Sunday, March 27

0 Mga batang kikay

nung elementary halos di ako magkandaugaga sa pagmamadaling umuwi. hands on the table, mouth zippered with matching twinkly good boy (girl pala)  beautiful eyes. yun ang mga diskarte ko noon para maunang tawagin at pauwiin ng teacher namin, maliban na lang kapag wednesday, na hate na hate ko kasi cleaners ako sa araw na to. gustong gusto ko nang umuwi para mahabol ko ang Mojacko!! nakakaadik ang mojacko... pinagdadasal ko non na makarating ako sa planetang moja moja tapos minsan nanaginip pa ko na may tumubong patatas pangkalawakan sa mga paso ng lola ko. pag umaga naman sa bakasyon, paborito ko naman ang bananas in pajamas na nilipat din sa hapon. kahit may pagka creepy at homosexual si B1 at B2, kakaaliw pa din. Si Heidi na puro bulate kasi laging naka paa. si zenki, na isang Illuminati. si sarah, si cedie, at si romeo na laging tambay sa mga chimineya bago naging colboy. hay the good ol' days.

ito lang ang mga pinoproblema ko noon. ito lang ang kinababaliwan naming mga kiddos noon. wala pa masyadong mga gadget maliban sa tamagotchi kong ilang beses nang nag reincarnate, imortal amf!

after college nag review ako, nag apartment so ang little sister ko ang um-occupy ng aking kwartow, ABA pagbalik ko. puno na ang kwarto ko ng mga poster ni Justin Bieber, ni Sharpey, Jonas Brothers atbp atbp. WAGAS!

nagkalat din dun ang mga DVD ng self absorbed na si barbie na may 1001 costume change, total girl magazines na kung hindi si Taylor swift eh si miley cyrus ang cover. nagpapabili din sya ng manikang Buh-Ratz, ung mga manikang may hydrocephalus. dumating din panahon na tinalo pa nya ang MMDA sa kulay na pink. naglabas sya ng memo na lahat ng gamit nya ay dapat pink. nadamay tuloy ang iba sa mga punda ng unan ko. di lang sya ang ganun, lahat din ng mga pinsan naming bata at mga kapitbahay namin ganun, pero amidst all these chaos, ako, deadma lang sa baranggay.

kaloka, ibang iba na ang mga bata ngaun kumpara sa min noon. ngaun lahat ng social network at tools meron sila at kailangan nilang ma maintain lahat un, dapat updated sa lahat ng mga kanta nila taylor swift etc, may bagong issue ng total girl, may bagong labas na TG slumbook na iba pa sa planner. kung ka age ko sila, siguro bata pa lang ako, stressed na ko, maaga natuto mag yosi, at tinubuan ng sandamakmak na uban, stressful kaya un.

sobrang laki ng parte ng media dyan, ung mga simpleng entertainment para sa mga bata noon, naging mainstream industry na, kelangan ng mas bonggang market strategy, kaya lahat ng pakulo ginagawa.

si tinkerbell, mas sexy na ngaun, nadagdagan pa ng mga friends at dinaig pa ang viva hot babes.

Googe images

si Dora ang negrang lakwatsera, nagdalaga na din.
Googe images
pati si Strawberry shortcake... all grown up
Googe images
pati powerpuff girls nagkaron na din ng mga buwanang dalaw
Googe images

kung mag oobserba ka lang sa mga pinapanood at pinag kakaabalahan ng mga bata ngaun, you will realize a lot has changed. may nabasa akong article, na sabi ng mga creators ng mga cartoons na ito, they are simply adapting to their market. lumalaki na ang mga tagasubaybay nila might as well lumaki na din ang mga cartoons. pero panu naman ang mga bata pa lang, ung mga matututo pa lang manood ng tv, sino na ang papanoorin at iidolohin nila? bata pa lang pero naituturo na kagad sa kanila ang definition ng superficial beauty. meron na sila kagad sense of what is cool and what is not. Now i wonder what lies ahead for the babies of today. hehe
Googe images

Sunday, March 20

1 CYBER *toooott*

OHHH... AAHHHH.... SIGE PA..... DUTDUTIN MO PA....... YEAHHHH...

TAGALAN MO PA..... KAHIT MASAKIT NA......... SIGE LANG DON'T....... STOP..... DON'T STOP!

hayyyyy, ang sarap sarap talagang mag ________. di ba? kahit ikaw na nagbabasa nito, for sure, sarap na sarap ka din. kahit masakit na sa pwet, at sa likod pati sa mata na din kung minsan. but you just can't stop. Sa opisina, sa school, sa bahay, at kahit saan na pwede. di lang ikaw ang naaadik dito, pati mga bata mong kapatid, magulang mo pati na din lolo't lola mo na sayo pa nagpapaturo....


hayyyy..... ang sarap talaga mag internet.

nakakawili. nakakaubos ng oras. at lakas. yung iba nga naadik pa, na mas gustong manatili sa bahay kesa lumabas. bakit ka naman lalabas pa, eh you can already reach the whole world with just a click of a button. well, several clicks pala. ang internet ay isa sa pinaka praktikal at konbinyenteng bagay na nagkaron tayo. maswerte tayo, madali na ang pagkuha ng impormasyon at pati na din pagpapakalat nito. lahat mabilis, lahat simple. Instant kumbaga.

