Thursday, August 11

1 Kumusta ka Lola?

Isang malakas na sigaw ang gumising sa king pagka himbing, na sinundan ng malakas na alingawngaw ng tila  mga kaldero o pinggang nag bagsakan. Ewan ko hindi ako sigurado. Naalimpungatan ako.


Madilim pa ng magising ako. Agad kong kinapa ang gilidan ng aking unan para hanapin ang aking telepono. Wala namang bagong mensahe, wala ring tumawag. Kinse minutos bago mag alas-syete ng gabi. Madilim pa nga. Madilim na.

Nakaidlip ako. Linggo nga pala ngayon. Marahil nakatulog ako matapos Plantyahin at tiklupin ang gabundok na damit naming maganak. Eto ang tipikal na linggo. Ang araw bago pumasok. Araw na dapat pahinga ay palagi pa ding abala. 

Nakagawian ko na din naman na tulungan si Nanay sa mga gawaing bahay. Sya ang maglalaba, ako ang magsasampay. Kadalasan ako na din ang naglalaba. Magluto ng hapunan, mamalengke. Maglinis ng bahay. Maningil ng renta ng mga tenants. Ilan yan sa mga responsibilidad na itinutulong ko kay Nanay. 

Housewife ang aking inay. Ang tunay nyang pangalan, Rosalina. isinunod sa kanyang lola sa ama. Kilala rin sya ng mga kapitbahay at tenants namin bilang Aling Rosing. Sa kanyang mga kumare sya si Rosie. Masipag si nanay. Kahit isa lamang syang taong bahay, magaling syang dumiskarte, maraming raket. Ginagampanan ang kanyang pagiging negosyante kasabay ng tambak na gawaing bahay. 

Masipag si nanay. Masipag sya hanggang alas-tres ng hapon.

Dahil pag patak ng alas-tres, kasabay ng the 3 o-clock habit prayer ay sya rin naman pag sundo sa kanya ng kanyang mga amiga. At dun sila tutungo sa bahay ni Maritess. ang asawa ng hapon. Ang dating japayuki na nakapagpundar ng bahay at ng tindahan ng LPG. Dun sila kasama ng iba pa nilang amiga. Dun sila mag susugal. Hanggang kumagat ang dilim. Hanggang sunduin sila ng kani-kaniyang pamilya. Sila ang mga mag-aamiga. mga kilalang sugalera. Mga tambay ng simbahan twing linggo at suki ng sugalan sa buong linggo. Mga relihiyosang tsismosa.

pagkabangon ay agad kong sinindihan ang ilaw. Ang mga plantsahin ayun, gabundok pa din. Malamang ay pagpupuyatan ko nanamang tapusin ito. Di ko alam bakit nagawa kong tulugan ang ganito kadaming trabaho. Marahil sa sobrang pagod o dahil sa sobrang init. Ang naaalala ko kasi, katirikan na ng araw ng makauwi ako galing sa pagsisimba. Hindi pa ko nakapag tanghalian. Tapos nun, hindi ko na alam. 

Naaalala ko noon. Twing linggo, si Lola ang kasa-kasama kong magsimba. Aktibo din kasi si lola noon sa simbahan. Pagkatapos ng misa at ng novena hindi pa kagad kami uuwi. Aakayin nya pa ko papunta doon sa meeting kasama sila father. Para bang weekly reflection o sharing. Nakakabagot. Nakakantok kung minsan maliban na lang kung may magkkwento ng tungkol sa asawa nilang may kabit, anak na naging adik o di kaya naman anak na dalagang nabuntis. Dun lang nagiging buhay ang kwentuhan. Pero kadalasan boring. Kaya naman sinusuhulan ako ni lola ng mamon at yakult na bibilhin sa gilid ng simbahan bago magtungo sa kanilang pulong.

Noon yon, bago sya kunin sa min.

Pagkababa ko'y nadiskubre ko na ang pinanggalingan ng ingay. Si nanay pala ang nakabagsak.

"Hoy Ana anjan ka naman pala! Linisin mo nga to. Punyeta talaga yang mga dagang yan. Sinabi ko na kasi sa kuya mo na bumili na ng lason. Nung isang linggo ko pa binigyan ng pambili. Ang punyeta hanggang ngayon wala pa. Pinapamahayan na tayo ng mga daga. Lintek!"

"Nay ano bang lulutuin mo, ako na lang po ang gagawa."

"Hayan, initin mo yang papaitan. yang magaling mong ama gabi na nga lagi kung umuwi puro alak pa ang inuuna. punyeta talaga. Ako pa ang uutusan!"

Agad kong inilabas kay Tatay ang pulutan nila. Mga kasamahan nya pala sa trabaho ang kasama nya at lahat sila ay lasing na. Kahit si Tatay na halos buong buhay nang umiinom, ay nakakapagtakang tinatablan pa din ng espirito ng alak. 

Si Ronaldo Jr. ang nagiisang anak ng mag asawang Manalastas. Tubong Catanduanes, Bicol. Sila ay nagtungo ng Maynila nang sya ay tumuntong na ng High skul. Dahil nag iisang anak, madalas ay sunod sa layaw ang binata. Di rin nagtagal ng sya ay mabarkada. Natuto magbisyo at magbulakbol sa eskwela. Sa unang taon ng Kolehiyo, umuwi na lang sya isang araw na kasama ang kanyang nobya, at mga magulang nito. Buntis si babae at kailangan nya itong panagutan. Ang kwento ng Lola, dahil daw sa sama ng loob sa kanyang Junior kaya namatay ang Lolo.

