Sunday, March 20

1 CYBER *toooott*

OHHH... AAHHHH.... SIGE PA..... DUTDUTIN MO PA....... YEAHHHH...

TAGALAN MO PA..... KAHIT MASAKIT NA......... SIGE LANG DON'T....... STOP..... DON'T STOP!

hayyyyy, ang sarap sarap talagang mag ________. di ba? kahit ikaw na nagbabasa nito, for sure, sarap na sarap ka din. kahit masakit na sa pwet, at sa likod pati sa mata na din kung minsan. but you just can't stop. Sa opisina, sa school, sa bahay, at kahit saan na pwede. di lang ikaw ang naaadik dito, pati mga bata mong kapatid, magulang mo pati na din lolo't lola mo na sayo pa nagpapaturo....


hayyyy..... ang sarap talaga mag internet.

nakakawili. nakakaubos ng oras. at lakas. yung iba nga naadik pa, na mas gustong manatili sa bahay kesa lumabas. bakit ka naman lalabas pa, eh you can already reach the whole world with just a click of a button. well, several clicks pala. ang internet ay isa sa pinaka praktikal at konbinyenteng bagay na nagkaron tayo. maswerte tayo, madali na ang pagkuha ng impormasyon at pati na din pagpapakalat nito. lahat mabilis, lahat simple. Instant kumbaga.

Pero, kasing bilis ng pag upgrade ng teknolohiya sa buhay natin, ay sya din namang bilis ng pag abuso dito. sabi nga, with great power comes bonggang responsibilities. and i consider internet as a power. as i see it, it is an alternative world, a world that runs on it's own. unstable. fun and chaotic. isang alternatibong lugar na pwede mong puntahan para takasan ang real world. AT, tulad ng real world, ito rin ay mapanganib.

noon, wla pang facebook, kakaumpisa pa lang ng friendster, kakaumpisa pa lang ng computer games. At ang favorite page ko ay ang yahoo at google search. Kasi ginagamit ko lang ang internet pag mag reresearch, o maghahanap ng lyrics o chords na wala sa songhits ng clasmate ko, o kaya naman  pag naghahanap ng picture ng crush (porn charot!!). yun lang. boring. pero yun lang alam ko.eh ngayon, goodness, bilang na lang ang di mo pwedeng gawin sa internet, halos lahat andun na. sked ng pasport, umorder ng pagkain, bumili ng kung ano ano, makipag boyfriend, makipagtalik, name it. it's there. kaya naman dumadami ang gumagamit at nahuhumaling dito. all ages and sizes. kaya naman andami ding mga masasamang loob na naglipana.

nakwento ng friend ko ang isang kaganapan mula sa isang sikat at prestihiyosong kolehiyo sa taft. may ilang mga anonymous na estudyante ang gumawa ng isang juicy na FB page. bakit juicy? kasi dito nila nilalathala ang lahat ng mga nasasagap nilang chismis at kwento tungkol sa mga schoolmates nila. open to all. everyone can view and everyone can share what they know. i've visited the page several times. i was quite entertained but mostly shocked and offended. bakit? mahilig ako sa tsismis, oo, pero para tong trial by publicity. walang control sa pwedeng ilathala sa page. personal na mga bagay, karamihan mapanira. may kasamang ID number at blurred photo ang lahat ng nagiging topic ng page. may mga naakusahang malandi, may relasyon kay ganito, klepto, sinungaling at kung ano ano pang eskandalosong kwento. ako maaring di ko sila kilala pero kung sino mang pamilyar sa mga taong pinaguusapan ay siguradong malalaman kung sino ang tinutukoy. not to mention na meron na silang 1500 more or less friends. it is so popular in the school that being one of their subject will either make you or break you. malamang Break you kasi puro negative naman sinasabi nila. Unfair to. walang basehan. at hindi makatao. ang tanging side na naririnig ay yung sa mga nag send ng gossip, na pwedeng may pansariling motibo lang at gustong manira. these girls (opo 3 babae sila) are trying to be juries, and passing judgment on unsuspecting victims. dirty little bitches. this is what we call CYBER BULLYING.

pareho lang to ng alam nating klase ng bullying, para sa kin mas worse pa. anyone can do this anonymously which makes it a lot easier for them. walang kapalit na consequences. mas malala kasi mas mabilis na kakalat, at pwede kang mapagtulungan in a matter of a few clicks. pag nangyari yun, tapos ka. pwede mong sabihing, internet lang yan, no big deal. mali ka! malaking bagay yan. internet is already a part of everyone's life. tinuturi itong big deal lalo na sa US na ilang teenagers na ang nabalitang nag suicide dahil sa cyber bullying. napaka petty kung tutuusin, but you can just imagine kung gano nadurog ang pagkatao nila, na kagagawan ng mga wala sa tamang pagiisip na tao na sa kanila nila eh, they just did it for fun.

yah just for fun, but i don't think it's still fun if you're the one being bullied eh? let's try...

anyways, ayoko din naman maghugas kamay. i am a bully myself, pero ngayon mas sensitive na ko syempre.
and good news, using my wit and charm, nakakuha ako ng impormasyon tungkol sa may mga pakana ng page na yun. ang galing ko sooo much. ayun nasa awtoridad na ang impormasyon. hopefully may mangyari. di ko naman goal na maparusahan sila, i just want them to learn a bit of a lesson na....

ako lang may karapatang mam bully ok? agawan pa ko ng eksena... asar. kidding aside, find a more productive thing to do, and stop digging other people's dirt. it only shows there's nothing interesting enough with your lives. sad.

anyways enjoy internetting urself guys ... click yourself away...   XOXO..!!

internet muna bago ang kahit ano..... astig!

1 comment:

Share your thoughts