Pero, kasing bilis ng pag upgrade ng teknolohiya sa buhay natin, ay sya din namang bilis ng pag abuso dito. sabi nga, with great power comes bonggang responsibilities. and i consider internet as a power. as i see it, it is an alternative world, a world that runs on it's own. unstable. fun and chaotic. isang alternatibong lugar na pwede mong puntahan para takasan ang real world. AT, tulad ng real world, ito rin ay mapanganib.

noon, wla pang facebook, kakaumpisa pa lang ng friendster, kakaumpisa pa lang ng computer games. At ang favorite page ko ay ang yahoo at google search. Kasi ginagamit ko lang ang internet pag mag reresearch, o maghahanap ng lyrics o chords na wala sa songhits ng clasmate ko, o kaya naman  pag naghahanap ng picture ng crush (porn charot!!). yun lang. boring. pero yun lang alam ko.eh ngayon, goodness, bilang na lang ang di mo pwedeng gawin sa internet, halos lahat andun na. sked ng pasport, umorder ng pagkain, bumili ng kung ano ano, makipag boyfriend, makipagtalik, name it. it's there. kaya naman dumadami ang gumagamit at nahuhumaling dito. all ages and sizes. kaya naman andami ding mga masasamang loob na naglipana.

nakwento ng friend ko ang isang kaganapan mula sa isang sikat at prestihiyosong kolehiyo sa taft. may ilang mga anonymous na estudyante ang gumawa ng isang juicy na FB page. bakit juicy? kasi dito nila nilalathala ang lahat ng mga nasasagap nilang chismis at kwento tungkol sa mga schoolmates nila. open to all. everyone can view and everyone can share what they know. i've visited the page several times. i was quite entertained but mostly shocked and offended. bakit? mahilig ako sa tsismis, oo, pero para tong trial by publicity. walang control sa pwedeng ilathala sa page. personal na mga bagay, karamihan mapanira. may kasamang ID number at blurred photo ang lahat ng nagiging topic ng page. may mga naakusahang malandi, may relasyon kay ganito, klepto, sinungaling at kung ano ano pang eskandalosong kwento. ako maaring di ko sila kilala pero kung sino mang pamilyar sa mga taong pinaguusapan ay siguradong malalaman kung sino ang tinutukoy. not to mention na meron na silang 1500 more or less friends. it is so popular in the school that being one of their subject will either make you or break you. malamang Break you kasi puro negative naman sinasabi nila. Unfair to. walang basehan. at hindi makatao. ang tanging side na naririnig ay yung sa mga nag send ng gossip, na pwedeng may pansariling motibo lang at gustong manira. these girls (opo 3 babae sila) are trying to be juries, and passing judgment on unsuspecting victims. dirty little bitches. this is what we call CYBER BULLYING.

pareho lang to ng alam nating klase ng bullying, para sa kin mas worse pa. anyone can do this anonymously which makes it a lot easier for them. walang kapalit na consequences. mas malala kasi mas mabilis na kakalat, at pwede kang mapagtulungan in a matter of a few clicks. pag nangyari yun, tapos ka. pwede mong sabihing, internet lang yan, no big deal. mali ka! malaking bagay yan. internet is already a part of everyone's life. tinuturi itong big deal lalo na sa US na ilang teenagers na ang nabalitang nag suicide dahil sa cyber bullying. napaka petty kung tutuusin, but you can just imagine kung gano nadurog ang pagkatao nila, na kagagawan ng mga wala sa tamang pagiisip na tao na sa kanila nila eh, they just did it for fun.

yah just for fun, but i don't think it's still fun if you're the one being bullied eh? let's try...

anyways, ayoko din naman maghugas kamay. i am a bully myself, pero ngayon mas sensitive na ko syempre.
and good news, using my wit and charm, nakakuha ako ng impormasyon tungkol sa may mga pakana ng page na yun. ang galing ko sooo much. ayun nasa awtoridad na ang impormasyon. hopefully may mangyari. di ko naman goal na maparusahan sila, i just want them to learn a bit of a lesson na....

ako lang may karapatang mam bully ok? agawan pa ko ng eksena... asar. kidding aside, find a more productive thing to do, and stop digging other people's dirt. it only shows there's nothing interesting enough with your lives. sad.

anyways enjoy internetting urself guys ... click yourself away...   XOXO..!!

internet muna bago ang kahit ano..... astig!

Monday, March 14

6 Nagkatawang Tao

hindi lang pala si Jesus ang nagkatawang tao....


pati ang Pagnanakaw ay nag-anyong tao na din.anong kasunod??

katakowt...... at isa syang blonde jejemown. sana mahuli na sya. :S

Sunday, March 13

8 Wanted: Girlfriend

"No Girlfriend, No Gastos! hahaha"

"freedom at last! yahooo! inuman na!"

"Dota na ulit!"

eto ang ilan sa mga linya ng mga boys na single, either by choice o by chance. di pa kasama dyan ang mga boys na single from the beginning of time. ok, mukang masaya nga sila, pero c'mon boys, you can do better than that. mula pagkabata hanggang tumanda, boys lived a life of competition and having a girlfriend is similar to having the best or the latest toy. kapag wala kang girlfriend, either loser ang tingin sayo, o kaya boyfriend kasi pala ang hanap mo.

"i want a girlfriend" o kaya naman "i need a girlfriend". meron pang, "kelangan ko ng girlfriend, kasi lahat ng friends ko meron". do you really need one? or you just want one? hindi yan ang tanong, the real question is, WHY do you need one? may nabasa kong article, sabi dun, yung mga lalaking desperately in need or desperately looking for a girlfriend are those people whose having a hard time looking for a date every weekend, kaya they resort to entering into a commitment para may regular companion. agree or not, this is debatable but truly, it has a good point. marami akong kilalang lalaking desperately looking for love, who are we to blame them, having a girlfriend comes with a lot of perks LOL:

 1) Extra Rice, Extra everything- ang mga chicks ay madalas hindi magubos ng pagkain, takaw-tingin, oorder, at maaalala na nagdidiet pala sila. So si maswerteng boyfriend ang uubos ng di nya nagalaw, AYOS!


2) Armrest- enough said! yun na

*girlfriends, maaaring makaramdam ng konting discomfort sa umpisa pero, masasanay ka din at iyong hahanap hanapin.

3) Instant bag- most guys are soooooper tamad magbitbit ng gamit, lalo na ng sariling bag o pouch. may ilan pa nga na ang dala lang sa pagpasok ay ballpen at ilang pirasong paper. pero sa mga may girlfriend, magaang ang buhay dahil meron kang pwedeng paglagyan ng iyong mga anik-anik like car keys, notebook, at kung ano ano pa! lahat naman ay kasya sa kanilang "purse" kahit buo mong pagkatao.