Kahit may pamilya na, patuloy pa din daw nagbuhay binata ang aking tatay. Kaya naman kahit nagiging pabigat na ay di pa rin sya matiis ng lola. Doon pa rin sa kanyang mumunting bahay tumira, kahati pati sa kakarampot na kinikita ng matanda.

Masyadong magiliw at mapagpasensya ang aking Lola. Naaalala ko noon, sa tuwing uuwi ng lango sa alak ang tatay, madalas syang pagsaraduhan ng kwarto ni nanay. Ang sabi nya'y ayaw nya daw mangamoy alak ang kanyang bagong palit na kobre kama. Sa mga ganitong pagkakataon, si Lola ang matiyagang nag aalaga kay tatay. Gigising ito sa kalaliman ng gabi upang punasan sya at ipagtimpla ng kape o pakainin ng sopas hanggang sa mahimasmasan. 

Kadalasan pa ay dun na ito sa kwarto nya papatulugin. Ang kawawang matanda naman ang magdamag na magpapaypay o kaya'y magpupunas sa lasing na pobre.

Ngayon, sa tuwing malalasing si tatay, kadalasan ay sa garahe na sya aabutan ng pagputok ng araw. Pinagbubuksan lang sya ng Nanay ng pintuan kapag gabi ng akinse o kaya ay a-trenta. Kapag ganun, kahit anong oras umuwi si Tatay hinding hindi makakatulog ang nanay.

Ang malas lang ni kuya. Nung sya na ang natutong magpaka lango sa alak at umuwi ng disoras ng gabi, wala ng magaalaga sa kanya. Dahil kinuha na sa min si Lola. Kaya ayun ang loko, kesa daw umuwi sya ng lasing eh kung sa kani kaninong bahay na lang nagpapalipas ng gabi.

Si kuya ang panganay namin. Pero hindi sya ang bunga ng pagkakadisgrasya ni tatay kay nanay. Nang magpakasal kasi sina Nay at tatay, nagbago ang isip ni pamilya ni nanay. Gusto nila na tapusin muna ni nanay ang kolehiyo. Pero dahil ayaw nila ng karagdagang kahihiyan kapag pumasok si nanay ng malaki ang tiyan. Pinalaglag nila ang panganay namin. Hindi rin naman nakatapos si nanay. Kusa na rin syang tumigil ng mabuntis ulit sya sa kanyang ikalawang taon sa kolehiyo.

"pssst. Oi Ana, si nanay anjan ba?"

Lumingon ako at nakita ko ang aking magaling na kapatid. Sa wakas matapos ang 3 araw na di paguwi, naiisipan nya na din magpakita.

"Buti naman at naisipan mo pang umuwi??! Punyeta kang bata ka! Saan ka nanaman ba nag susuot? Yung perang pinampapabili ko ng lason sa daga asan na?! Napurnada mo na naman ano?!!! sinasabi ko na nga ba! Punyeta, manang mana ka talaga sa ama mo! wala na kayong ginawang tama! Mga walang silbi!!"

agad agad nagmadali paakyat ang kuya. Mabilis na kumaripas na tamang tama lang para hindi sya tamaan ng lumilipad na bakya ni nanay paakyat sa kanyang kwarto para magkulong. 

Mabait ang kuya ko. Dahil na rin siguro dadalawa lang kami hindi na rin kami masyadong nag aaway. Mabait sya. Maliban lang nung panahong isinanla nya ang relo kong baby G na regalo ng ninang ko sa kin. Maliban na lang din nung nakita ko syang humihithit ng damo sa likod ng plaza kasama ng mga tambay sa kabilang baranggay. Mabait naman sya at malambing, maliban na lang din nung panahong tinutukan nya ko ng kitchen knife at binantaang papatayin kapag sinumbong kong may nakita akong parang tawas na nakatago sa lumang lalagyan ng hairwax sa may altar sa kwarto nya. Malambing syang kuya maliban na lang noong nahuli ko syang nakasilip sa may kisame nung isang hapon na naliligo ako. Mabait ang kuya ko.

Masaya ang aming pamilya. May mga panahon nga lang na namimiss ko ang lola ko. Sya lang kasi ang kakampi ko noon. Mag tatatlong buwan na din na mamatay si Lola. Biyernes noon pagkauwi ko galing sa eskwela. Maraming tao sa bahay. Hindi dahil sa tipikal na inuman o sugalan. Natagpuan daw si lola na nakalupaypay. Naglalaway. Wala nang buhay. 

Bago pa man yon, magdadalawang taon na din naman ng una kaming iwan ng Lola. Kasama namin pero wala na talaga sya. Kinuha sya ng sakit na Alzheimer's. Nagmistula na lang syang isang katawan na walang kaluluwa. Hindi na nakakakilala. Mainitin ang ulo. Isip bata.

May mga panahon na normal sya. Walang sumpong. Matino ang pagiisip. Pero habang tumatagal palala ng palala. Araw lang ang binilang ng nagmistula syang sanggol. Hindi na nya kayang alagaan ang sarili nya. 

Sa kasamaang palad. Wala sa pamilya ang napagpasahan ni Lola ng kanyang mahabang pasensya. Noong una, kahit papano ay naaalalayan pa sya. Si Tatay ang naghahatid sa kanya sa kwarto. Gagamitin nya na din ang pagkakataon na yon para hanapin ang titulo ng bahay o kung anu ano pa mang mga dokumento sa mga gamit ng lola. Kung minsan si Kuya din ang naghahatid ng pagkain ni Lola sa kwarto. Lingid sa kaalaman ng matanda, isa-isa na rin nawawala ang mga pinakaingat-ingatang iilang gamit.

