PM. balitaktakan sa kani-kanilang wall ang labanan dito.

14. The Couple- di ako bitter, nauumay lang ako sa mga mag syotang sobrang In love sa FB ehehe. ayan na ba ang bagong romantic sa panahon ngayon? Kamag-anak din sila ng mga palengkeraz. ang masasabi ko lang, GO GET A ROOM, o kaya MAG-PM na lang please..............................

15. Pokerface- ito ang mga kinagigiliwan mo sa FB, at NEVER mo silang makikita in Person, bakit? kasi hindi mo sila makikilala pag gamit nila ang tunay nilang anyo.

http://www.motifake.com/78615
16. Rebel- galit sa nag sstatus ng ganito ng ganyan, pero pag hinukay mo ang previous stat nila, they did the same thing. ah baka for example purposes only.

17. In Love sa Love- puro love quotes ang makikita mong status nya, laging in love, at laging lutang pero single. hehe. baka nag pprepare.

18. Mr. and Ms. Congeniality- may balak atang tumakbong mayor o magtayo ng sariling networking pero umaabot sa libo ang kanilang facebook friends. hehe. <guilty>

19. English 101- pwede naman mag tagalog pero Perseverance is the key. sige ipilit pa.

1) your talented! >> OMG! that talented is MINE? YOU'RE good!
2) Love May new haircut >> i love MY haircut too. :)
3) always PUT ASIDING >> like ALWAYS SPEAK ENGLISHING? LMAO
4) i have TO MANY tasks >> me TOO. haha
5) TENEN! here i CAME!! >> awwww... u left too soon. :(
6) He PAST the exam!! >> bet he's on the topnotch LISSED. haha


20. Stalker- never syang nag comment sayo o nag like man lang ng kahit ano sa account mo, pero pag nakakwentuhan mo sya, magugulat ka na lang at alam nya na galing ka ng Batangas nung isang linggo at kaka break nyo lang ng boyfriend mo.

21. Paparazzi- Isang linggo kang di nakapag open ng FB nang mapansin mong pinag bubulungan ka ng mga tao. yun pala  itinag ka sa isang stolen picture mo, kita ang kuyukot. hahahaha.



22. THE BRAGGER- ito ata ang pinaka kinaiiritahan ko sa lahat. walang ibang inatupag kundi mag update ng status ng bawat restaurant at fancy food o clothes na binili at pinuntahan nya. di rin sya mawawalan ng picture ng mga ito. Sabi nga nila pag di masyadong kagandahan o KAGWAPUHAN, bumawi sa ibang bagay. (Basahin mo to for further Info)


Let's admit minsan guilty din tayo dito. Di yun maiiwasan. pero kadiri pa din hahaha. alin ka ba jan?

2 comments:

  1. ahaha..

    sapul na sapul ako dito eii.. hmft.

    geh na nga, mi-mellow na aquh pwamiz.. heeeehh

    ReplyDelete
  2. ahahaha.... tama!!!! kainis nga ung iba dito.. (pero parang nagagawa ko din minsan) ahaha

    ReplyDelete

Share your thoughts