 4) SugahMomma!- sa dinami-dami ng mga nagastos mo sa mga date nyo, gifts mo sa kanya at kung ano-ano pa, for sure maiinlove sayo ng bongga ang girlfriend mo. Girls would definitely return the favor, lalo na sa panahon ngaun na hindi na lang lalaki ang gumagastos sa babae.


 5) JOWALALAY- hindi lahat ng girlfriend ganito pero kadalasan daig pa nila ang nanay mo sa pagaasikaso sayo. during outings o trips, laging kasama ka na sa pagpplano ng girlfriend para sa mga dadalhin nya. extra toothbrush, sabon, shampoo, cotton buds, at towel, wag ka na mag abalang magdala at bibigat lang ang bag mo, meron na sya nyan for you. TAMIS.

6) the Ultimate Alibi- kung di mo feel sumama sa gimik nyo ng barkada o gusto mo nang maunang umuwi, nothing beats using your girlfriend as your alibi. wala nang palag ang tropa pag si kumander na ang isinangkalan mo.


7) Spokesperson- naghahanap ka ng regalo sa nanay mo, make up ang gusto nya, syempre mahihiya ka magtanong. tada! girlfriend! kung ikaw ang tipong shy-type, o sadyang may pagkatanga-tanga sa mga bagay at nahihiyang magtanong, laging isama si girlfriend, daig mo pa ang may guardian.

8) Pampagwapo- kahit gano ka ka-exotic, nababawasan ang panlalait sayo ng kapwa mo kapag may gf ka. kahit papano nakukuha mo ang respeto nila. maari din nilang maisip na likas kang madiskarte o kaya ay may hypnotic abilities. meron ka na din ipagyayabang sa susunod nyong inuman na mas astig pa sa magic cards o bagong gadget.


ngayon, sinong may ayaw ng girlfriend (ako... eww!). yung iba nga gusto madami pa hehe. so watcha waiting for Grab one now!

Wednesday, March 9

4 oh, buhay ka pa?

 January 25, 2011. 2:00pm
Ayala, Makati. Near Buendia MRT station
A bus exploded. 4 killed. 14 injured


tsk sayang... nasa Bus ako. EDSA. alas dos. maaliwalas na hapon, walang traffic. nakakantok. Cubao. Flash report. biglang traffic. ambulansya. fire trucks. madaming wang wang. ligtas nanaman. tsk sayang


Gusto ko nang mamatay. Seriously.
Pero hindi naman ngayon (mga mamaya siguro). Probably, masyadong kong tinitake for granted ang death. my own death syempre. pag nastress ako, kapag di nasusunod lahat ng pinlano ko, pag may umaapi sa kin, lagi ko na lang gustong mamatay. kabwisit kasi. hehe. pero seryoso the topic of death is something really taboo for me. pag eto na ang usapan nako, meron sa loob kong squiggly at nagiging mushy dahil takot akong mamatayan, sa totoo lang ayoko ng may namamatay. kahit nga kakilala lang ng kakilala o kaya di ko talaga kakilala affected ako, kahit sa namamatay na aso o goldfish. andami ko kasing naiisip, tulad ng sinu kayang mga naiwan nila, alam na kaya ng pamilya nya, alam na kaya ng may crush sa kanya, natuwa kaya yung naaasar sa kanya, o kung nalungkot kaya kahit katiting yung mahal nya o yung secret love nya. pero sa totoo lang hindi ako takot mamatay. i actually fancy death everyday, my own death lang syempre. pero not in a very emo way. Death is inevitable, might as well prepare yourself for it. para yang tuli, hindi ka pwedeng maging supot habang buhay, you gotta have to face it eventually. pero di tulad ng tuli, hindi ka pwedeng mamili ng kung anong klaseng cut ang gagawin sayo. para bang isang umaga na gigising ka, malalamang magpapatuli ka without knowing kung doktor o si manong magtatawas ang sasalubong sayo. chaka di ba.

I remember one time. yung kaibigan kong abnormal, jinoke ako na nahulaan daw ako ng isang matanda sa quiapo, mamatay na daw ako complete with scary details. at ako naman si gullible, naniwala. so for 2 weeks hindi ako lumabas ng bahay, di sumama sa mga gimik, hindi lumandi, nag bed rest lang. hanggang sa isang araw, sa tulong na din ng isa pang friend, na realize ko na kahit san naman ako tumambay, kung mamamatay ako, that's it pancit!

Kadalasan ang laman ng mga day dream ng mga tao ay lovelife o kaya madaming madaming pera, ako hindi, madalas kong daydream ang kung paano ko mamamatay. hindi ba parang ang sarap nga kung makakapili ka ng paraan ng kamatayan mo (huh??!!). pero seriously kung bibigyan ako ng option na pwedeng pumili kung pano ko mamamatay, AYOS!  masagasaan?? chaka. sabog utak, kalat sa kalye, talsik eyeballs tapos magiging kamuka ko si michael jackson sa burol. di ko bet. Mamatay sa sakit? Nahh...... mahirap. haggard. matagal pa mag susuffer. parang pila sa bigas. Sumabog sa bomba? pwede siguro, kaso ganun din corned beef ang labas ko. Patayin ng holdupper? wag naman, ang cheap, kunin na nila lahat, pati puri. please... Magoverdose ng lason? minsan di nakakamatay, masakit lang sa tyan at nakakahilo.. 

marami na kong kakilalang namatay o namatayan sa mga binanggit kong paraan, at kahit ano pang uri ng paraan ng pagkamatay, kahit gano pa ka-creative ito. parepareho lang na masakit at mahirap tanggapin. kwento ng isang kaibigan, yung lola nya daw twing may aksidente o delubyo na nagaganap, lagi nya itong kinokonek sa end of the world, na this is the beginning of the end. kaya daw kung anu anong virus at sakit ang mga sumusulpot ngayon na wala naman dati. aasarin nya naman ang Lola nya na siguro, nauubusan na si Lord ng paraan ng pagbabawas sa tin kasi hanggang ngaun, andito pa tayo, overpopulated pa. Basag si Lola. siguro nga nililipol na tayo, o di kaya naman binibigyan lang tayo ng mas madaming dahilan pano i-ttreasure ang buhay. ano sa palagay mo? (sa kin yung nililipol).



no one is prepared to face death. everyone is scared of dying, dahil takot tayo sa hindi natin alam. Everyone will die, for sure. ikaw, ako, yung boss mo, boyfriend mo, anak mo, pati yung kundoktor na kaaway ko. lahat (maliban kay madam auring o vicky belo na mga imortal). At the end, when we look back, we can say, everyone died, but not everyone lived.