Wala namang masyadong yaman ang matanda. Walang ipapamana kundi ang mismong lupang tinitirhan namin. Walang mga alahas, walang ipon o kung ano pa man. Siguro marahil na din sa buong buhay nyang pagkayod na naubos lang sa pagsuporta sa pamilya ng kanyang Unico Hijo.

Ito na din ang naging dahilan kung bakit sa paningin ng aking Nanay, isa na lamang syang pabigat. Una inilipat nya ang matanda sa isang maliit na kwarto sa may kusina. Ang dating maid's quarters na ginawa na lamang tambakan ng mga lumang gamit. Inalis ang ilang tambak, winalisan ng konti, nilatagan ng banig at naging bagong himlayan na ng matanda. Mas mabuti na daw yun para malapit sa kusina o sa banyo at hindi na mahirapan kung dudumi ang matanda o kapag oras ng pagkain nya.

Madalas ko syang mapanaginipan. Pero hindi ko na ito maalala. Madalas ay magigising na lang ako na walang kahit anong matandaan tungkol sa nangyari bago natulog. Siguro kagustuhan ko na din ito. Kagustuhan kong burahin ang mga mapapait na ala-ala. Yung mga hindi maganda. Yung mga masakit at pangit na alaala.

Yung mga ala-ala ng pag maltrato nila kay lola.Yung pag hampas sa kanya nang minsan na-ihi sya sa kanyang salawal. Yung pagsipa sa kanya ng matabig nya ang kanyang kainan. Yung panahon na sa sobrang pangungulit nya para humingi ng inumin, binigyan sya ng isang basong bagong kulong tubig at sa sobrang uhaw ay halos magpaltos ang bunganga at dila ng aking Lola. Yung pagpaso sa kanya ng sigarilyo ng ayaw nyang bumangon para mapaliguan. Nung kalbuhin sya dahil sya daw ang nagkakalat ng galis at kung ano anong pang sakit sa balat. Yung ala-ala ng makita ko syang nakapulupot sa isang sulok, tahimik na umiiyak. Yung makita ko kung paano nya kainin ang pasalubong kong mamon dahil hindi sya pinakain magdamag. Yung makita ko syang mahimbing na natutulog sa kanyang banig na natuyuan na din ng sarili nyang ihi at dumi.

Siguro nga mas pinili kong makalimot. 

Kinalimutan ko na din na ako ang madalas utusan ni nanay na bumili ng lason sa daga. Twing Linggo matapos magsimba. 

Kinalimutan ko na din ang itsura ng bote ng lason na wala ng laman sa tabi ng kainan ni lola. 

Sa di ko maipaliwanag na dahilan, hindi ako malungkot sa sinapit nya. Sa totoo lang. Masaya ako. 

Malaya ka na Lola. Pinalaya na kita.. 

http://buhaykalsada.multiply.com






Tuesday, August 2

6 La visa Kaloka: My US Visa Adventures

"A man's feet must be planted in his country, but his eyes should survey the world"

-George Santayana

(Sino yun?)

Believe it or not. I am patriotic..... in a sense. Pero Hindi ako die hard fan. Hindi ko balak magpa tattoo ng 3 stars and a sun, o ng philipine flag. Magsuot ng panty na gawa sa Pinya Fiber. I don't eat bangus, at kung minsan kumekemblar ako ng mas masahol pa sa malansang isda. ayoko din magsuot ng t-shirt, polo shirt, bag, pants, panty o kung anu pa mang pwedeng lagyan ng YELLOW RIBBON.

http://www.dipity.com/tickr/Flickr_astig/

One thing am sure of, wala akong balak mangibang bansa.

Noong 2005, most people thought that it's the year of the rooster. But no, it is the year of nursing. For almost all my friends from high school decided to take up nursing in college, syempre dahil na din sa pag a-aim na makapag work abroad. As for me, ayoko talaga. Bukod sa Pagbibigay ng libreng circumcision sa mga 18 and above at pag conduct ng sperm letting sa bawat baranggay, i don't find blood, and other medical related things appealing.

http://www.pinoy-ofw.com

So i took up Accoun-ting-inang yan. Lol.

Like i said, going abroad is not really part of my priorities. Siguro sumasagi lang sya sa isip ko kung bakasyon ang paguusapan. Mga tipong hongkong lang or thailand o kahit singapore. Kaya it was a surprise when i found out i will be sent to US for roughly around 2 months. Gosh! Sa totoo lang, i am not that excited, really.

It's an opportunity, yes, but knowing that you will be stepping out of your comfort zone is kinda nerve wracking. Alam mo yung ganung feeling. Ikaw lang mag isa sa isang unknown place, with unknown people, unknown standards, unknown everything. Yung feeling na bago ka bumili ng kahit ano eh magccompute ka muna:

x = dollar price
y = dollar conversion to peso
n= total amount in peso

n = x (y)

Shet di ba. Pero since no choice at para DAW ito sa ikabubuti ko in the future. GO na. At painstakingly, inasikaso ko ang mga dokumento. kesehoda, mangamkam ng mga ari-arian para addional documents kuno. bakit? Kasi, kakailanganin ko ito sa pag aapply ni US Visa, at tulad ng napanood natin sa movie ni Toni at Sam. MARAMI ANG NADEDENY.

Nakakahiya daw ang ma deny ng visa. Pero sa na-witness ko. Hindi nakakahiya. kundi.... Nakakapagod at masakit sa bulsa. $150 ang bayad sa pagaapply ng visa (see formula above) , not to mention ang hirap ng pagkuha ng sked, pag process ng mga kailangang document at ang mismong pakikpag sapalaran sa IMBA-SSY.

http://www.canstockphoto.com/denied-visa-on-passport-3788581.html


Buti na lang, hindi ako ang nagbayad. hindi rin ako ang nagpa sked. Ang naging role ko lang ay ang mag fill-out ng isang Ream na mga forms, pumunta sa embassy at harapin ang Consul na nakaka dugo ng pwet. yup hindi na uso ang nosebleed. Kundi pwet, internal hemorrhage ang epekto.

So dumating ang aking confirmation schedule. Monday, 6:30. I have weekend to prepare. Pero Pak na Pak, dumating naman ang pinsan kong half british half UK. At syempre since ako lang ang pwedeng sumama sa kanya mag clubbing dahil inatake ng dysmenorrhea ang Lola ko ayun bangenge ako ng buong weekend. Ni Hindi ko man lang na browse ang mga documents at letters ko. Gudlak kung ano ang itatanong ng Cone-soul.

Dumating ang madaling araw ng monday. Ang target ko, makarating dun ng 5am. Matapos maligo, magbihis ng conyong conyo, nag taxi. Nakarating ako dun ng quarter to 6. But no worries. Madami na talagang tao pero ok lang yon. PLEASE TAKE NOTE!! Hindi mo kailangang pumunta dun ng 2 hours o kahit 1 hour before your schedule dahil, On time sila. Kung anong oras ang schedule mo, dun lang sila magpapapasok. At dahil nga din sa american discipline, wag kang mag alala, saktong numbers lang per schedule. kaya walang unahang magaganap sa pila.

http://tonyocruz.com/?p=2931


Sabi nga nila mahigpit ang security sa embassy. I-google mo na lang ang mga bawal dalhin tulad ng kahit anong electronic device. Basta naaalala ko nung nakapila na ko para pumasok, nag announce si Manong security na bawal ang kahit anong liquid at MAKAKAIN. Alam ko na yun syempre kaya nga wala akong dalang kahit ano. mga ilang hakbang na lang ako ng maalala ko na nag nenok nga pala me ng mga candy para ibaon in case magutom o mahilo. Pak, wala pa naman basurahan sa paligid, at baka gulpihin naman ako kapag hinagis ko ito sa Roxas blvd. Buti na lang sa kalagitnaan ng napaka neat na damuhan ng tapat ng embassy, may nakapag trip na magsunog ng mga dahon kaya nakahanap ako ng tapunan. sa wakas nakapasok na din. Ang daming entrance. Sa unang guard, sa mga kumukuha ng appointment at papers, sa xray, sa mga mangangapkap ulit, at sa counter na magbibigay ng number. Matapos ang lahat ng yan, nasa labas ka pa din. Pag pinapila na para pumasok sa loob, meron nanamang xray tapos mangangapkap ulit.

http://janeuymatiao.com/2011/05/06/us-embassy-manila-visas/

Shet nung nasa loob na ko, di ko mapakiwari ang kaba. kahit anong relax ko at mental preparation, kakabahan ka pa din talaga. at ayun tinuro ako sa isang window, ENGLISH MODE ON!!! pero di pa pala, aayusin pa lang ang papers, sa sumunod na window, ENGLISH MODE ON!!! di pa rin pala, kukunan ka lang ng finger prints. at sa wakas dun na sa huling window. Sa mga Consul.

http://janeuymatiao.com/2011/05/06/us-embassy-manila-visas/


Sure na to kasi naririnig ko na ang nagaganap na interview. dun kasi ako naupo malapit sa mga consul na para sa mga seaman (seafarers).

at nagimbal ako sa mga sumunod na pangyayari. Habang naghihintay ay naririnig ko ang mga nagaganap na interview sa pagitan ng mga consul at mga seaman. HONGSUNGEEEEETTTT ng mga consul nila. Lalo na yung girl na tawagin nating si CHUN LI dahil sya ay chinese-american.

ilan lang to sa mga scenario

Chun-Li: What's the name of your ship? <SUPERSLANG>
Sea Manong: huh???!!?!?
C: What's the name of your ship?
S: <di pa din ata narinig>
C: <tinodo ang volume at> I SAID, WHAT'S THE NAME OF YER SHIP!!

C: what's your position in your ship?
S: Pastry chef
C: what's the most popular cake?
S: Chocolate cake
C: what type of cocoa do you use
S: < di ko narinig>
C: what brand?
S:...........
C: how big is the packaging?
>and a lot more

C: where are you assigned in your ship?
S: dishwashing
C: in the Dishwasher, how many glasses can you wash in one sitting??
S: <faint>

C: what's the signal for fire?
S: Fire alarm.
C: what's the sound of the fire alarm
S: It's loud ......
C: how does it sound? describe it
S: <WTF????!!!!!>

yang huling tanungan ay nung nasa pila na ko sa consul ko, i swear inexpect ko any minute eh biglang sisigaw dun si manong na katunog ng sirena ng bumbero. At promise sa dami ng mga seaman na dumaan kay chun-Li, ilan lang ang na-approve.

Kaya imaginin mo na lang ang kaba ko nung ako na ang humarap sa Consul ko. Yung nauna pa sa kin na deny din. HUHU. Pero sabi nga nila dapat grace under pressure. Kaya nung turn ko na, with all smiles ko syang binati ng GOOD MORNING! pero di man lang nya ko nilingon.

Si Mr.Consul ay blonde, blue eyed, medyo balding pero pogi. Pure Caucasian. May pagka mala Malfoy ng Harry Potter. Mukang stiff at masungit. Pagkabati ko nagulat ako ng sabihin nyang.