"Have the courage to live, anyone can die."

-Robert Cody          



Monday, March 7

5 THUNDERCATS!!!

Saturday morning, naguusap kami ng 3 sa intellectual officemates ko tungkol sa mga ka-bwisitan sa pilipinas. mga mandurugas na taxi driver, siksikang MRT, bakit mahirap ang pilipinas, overpopulation etc (ganyan ang ordinaryong usapan sa office, kaya nag rereview muna ko bago pumasok). tinanong ako ng kung ano ang mai-susuggest kong solusyon. Ang maldito kong sagot, "GENOCIDE". patayin ang mga walang naitutulong sa ekonomiya, gilingin, gawing de lata. isahog sa lugaw, gawing hotdogs, tocino, o kikiam. Sabi naman ng isa, unahin daw ang matatanda. 60 o 70 pataas, kaloka. magiging mas mabenta pa sa bigas at langis ang Olay pag nagkataon.



Hot topic ngayon ang age, Si Bong Revilla kasi nag suggest na ibaba ang retirement age from 60 to 55. madaming kontra, may mga sang ayon din. sabi ng haters, parang sinabi daw na wala nang silbi ang mga utaw na 55 up. pero para sa kin, ok tong idea na to. at least ma-eenjoy mo pa ang mga anda na pinagtrabahuhan mo ng buong buhay mo. gusto ata nila magtrabaho for life. Sila na lang. Ako nga, mga next year balak ko na mag retire. 2012 na din naman kasi, makapag bakasyon man lang bago magunaw ang mundo.

totoo naman to, lalo na nang magdalaga ako. naisip ko sobrang big deal nga pala ang age for most people bata man o matanda. i remember back then, sa isang bar sa timog, andaming nagaabang sa labas, parang may field trip, un pala mga hindi pinapasok ng bouncer kasi minor, nakikipagtalo pa na 18 na daw sila kahit mukang bagong tuli pa lang yung iba at yung iba, patubo pa lang ang boobs. on the other hand, may mga adults naman na nagpapatanda para lang makakuha kagad ng mga benefits. weird talaga. di tayo makuntento sa kung anong current status natin hehe. ako, may times na feeling ko, sobrang tanda ko na, pag gumigimik lalo, tapos mga bagets talaga kasabay mo, nagiging dalawa ang option ko, landi o kaso (kaso na lang, may piyansa naman eh). natutuwa na din ako kapag may nagsasabing mukha akong bata, ibig ba sabihin yun na yung ginugusto kong marinig, kasi ganun yung lola ko eh. pag sa career naman, feeling ko ang tagal tagal ng pagusad ko, lagi akong nagmamadali, sabi pa ng iba, masyado pa daw akong bata. ano ba talaga? 

Actually takot akong tumanda, lalo na pag nakakakita ko ng mga elderly. nakakainis kasi sila minsan, ambabagal kumilos, nakakatakot pang panoorin kapag tumatawid o nag pupublic transpo. sabi ko dapat pag matatanda na di na lumalabas ng bahay. pero naisip ko, panu pag ako na ung nasa ganun edad, tapos gusto ko pa din gumimik, panu na???!!!! 

may isa kong kaibigan, kikay, maporma, at mahilig mag make up. wala atang araw na di sya nag make up. lagi pang puyat kaya ung eyebags nya mas madami pang layer kesa sa ginagawa nyang graham cake. pero nainspire nya ko. minsan kasi sobrang hyper ng eyebags nya, sinabihan ko sya na tigilan na ang pag coconcealer, kasi nakaka wrinkles yun sa mata. In-advisan ko pa sya ng kung ano anong mga eye cream, o mga pwedeng operasyon. ang sagot nya sa kin, bakit ba kelangan pigilan ang pag kaka wrinkles o pagtanda? kahit magmuka akong matanda pag tanda ko, eh normal naman yun. May tama sya!! hindi naman siguro kung kelan ka tatanda dun ka pa lang magpapaligaw o kaya eh mag sstart ng iyong modelling career. naman! kaya ok lang, ngaun ka na magpaganda, para kahit matanda ka na, at least nag enjoy ka.



"si nena ay bata pa, kaya ang sabi nya ay, uhm, uhm, oooooooooooooohhhhhhh ahhhhhhhhhhhh ahhhhhhhhhh........WATCH ME...!!!!!"

Sunday, March 6

4 Machong Tattoo

walang kwentang post

lumabas ako kasama ang ilang friends, nagkape (3in1) at nan-chicks (tomboy???!!!!). ayun nakita ko pa si Solenn at iba pang artista, nakakatomboy si solenn, suot nya nanaman yung hiniram nyang tube sa kin, klepto talaga. hahaha. anyway, habang nagmamasid at nagsasabi ng mga mapanirang bagay sa ibang tao o kaya ay nagnanasa, andami kong napansin na may mga tattoo. yung isang lalaki na naka shorts, may tattoo sa braso may tattoo pa sa hita malapit sa... nakaka amaze ang mga tattoo, lalo na pag bago pa lang. ang tingkad ng colors, tinalo pa ang bonggang crayola set ko nung elementary na matagal ko ding pinagdamot sa mga kaklase at kalaro. madami din akong friends na nagpa tattoo, ang gaganda, yung iba matagal pinagisipan ang personalized design nila.

 madaming klase ng tattoo, may mga makulay, may black lang, may red pa na kulay chikinini, may burado na (na madalas kong makita sa mga mama at bigla akong napapakapit sa bag ko ng mahigpit). may maliit, may malaki, may tago, may sumisilip, meron sa mukha, may salita, may baliktad, may permanente, may pinatungan, may inedit, merong nabubura din na kapag tuluyang nawala mas maputi na ang balat na tinattoo-an kesa sa balat na nasun-burn, at kung ano ano pa. kadalasan abstract designs, o kaya pangalan ng mahal nila sa buhay. Madaming naaadik sa tattoo, Sobrang laganap na ng tattoo, di tulad dati na pag may tattoo, kriminal o bagong laya ang tingin sayo.