"Sandali lang huh, may tapusin pa akow." Shocked! Amazed! Hindi po sya jejemon ok, ganyan lang ka slang ang pagbigkas nya.

and i was like "Ok".

MrConsul: What's your full name?
me answer
MrConsul: Your Birthday?
me answer
MrConsul: Purpose?
me answer
MrConsul: How much is your monthly salary?
me answer: ___________ million pesos

silence...................

MrConsul: Ok
silence...................

Me still smiling that stiff smile <confused>

MrConsul: padala namin iyong visa sa iyo opisina.


Me: I'm good?


MrConsul: Oo opisina tama ba? office?


me: Great! Thanks!


i mean salamat!

at makalipas ang ilang araw dumating na din ang visa ko. yahoo.
 pero hanggang ngayon di ko pa din maintindihan, bakit ganun ang treatment sa mga seaman at sa iba pang na deny dun sa embassy. As if lahat ng tao na gustong pumunta dun ay para mag TNT o may gagawing masama.

Siguro dapat tayo sa pilipinas mag issue din ng visa sa gustong pumasok. At swear mag aapply akong Consul

at ito ang ilan sa mga magiging linya ko

Bb. Consul: Full name?
Bb. Consul: How BIG? ...............................is your feet?
Bb. Consul: Do you shower everyday????!!!!!
Bb. Consul: Do you soap yourself????
Bb. Consul: how about deodorant???
Bb. Consul: Do you have any intentions not to change clothes?????!!! Answer me!!!

Bb. Consul: Speak in Filipino!!! pakshet, don't push me!!!! DENIED!!!! grrr.





Monday, July 18

1 The deathly Office

Was finally able to watch the last installment of Harry Potter, at infernes ok sya dahil nakapagsabi nanaman ako ng "UH-mazing" na 70 decibels loud after ng movie.


well guys, this ain't a movie review. Sorry to disappoint you. It's just that everytime I find it hard to write something, i try to dwell on recent memories and try to tell it NOT as it is. And sadly it's Harry Potter.

May pagka weirdo ako, allergic ako sa mainstream lalo na sa movies o kaya songs. For me kasi, pag masyadong napapagusapan ang isang bagay, i only find the thing overrated and disappointing not because it's awful but I simply expected too much of everything. Mas masarap idiscover ang mga bagay na untouched o virgin (tulad ko hahaha). I feel more passionate in appreciating it in its purest form and not just because of peer pressure.

Deathly office dahil kasalukuyan, ang opisina ko ay puno ng death o gusto kong punuin ng death. basta something to that effect. Korny lang di ba. Bigla ko na lang na realize na we find Harry Potter's life very magical and out of this world, when in reality we are all harry potter's in our own rights.

Harry Potter dahil napapaligidan tayo ng mga magical creatures all over the place. Wizards and B*tches na walang good and bad side. what's important is if they are on your side. Tama naman di ba?

here's the scenario bago ka sa office. You will now enter a new unfamiliar realm. And in your mind, you hear voldemort saying : "the boy who lived has come to die". and your adventure begins.

http://www.fanpop.com/spots/harry-potter/images/14918806/title/ron-hermione-hp-dh-photo

the RON and HERMIONE character- amidst all the troubles and dangers that awaits you, you will find these people. Sila ang mga die-hard fans mo, angels in disguise, the misery groupmates or simply called friends. Most of them kung mapapansin ay halos same age-bracket mo. you may find others who are older or younger pero iba pa din ang bond with people of your age. May sarili kayong trip at malamang parepareho kayong pinag ttripan ng mga nakakatanda. The catch, since package deal kayo, damay ka na din sa mga problema o issue ng isa.

http://www.giantbomb.com/albus-dumbledore/94-5158/

the DUMBLEDORE character /the headmaster - in every organization makakakita ka ng ganito. Sila kadalasan ang itinuturi mong mentor o iyong guide. whenever something awful comes up, hindi ka matatahimik not unless you hear what he has to say. His words of wisdom brings you confidence and a sense of calmness. Kailangan mo pa din maging objective all the time. yer not'a puhppet yeh know. Beware, these kinds are very manipulative people. Di naman nila mararating ang kanilang current position if not for their persuasive powers. Anyway, you can still learn a lot from these guys.

http://digitalcitizen.ca
the SNAPE people - these are your seniors. Sila yung may pagka stiff paminsan minsan. Controlling. O kaya naman simpleng masungit. Mahirap makapalagayang loob kasi malakas pa sa palo ng baklameter ko ang mood swing nila. With their actions and sharp words, di mahirap isipin na super hate ka nila. But you have to look beyond that. Kadalasan kasi, yan para sa kanila ang most effective way to mold you to something better. Note to self, in dealing with this characters, absorb everything they teach you, and ignore the unnecessary PMS. :)

http://www.fanpop.com
the HAGRID of all times - No place is complete without this guys. Sila ang mga typical na mabait na makikilala mo na always willing to give a hand on things, but only to things na kaya ng powers nila. They are not the brightest of the stars and these are the characters you often forget along the way. They might easily blend in the background but do not undermine their pure heart and trustworthiness. 

http://uncyclopedia.wikia.com
the GODFATHER / GODMOTHER - these are probably your former boss, a former mentor or teacher na you always seek advise about almost anything. They are the ones you are most comfortable with kahit minsan di naman na sila talaga connected sa iyong current issue. Simply put, masyado mong vina-value ang kanilang mga advise, kaya madalas sila din ang una mong pinag susumbungan.


the immortal VOLDEMORT character - these may be common or super rare for some. Pero ito ang mga taong maituturi mong mortal na kaaway mula umpisa hanggang dulo. At oo, bawat chapter ng buhay mo ay ginugulo nya. Be alert, this type may appear human at first but soon it will reveal it's true form. A monster. Kung oobserbahan, kadalasan ng mga ganitong uri ng tao ang pangit talaga na mas nakakadagdag sa Hate factor. The only way to stop them, BEAT THEM TO A PULP.

oh tama na to, mahaba na masyado at masyado nang geeky. I hate doing lists talaga, it's so addictive, you just can't effing stop. Pero kahit malakas maka-harry potter itong post, mas ok na to kesa magsulat ako ng top favorite orgasmic blogs ko, kahit wala namang nagtatanong sa kin dahil lang umaasa akong isama din nila ko sa list nila o kaya eh mapansin ako ng crush kong blogger hehehe. Saka ko na lang gagawin yun pag hindi na rin sya mainstream hehehe

tsup mwah dogstyle! 