Kung magpapatattoo ka, permanent na yun syempre, dapat siguro pagisipan mong maigi. dapat yung unique na ikaw lang yung meron. Naalala ko to, kasi naalala ko yung friend ko na may birthday ngayon!! PEN HABURDAY!!!!!! sabi nya dati pag magpapatattoo sya, mga gamit sa bahay. instead na ahas o dragon na nakapulupot sa braso nya, charger o kaya, belt. tapos daw sa likod nya, ipapatattoo nya yung ref nila kasi mahal nya daw yun. yung ref nila na naka bukas pa at kita kung anong mga pagkain ang laman. sigurado ma-eelib sila sa tattoo mo pag ganun. ok din kung papatattoo mo yung mga istasyon ng MRT sa braso mo, useful pa. minsan kasi walang mapa ung likod ng tiket. o kaya kung engineering ka, mga mathematical formulas na magagamit mong madalas. kung liberated ka naman, magpatattoo ka ng calendar sa hita mo, yung may sked kung kelan ka fertile. haha. pwede mo din ipa tattoo yung family tree nyo, o kaya lyrics ng favorite mong kanta.SSS o TIN number pwede din. ok din yung tattoo sa talukap ng mata na mata din para gising ka 24/7. Para di ka mabore, magpa tattoo ka ng sudoku o kaya crossword.  tsk andami dami eh, bat ka pa mag aabstract design di ba?

kung ako siguro magpapatattoo, glow in the dark na lang siguro kasi baka di makita sa kulay ko. tsaka para sikat. aztig! ikaw, anong design ng sayo?

Saturday, March 5

1 Ang Diary, Whitening soap at Bapor Tabo

     Noong hiskul lagi kaming pinagsusulat ng narrative sa El Fili. tamad na tamad ako nun. kasi last subject na yun sa umaga bago mag lunch kaya kadalasan short-cut lagi ang nasusulat ko. kung pwede i-double space pati letter lalagyan ko hehe. pero naalala ko naka 100 ako sa isang narrative, yung tungkol sa Bapor Tabo ng El Fili. sa mga di nakakaalam yun ang barkong... ito ay hugis bilog parang tabo, na nahahati sa Up and Down. sa Up ang angkan namin (and family friends) at sa baba ang mga Purita Avila (mga dayukdok na mamamayan).


Fictitious lang yun syempre, kaya bilog. may tanong pa noon kung bakit daw hirap umusad ang Bapor Tabo. Duh... kasi nga it's bilog. so mahirap para dito ang umusad ng diretso. paikot ikot parang tanga. di alam kung san pupunta. Dun sa narrative ko, inihambing (wooh lalim) ko yung bapor sa society natin. na kaya hirap tayo umunlad kasi walang tiyak (strike 2) na pupuntahan tulad ng Beypor Teybo.

hanggang ngaun, after ng 3 Edsa at di mabilang na retoke ni madam auring, ayun ganun pa din tayo. Stay put lang.. Chill lang.. hahahah.

Magtataka ka pa ba? nag Mara Clara na noon, alam na ng lahat ang istorya, na ang punyetang diary ay nasa ibabaw lang ng tukador, kung nag general cleaning lang sana sila, di na yun tatagal ng 5 taon. Tapos heto nanaman tayo, tuned in sa remake ng mara clara, excited nanaman kung panu papahirapan si mara ng di maka move on move on na si clara na migiging mabait din sa dulo (Bipolar). pusta ko magkakaroon pa ng part 3 yan, pero hindi na diary, naka blog na rin yung diary at may super powers na sila mara at clara. Bongga. pero at least yung Mara Clara lumipas ang taon bago nag remake.Ang matindi eh yung darna!!!!! lumipat lang si angel ng station inulit nanaman. kaya di tayo makabuo ng justice league eh.



originally from michaii

  KASI TAYO, mahilig sa paulit ulit. lahat inuulit. tv series, movie, kanta, at everytime na inuulit kinakagat pa din. goodness, can't they think of anything new. pati mga mexicanovela, koreanovela, chinovela at Libyanovela nirerecycle natin. kala ko dati bulok na bus lang ng japan ang binibili natin hindi pala. kaya naman no wonder wala na tayo halos ni loolook-up kundi foreigners. 

speaking of which, meron pang Nita Negrita. ok fine, i'm sure they're trying to teach people some values pero unconsciously, ang nagiging lesson na naiiwan nito eh kapag negra ka, kawawa ka. aapihin ka. kaya naman kapag pinagawa ang mga bata ngaun ng pie chart ng Basic Needs, di na lang food, shelter, clothing etc ang ilalagay. pati whitening needs. Sad noh.yung iba pa ngang kakilala ko, maputi na pero nagpapaputi pa lalo, gusto atang maging kulay negative (negative ng picture).


one time, habang nasa bus ako pa ortigas, pinalabas sa TV ang bagong show ni Willie. so while stuck in traffic, i have no choice but to watch. from the beginning of the show na puro dancers na halos confetti na lang ang suot, ilaw na hyper, at novelty songs hanggang sa lumabas si Willie, wala akong nakitang sense, o ni katiting na intellect. nung lumabas si willie, parang mga nakadrugs ung mga tao, hindi mapirmi, sobrang hyper. tapos titigil, sisigaw si Willie ng wala lang, tutunog ang malakas na music magwawala ulit ang mga tao, titigil ulit, sisigaw si Willie, tutugtog ng malakas, magwawala, titigil, sisigaw, tutugtog, magwawala, titigil, sisigaw, tutugtog, magwawala - repeat 4 times.

paulit ulit. parang tanga. to think this went on for at least 20 minutes hanggang sa lumabas si Shalani na mas mahinhin pa kay virgin mary. and this used to be the top noon time show? weird. so weird.

3 kwentong short-changed

flickr.com
 Sabi ng lola ko, sa mundo dalawang klase lang daw ang tao. mandurugas, at nadudugas. Oo, parang action star lang yung lola ko di ba. pero may point sya. naisip ko nga, almost everyday lagi tau nadudugasan. di lang natin napapansin, lalo na kung mayaman ka.

Nung isang araw galing ako sa aming weekly badminton game sa pioneer. from Boni, sumakay ako ng bus papuntang monumento. siningil ako ng 25. pagdating ng megamall, dahil konti lang ang pasahero, pinalipat kami sa isang bus na same company. dahil madalas naman ito mangyari, sanay na ko. at syempre pag transfer di ka na magbabayad. pagkalipat, sinabihan pa kami ng bagong na kondoktor na itabi ang tiket namin dahil hahanapin later. nakatulog ako. mayamaya may gumising sa kin. dinudutdot yung balikat ko. yung kondoktor. sabi nya:

Kondoktomboy: san ka bababa?
Maldito: Monumento
K: nagbayad ka na?
M: yung sa transfer po
K: patingin ng tiket
M: <inabot ang tiket>
K: kulang pa ang bayad mo
M: ay ganun po, magkano po ba? mula boni to monumento?
K: 30
M: (30 - 25 = 5) <dumudukot ng 5>
K: magbayad ka ng onse..........................

tumigil ang mundo

M: ho? bakit 11 pesos? eh nagbayad na po ako kanina eh!!!!
K: oo pero kulang
M: kulang ng magkano? <nagtinginan na mga tao> di ba nagbayad na ko dun ng 25 <pinakita ulit ang tiket>
K: kulang ka pa ng 11 kasi transfer ka
M: magkano ang mula boni to monumento??!
K: 30
M: magkano na yung nabayad ko <wasiwas ng tiket>
K: 25
M: magkano kulang???? DI BA LIMA LANG?
K: TRANSFER KA KASI, MAY CUT OFF KAMI HANGGANG CUBAO LANG! KELANGAN MO NA ULIT MAGBAYAD
M: ANONG CUT-OFF?! NAGBAYAD AKO NG BUO TAPOS SASABIHIN MO PAGDATING NG CUBAO MAGBABAYAD ULIT AKO NG 11!!!!!
K: <di sumagot, nag busy-busyhan...>

K: < bumubulong ng di maganda......>
M: kumuha ng bente, inabot <hinagis> OH AYAN NA!!.................... AKIN NA YUNG SUKLI!......................................... ANO WALA DING SUKLI??
K: <inabot ang sukli at tiket, nakayuko> pakita mo yung tiket mamaya pag hinanap
M: talaga, binayaran ko yan eh. HINDI KO IKAKAYAMAN YAN.

bago ko bumaba, napatawad ko naman na si kuya/ate/kuya. di ko na itinuloy ang plano kong pagtusok ng raketa pagbaba ko. hayaan mo na. wala naman sa kin yung pera pero, di ko matanggap ang illogical nyang reason na kailangan ko ulit magbayad.

minsan, feeling ko din nadugas ako twing sinasabi ng saleslady/ cashier na " sir kulang po ng 25cents, ok lang po?" syempre kesa maghintay o kaya naman makipagaway pa. i just smile and let it pass. pero may time na nakakainis na din talaga. sa isang convenience store sa ayala, makati. twing bibili kami, yes madami na kaming nabiktima. lagi na lang silang kulang ng piso o kaya dalawang piso. laging walang panukli. considering 24 hours na silang nag ooperate. sa halip bibigyan ka nila ng candy kapalit ng piso. which is sobrang pandadaya pa din kasi hindi naman talaga piso ang value nun. sinuklian ka nga pero kumita pa din sila. HOODLUM

mali ang lola ko. tatlong klase ang tao. mandurugas, nadudugas at HINDI (na) MAGPAPADUGAS. pero ako, dun na lang din ako sa mandurugas. para panalo.

Thursday, March 3

5 mayaman ka kung...



naalala ko nung elementary, nauso ang slumbook. at slumbook ang batayan ng pagkakaibigan. kapag hindi ka pinasulat sa slumbook nya ibig sabihin di ka nya friend o kaya di ka sikat. dapat meron ka ding slumbook, at hindi basta basta bolpen ang gagamitin mo dapat, Gel Pen, mas ok kung metallic gel pen. di ko makakalimutan yung isang slumbook na sinulatan ko, may tanong dun kung mayaman ka ba o hindi. pero syempre hindi ganun ang pagkakatanong. sumthing like, what social status are you in. naaalala ko nun ang laging sinasagot ay, middle class. lahat middle class. kahit yung classmate ko na merong 7 pollypocket sets at may 3 kotse at 6 na delivery truck ang pamilya. middle class din ang sagot nung classmate ko na, may utang pa sa tuition last school year, at daddy ko ang nag dodonate ng school supplies nila ng kapatid nya. kaya noon ang alam ko. lahat kami middle class, kahit nakakalito.


pero sabi nila sa panahon daw ngaun, politically speaking, wala na daw middle class. it's either you belong to the upper group or dun sa mga marginalized sector of our society. sa teacher kong manyak nung hiskul ko nalaman ang ibig sabihin ng "marginalized sector", nagbigay pa sya ng example. kumuha sya ng kokonband, 1 and 1/2 inch sa kaliwa, 1 inch sa kanan, 1 inch sa taas at ganun din sa baba. ayan may margin na. sabi nya pag mahirap daw andun ka sa labas ng guhit, sa may margin, yung parteng hindi mo sinusulatan. pag nakakaangat naman, sa loob.


ngayon, naisip ko tuloy, panu mo malalaman kung san ka dun. sa loob ng line? sa gilid ng papel? o kaya sa loob pero malapit sa line? kaya eto, isa nanamang list ang ginawa ko, kung panu mo malalaman kung MAYAMAN KA BA O MAHIRAP sa isang napaka judgmental na paraan.