Thursday, July 14

4 Unknown-imous Chismosa

You're a blogger, and you wake up one day and you realize that you can't access your blog anymore. You managed to view it, but to your surprise, the blog that you labored your time and energy with, bears a name that is not yours. What would you feel? how would you react?


<English-Off>

Mga ilang araw ang nakalipas, nakwento ko po sa inyo ang pagsali ko sa isang essay writing sa newsletter ng former officemate ko. Balikan mo dito!!!

Kahapon nakatanggap ako ng phone call galing sa kanya. Good news! Napili ang essay ko at mapupublish sya sa kanilang dyaryo. Exposure toh men. hehe. Bad news, naisip nila na baka daw may sumilip sa pagsali ko since outside ako ng organization nila. Actually di ako sure kung may rule ba about dun na nagsabing strictly within the organization ang pwedeng maging participants. Basta nagsulat lang ako.

Sila kasi ay dating part ng company ko (akin talaga?). Kaso na acquire sila ng bagong entity kaya technically seperate na sila mula sa min. Pero dahil nasa transitioning stage pa naman kami, maituturi pa ding magkakasama pa din kami.

So ayun nga, ang naisip nyang solusyon dito ay ang ipangalan ang essay ko sa ibang tao.

and i was like....................................................................................................................... for a few seconds. Like mga 6 seconds.

i was disappointed. nakakalungkot. Hindi ko naman inexpect o in-asume na mapipili o mananalo yung shit na sinulat ko. Pero kahit papano nag exert pa din naman ako ng effort dun. Sa totoo lang bawat sulat ko ay itinuturi kong anak o kaya naman Tae. Anak dahil, nag labor ako tapos iniri ko sya ng pagka hirap hirap. Tae din minsan kasi iniri ko pa din sya pero di nga lang ganun ka cute. But nonetheless, iniluwal mo pa din sya sa mundo. Kaya sa twing nakakabuo ako ng post or kahit anung essay o drawing. Proud ako, kahit minsan ako lang nakaka appreciate nun.

Hindi naman ako masyadong na sad dun sa news. Di nga lang sya isang nakakatuwang bagay. I was caught in a situation that i have to choose whether, i share that thing to the world but not gaining any credit OR to keep it to myself with no one to share it to.

After a while naisip ko, ito yung mga moment na walang lugar para sa pagiging selfish.
knowing na kapag may nakabasa nun, pwedeng may matuwa ng kahit ilang seconds lang o better may ma inspire. Kapag nagkaganun, hindi yun matutumbasan ng kahit anong papuri o kaya prizes.

sa buhay ng isang pintor, manunulat, photographer, o kahit simpleng chismosa

meron tayong choice. ang maging katulad ni Tita Cristy, popular pero kontrobersyal o kaya tulad ni Bob Ong, idol ng marami pero Unknown.

image from PEP.PH


pero wag kang plastik, mas ok pa din kung may prize, at popularity haha.

tsup mwah helicopter. :)

Thursday, July 7

5 Copy-pasted Dreams

 Got an email from a former officemate. Pinapagsulat nya ko ng essay, kasi daw may essay writing contest daw ang kanilang bagong company newletter. Ang theme ay "Dreams". 

Sa isip ko naman, Hala, anu naman alam ko sa dreams. Kung wet dreams pa sana, kahit isang buong newsletter o pocketbook pa yan, makakapaglimbag ako kahit ngayon na. Isang shembot lang. Pero yung totoong dreams waley masyado. Ganun ata talaga pag stressed ka madalas, kung hindi nightmares o wet dreams, mga dreams na hindi mo mapakiwari. Pag gising mo mababadtrip ka lang kasi di mo mainterpret.

Bakit nanaginip ka na ba na kinain ka ng polar bear habang namamasyal sa zoo? o kaya nakipaglaban sa mga ufo na kumukuha sa mga tao dahil nasa akin ang bato ni darna? o kaya eh nakipaglaban sa zombie na dati mong kapitbahay at ang weapon mo lang ay kutsara at tinidor? NO JOKE napanaginipan ko yan. O dba, parang tanga lang.

Pero yung dreams na tunitukoy sa essay writing ay yung dream na pangarap. Lagpas lagpas na nga ako sa deadline pero since committee naman si friendship, may i break na ng rules.

i-sh-share ko lang. Walang pilitan. pwede mag skip read. digital naman ang karma, tutubuan ka ng ikatlong utong sa gilid ng lips hahaha.

PS - wag kang mag expect. 10 minutes ko lang yan sinulat. promise. OK mga 12 minutes.

PS-S - Pag may nakita kang wrong grammar, read "PS". Yan po minsan ang downside ng sobrang alindog

PS-S - Pag napangitan ka, wag ka ng maingay OKayyyyyy.. sa tin sa tin na lang please. haha. kesa naman Emo ang i-post ko. 

eto na! 

Copy-pasted dreams

                I grew up watching little Ms. Philippines as my dearest mother is a fanatic of Eat Bulaga. Luckily, watching every episode of this mini beauty pageant was not enough to influence me to dream of becoming a beauty queen. Not that at least, thank God.

But one of the fondest memories I had from that show is the immortal question of grown-ups to kids. WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?

I know you remember this too, from your Lolo and Lola, balik-bayan uncle, and long lost God parents, they never fail to ask this question. I know you still remember what you answered way back. It’s easy. You just have to choose among these professions. A doctor, A lawyer, An engineer, A teacher, a fireman or you simply want to work in an office, nothing more nothing less. You just have to copy and then paste. No cute kid in their right mind would answer, I want to be a nurse and go abroad, I want to be a call center agent, I want to run for politics for the pork barrel or I want to be the star dancer for the sexbomb girls. Saying that would mean you’ll have less Aguinaldos on Christmas OR people will just think you have autism.

But when I was a kid, I answered differently.

Every night one of my cousin’s hobbies is to bring me to a local Sari-sari store with a comb as a microphone. Once positioned, my performance begins. After a few song and dance numbers and a round of applause from my regular audience the now happy old tindera will let me in the store and ask me to help myself over her candies and chips. Then came the question. “Jade, what do you want to be when you grow up?”.

I would answer back, “I WANT TO BE RICH”. Plain and simple. Then one of the startled audience would ask “why??”

Then, I would simply throw them my cutest smile and with all innocence, I would say, I want to be rich so when I grow up, I can have my own hospital, my own lawyer and have my own office.

Back then, that was my definition of becoming successful. To have tons of cash that the garden salad in my mansion would be made of dollars instead of cabbages.

 Now I am 21 turning 22. I have small ears so most people say I won’t live long.  And the sad fact is, I still don’t have my millions and I bet it’ll be a long way getting there.

We all have dreams when we were little, and these dreams are modified as we grow older. Looking back, I realized that part of success is fulfilling our dreams, but in reality it doesn’t  come all at one time in a big fancy box with a big red ribbon. Success develops inside us. Being contented with where you are at, but still finding ways to challenge yourself to achieve more. Learning and being learned from is what dreaming and fulfilling dreams is.

I am making my childhood dreams come true, and along the process I realized I am fulfilling more than those I have dreamt of. And yes, those millions can wait a bit more. J


Jade Tan
July 6, 2011 – 3:51 am


>>>>> OK tapos na! move on. isipin na parang walang nangyari. Tsup tsup mwah gangbang!





Sunday, July 3

5 Rest In Peace

This is fiction


or not.

it depends how you see it.

a reality in one person's mind is not necessarily a truth perceived by another.
for it is distorted by that person's beliefs, biases and motives that the other will see it only as vague and entertaining as an abstract painting.

so let's begin.

I received the results of my medical exam. For quite some time, I've been trying to hide my fears and anxieties deep within my subconscious, but today, they were dugged up, and now being shoved at my face.

I will not bother to share the details, for you may not care and as i myself finds it hard to understand the technicalities used by that quack of a doctor. To summarize, i will die within 5 years.

5 years is a guesstimate, whether it's long or short, you be the judge. For a newly convicted prisoner, 5 years is a lifetime, for a dying person, i doubt if he will even bother counting.

i spent a few minutes reading it, googled some stuff, and for a good 10 times, i checked whether it is really my name that's printed in the front page. Unfortunately it's mine. The moment i read the diagnosis, i know it's mine for i already have a history of the findings, but this time it has gotten worse. It's like living with a time bomb. No counter, no tiktoks, no warning, just an unexpected explosion that will tore me to an unidentifiable lump of flesh. Now i'm exaggerating.

Will i die a painful death? Will i be spending a few weeks in the hospital bed? are they going to open me up? who's going to show up in the hospital? what will be my last lines? will someone unexpected reveal his true feelings for me? Or will i drop dead in front of an unknown crowd? I really don't know.

I spent the weekend alone. I like it that way. No gimmicks, no partying except for a few errands necessary to make my remaining stay on earth smooth sailing. It's just me, the internet, and silence. This way i can think clearly, talk to myself, plan things. AND, not to mention not even a single close friend bothered asking me out so i have nowhere to go to, pathetic right? I guess they're just too busy with they're own plans and sadly i'm no longer part of it.

They say truth and peace lies on the lips of a dying person. 

Also, when you are dying, you tend to forgive all the people you hate, you reveal everything, you want to see everyone. BUT not in my case.

I will still hate, i will still hide things, and i still don't want to see some people, til Death and beyond.

I guess Resting in peace is really not for everyone. 

And in my epitaph you will read,

 "fuck you all". 


Saturday, June 25

10 Affected much

Oh Sorry na.....

Matagal tagal na din akong hindi nag blog. wala kasi akong masabing masaya kaya di na muna ko nagsulat.
Inumpisahan ko ang blog na to bilang isang outlet. Yung mga hindi ko masabi in real life pinopost ko na lang.

pero lately, pinipili ko na lang ang mga sinusulat ko dito. Yung masaya lang, yung light medyo kwela.
Pag malungkot kasi baka mapagkamalan akong baklang emo. Kadiri lang di ba.

nakakatawa na we can get inspiration pala from different things and situations, not just the happy ones. Pag wala kasi akong masulat naghahanap ako ng enjoyment sa pagaakalang ma iinspire ako. Ayun, umuuwi lang akong wasted at unproductive. letch.