Kapag binibigyan ka ng flyers ng Camella homes, atbp subdivisions, condos sa mall
yes hindi lahat ng dumadaan ay binibigyan nila ng flyers. aminin natin yan, kapag lumagpas tayo at ni hindi tayo binigyan ng konting atensyon ng mga flyer girls ang boys eh sumasama ng konti ang loob natin. syempre alam mo naman kasi na ang binibigyan lang nila eh yung mga possible sales, o yung mga can-afford. kaya pag di ka binigyan, ikaw ay mukang mahirap. so next time pag may nagabot, kuha lang ng kuha, dahil sa tingin nila MAYAMAN KA!




Kapag ikaw ay nag iistarbuks di ka ba naiirita sa mga tao na merong isang buong album sa FB na katabi ang higanteng green logo o kaya naman eh ka cheek to cheek ang kanilang frappe (fra-pey)?? di ba diba? guilty ka din dito aminin. o kaya naman sa mga mall, na dala dala at di mabitawan ang kanilang sbux cup kahit kahapon pa ito ubos. cheap man, pero totoo na may notion tayo na kapag afford mong bumili ng impraktikal na kape, MAYAMAN KA.


Kapag meron kang allergy sa isang bagay
"eww, i have allergy nanaman sooo itchy, my gawd.." noong 80's parang si kris aquino lang naman ang may allergy, pero ngaun halos lahat allergic sa kung saan. nuts, seafood, cheese, chocolate, name it. kahit nagtutubig na yang mga galis mo sa binte, at pag sinisi mo ito sa pagkain mo ng chicken kaninang lunch. MAYAMAN KA!





Kapag di ka sanay sa public transpo
this is nothing but plain ignorance, but a lot of people claims to be this. syempre di daw sila sanay kasi they taxi a lot! which is BS, coz if ur rich how come you don't have wheels?. hahaha. anyhow, meron naman talagang mga authentic na knows-nothing-about-jeep people pero rare lang un. madali naman malaman kung di talaga marunong o nagtatangatangahan lang. anyways if you wana make an impression, act like one of them at iisipin nilang MAYAMAN KA!


Kapag nag update ka ng status using BB, Iphone, android, etc
mobile web is so not in, take note. ang batayan ng class ngaun ay kung ikaw ay naguupdate ng stat using THESE. sosyal! kaya kung wala ka ng isa sa mga ito, kumaibigan ka ng meron, at iisipin ng FB friends mo na MAYAMAN KA!

Kapag ayaw mo ng pagkaing masa
may clasmate ako noon, ehem ehem, na hate na hate kumain sa Jollibee. it's so jologs daw kasi. haha if i know, nung bata pa sya, itinuri rin nyang pambansang bayani si jollibee o si hetty spaghetti. note this, hindi kumakain sa mga common fast food ang mayayaman kaya manitiling malayo sa mga ito. wag din ipagkalat na ang bigas nyo sa bahay ay NFA rice. dapat brown rice. siguraduhin din na meron kang paboritong klase ng wheat bread. krispy kreme at hindi dunkin donuts, Haagen Dasz at hindi selecta, Clinique happy at wag bench daily scents. masterin ito, pagaralan at syempre pagipunan, at mapapaniwala mo silang MAYAMAN KA!


Kapag madalas ka kumain sa mga tsosyal na resto
kapag nakakain ka sa isang mamahaling restaurant, siguraduhin na may picture ka dito. picturan mo din ang mga pagkain na inorder nyo bago ito kainin. picturan lahat ng sulok kung posible. pagkatapos i-status mo ito sa FB at gawan ng solong album. makakatulong din kung mag s-status ka habang nasa restaurant gamit ang kanilang wifi, dahil siguradong interesadong interesado ang mga tao sa kung nasan ka at anu ang inorder mo. wag din kalimutan na i-memorize ang menu ng restaurant. magagamit mo ito kapag nakipagkwentuhan. COMBO! MAYAMAN!

Kapag may bago kang gadget o accesories
kapag mayrong bagong gadget o anu mang gamit. wag na wag kalimutan na picturan ito. gawan ng album, at kung kaya ng sikmura, pangalanan mo ang iyong mga gadget. wag din kalimutan mag pose kasama ang mga ito para mapatunayang ikaw ang may-ari. pagka post, i-tag ang lahat ng kaibigan o kakilala. Kapag marami nang kagamitan, picturan ito ng magkakasama. siguradong marami ang hahanga sayo.


Kapag may credit card ka
malaking tulong ito sa pag mamayaman este pagiging mayaman. makakapag shopping ka kagad, makakautang ng gadget atbp. don't worry wala naman magtatanong kung magkano ang unpaid balance mo kasama ang penalty. swipe lang ng swipe dahil MAYAMAN KA!


kapag may DLSR ka
hindi lang basta gadget, dapat specific. uso na ngayon ang DSLR. kaya andami na din ngaung putograper. laos ka pag ordinary digicam lang ang gamit mo. the bigger the better. di bale na kahit parang pang fone camera  lang ang kuha mo o kaya eh nagka scoliosis ka na sa bigat nito. tutal ang scoliosis naman ay sakit din ng MAYAYAMAN!

Kapag lagi kang may gimik o travel
kapag madalas o kahit minsan lang sa buhay mo ikaw mag travel. huwag kalimutang mag anunsyo nito sa mundo. kailangan updated ang lahat kung san ka pupunta. mas maganda kung ilang araw pa lang ay inaanunsyo mo na ito. maari mong hatiin ang pagaanunsyo depende sa kung anung gamit mo na ang naiimpake mo, sigurado mabibigyang kulay mo ang buhay ng lahat.