Pero ngayon kakauwi ko lang galing sa hanggang umagang gimik. Biglaan kasi akong naaya ng friend ko, kasama nya mga officemates nya. Puro lalaki so tatanggi pa ba ko sa grasya. Nagkita kami ng isa pang friend sa timog, tapos lumipat sa isang private party somewhere in Banawe (cool place, jologs people). Tapos kumain ng lugaw sa may greenfield, tapos nag chicago. Good thing may car silang dala kaya madali ang pag travel.

Pinakilala sila sa min at ang unang napansin ko ay ang driver. Sya din ang owner ng wheels. Maliit lang sya pero cutie. nagkatinginan kami, ngumiti sya........ at nainlove ako. I'm so pekp*k lang di ba. Sakit ko na ata yun, ang mainlove sa first five seconds ng pagkikita. Kaya pag sumasakay ako ng MRT, sampung beses ata ako naiinlove, sa may cubao station pa lang yan ha, kahit ata poste ng meralco na maganda ang tindig ay natitipuhan ko hahaha.

Itago na lang natin sya sa pangalang Jason. Unfortunately, ang dear friend ko na makati pa sa buning na marinate sa tubig baha sa may kanto ng palengke sa malabon ay type din pala si kuya. In a very fair and ladylike manner, we decided to settle things with a game of BATO BATO PIK! PAK ka jan.

Best of 5, magkamatayan na. The winner gets the guy. That simple. At syempre...... Panalo ko sa score na 5-0. Buti nga sa kanya. Kaya naman bumwelo na ko at nag stretching. Nag warm-up na ko ng aking eyelashes na may split end pa at ang aking wet and chappy lips. Ready-set-attack.

Pero napatagal ata ang warming up ko, ayun naunahan na ko ng hitad. May i dance na sya kay kuya in the tune of waka waka and Beybe by Justin Beyber. Mandurugas. Ganid. Sakim. Hayok. In short Sumpa. Matapos pa kitang sunduin sa SM north ganyan ang gagawin mo sa kin. Kung alam ko lang niligaw na kita. hahaha. Pero dahil birds of the same feather ay the same birds, di na ko kumembot. Give way na lang me. hehehe.

Di ko na idedetalye ang mga kahalayang naganap ng gabing yon. Ayoko na ding alalahanin. Basta maharot at makirot sa puso.

Lingid sa aking knowledge, ang isa sa mga boylet pala na kasama namin ay isa ring sanggre. Yep, green blooded reptilia na nagtatago sa mga dahon ng water hyacinth na bumabara sa ilog. Well, di naman sya tago, di ko lang talaga nahalata. Binulong sa kin ng friend ko at sinabi nya din na ito palang si sisterette ay may matagal ng HD kay Papa driver. At dahil sa ginagawang kahalayan ng ex-friend ko, lubusan pala syang nasasaktan. Gusto nya atang sabayan si Rachelle Ann Go sa pagkanta ng I'd rather leave while I'm in love.

Agaw eksena lang di ba. Ako tong nagiinarte dahil naagawan yun naman pala mas may nagiinarte sa isang tabi. Pero seryoso, i feel for him. Alam ko ang pinagdadaanan nya. Syempre maalam ako eh. Haha. So konting kwentuhan at sharing nalaman ko ang buong kwento. Nakilala ko din sya lalo. Mga past relationships nya, mga heartbreaks and many more. At lalo akong nalungkot para sa kanya.

Sa paguusap namin, halos maubusan na ata ako ng mga words of encouragement para mapagaan ang loob nya. Malungkot man isipin hanggang dun lang naman ata ang kaya kong ibahagi para makatulong sa pinagdadaanan nya. Hanggang salita lang. Hanggang walang kamatayan na "Okay lang yan, ganun talaga".

Sa gitna pa ng paguusap namin, Ilang beses ko ding nabanggit na "Fate ata talaga natin yan". Infernes madami din naman akong nasabi sa kanyang magagandang advice. Forte ko na ata yon, ang magbigay ng advice sa mga problema ng may problema. Matapos ng maikling pagkkwentuhan namin, kahit papano naramdaman ko naman na napagaan ko ang loob nya. Hopefully naiwan ko ang pakiramdam na kahit papano, may nakakaintindi sa pinagdadaanan mo.

Pagkauwi ko, madami akong narealize at nalungkot ako ng very very nice (copied from Glentot! mwachupah). Ganun kasi ako, pag may problema ang isang kaibigan namomoblema din ako. Pag nasasaktan sila, nasasaktan din ako. Ganun ang kaibigan di ba, kaya nga pag may kaaway o kagalit sila diba nakikisawsaw tayo lagi. Kung hindi tayo nanggagatong, kasama tayo sa nagiisip ng isang diabolical plan para mapatumba ang kalaban. hehe. That's what are friends are four.

Feeling ko kaya ako nalungkot dahil nakita ko ang sarili ko sa kanya. Yung mga problema nya at pinagdaanan nya, Pinagdaanan ko din. At kahit anong galing ng advice ko sa kanya, di ko pa din maapply yun sa sarili ko. Badtrip.

Siguro kailangan umalis muna ng kaluluwa ko (kung meron pa) sa aking sexy hot sizzling boodey para makita ko si Ako in a 3rd party perspective at mabigyan si Ako ng bonggang bonggang advice at comfort. yes, comfort yan ang kailangan ko ngayon na ang hirap hirap makuha sa mga taong iniexpect mo. hehe.

Kaya tulad nga ng status ko sa Fezbuk, " I need a break...but not the Kitkat".

they said I'm leaving, but just for a while..


I don't want to go, really.


But now,


it's like I never wana go back here,


not anymore. 








EMO... ewwwiieeee hahahahahaha