Kapag ang lagi mong sinasabi ay I KNOW RYT? kesa TAMUHH.
yiz, kahit si krissy pa ang nagpauso ng TAMUH, pang masa na ito. kaya iwasan hwag gamitin. jologs. I know ryt lang dapat. kahit di na akma minsan ang sagot na ito sa pinaguusapan, ok lang dahil mangingibabaw ang pagka conyo mo dahil MAYAMAN KA!


dadagdagan ko pa to, pero ito lang muna sa ngayon, kasi i'ma bit busy pa eh, u know making kamot my allergy, tsk, damn i shudn't have ordered that strawberry and cream grande frappe. so see yah, need to charge pa kasi my cam kahit na it's so bigat and big, para i can still make kuha ng pictures for my next entry. ktnxbye.

4 Love your own

WARNING Maldito moments:


habang namamasyal ako sa internet. at naghahanap ng bagong inspiration sa susunod kong ibblog nakakita ko ng mga chakang bata. as in chaKa with a capital K. pero di naman ang mga bata ang nakakainis dahil di naman nila kasalanan na napasahan sila ng lahing may rabies ng kanilang mga magulang. ang nakakainis (nakakapagtaka) ay ang kanilang mga magulang na super proud sa kanilang mga chaka babes. alam ko naman na lahat ng magulang ay proud at mahal ang kanilang mga anak. Pero seriously, nagtataka ako, aware kaya ang mga tao kapag hindi cute ang kanilang anak, o alam nila pero nagbubulagbulagan lang sila, "yung tipong "syet nagkasubuan na eh". naalala ko kasi yung tita kong hardcore, noon. 3 ang anak niya. 2 boys at isang girl. pogi yung boys, maputi, matangos ilong pero ang minalas yung baby girl. ayun, yung tita ko, binigyan ng nickname na MAMBY, short for mambabarang. Bad nga, pero aware sya na hindi cute ang anak nya. pero nagtataka talaga ko sa ibang tao.

sa bagay kapag bagong panganak, likas na kulubot pa talaga, pero kapag habang lumalaki eh hindi mo talaga mahanapan ng likas na kakyutan. naman. wag mo nang ipangalandakan ang iyong bebe. hahaha. at wag ka din maiinis sa anak mo kung di man ito kasing cute ng inaanak mo. lahi mo yan. love your own. totoo bang walang pangit na baby o talagang di lang natin masabi dahil bata sila. pero panu kung naipit ka sa sitwasyon na kinuha kang ninang o kaya naman eh ipinapakita sayo ang sandamakmak na pictures ng batang madungis o videos. My tip, when you encounter such creatures, just say, "he/she's going to be soooo cute, i'm sure" o kaya ay ang generic na "Awwwwwwwwwwww". oh di tapos ang problema



syempre di ako nakuntento, naghanap ako ng mga discussions tungkol dito.

 SURVEY:

Natascha: if your baby was ugly, would you stuff it back in & ask for a refund?

Ninjagirl: YES! i would have nightmares of it climbing up my leg and trying to get back up inside of me though :S

Woldorf: @Natascha, don't blame the baby, blame you genes. lol

LaurenH: i'd hide her, until she can use make up or do plastic surgery, maybe when she's 10. haha









Tuesday, March 1

0 Inlababo


eow pfuoh, muxtAh pfou KCeo?? jejebolz. eww. anyways. sa isang minsan, we had a certain convo sa office, syempe anu pa nga ba kundi tungkol sa LOVE. si ate melissa ay may book na ang title ay how to find the right guy, o something like that. di ako sure actually, at di ko pa din sya nababasa kasi nasa hiraman pa. pero sabi nya, meron daw dun mga tips kung pano maging successful sa iyong relationship o kung pano hahanapin si mr.right guy/girl/gay haha, na mas mailap pa sa hitong malikot. naisip ko naman, is it really possible to summarize in a few steps or even a whole book the things that you need to know about Love. or is there really anyone who have mastered "the" art. kama sutra pa siguro, pero love i doubt. kahit siguro yung author di rin naman ganun kaganda ang buhay pagibig nya.

     kahit naman ako, sa taglay kong charm, wit at alindog eh pumapalya pa din ako dyan. sa iyo na nagbabasa ng entry kong ito, probably, meron ka ding dilemma sa love. una single ka, single na kaka break lang na di maka move on at naging emo. o single since birth na gusto nang ibenta ang kaluluwa kay kuya germs magka jowa lang, single na di na virgin dahil walang sumeseryoso, single dahil pangit, single na good-looking naman pero malas lang talaga. o kaya ikaw ay "In a relationship" yabang........ na di naman masaya masyado, kasi: nasasakal ka, chinicheat ka nya na parang videogame, na booboogeywonderland ka dahil idol nya si nonito donaire, ayaw ka nyang pakasalan kahit salvage value ka na lang, o sadyang makati ka at di mo mapigilan maghanap ng iba. hehehe don't fret, wala naman perfect relationship. kahit nga ung mga artista, nagpapalit ng love team eh, kaw pa kaya.

pero alam mo, you don't need to have a perfect love-life, to give a useful advise. minsan nga kung sino pa yung sawi, un pa ung mas may alam sa love, kasi syempre, napagdaanan na nila. soooo, to make the long story longer: ito ang ilan sa mga payo kung panu makakahanap ng pagibig, makatakas sa maling pagibig, o kaya ay mapanatili ang pagibig.


1) level your self value- gasgas na kasi yung love yourself first, kaya ung iba sobrang love naman ang sarili na they tend to be selfish. dapat swak lang. respect yourself para di ka maabuso, and in return people may also learn to respect you. wag masyado magmataas, minsan nakakataboy yan ng love opportunities. either, ma insecure sila sayo o kaya naman ay mairita sila sa kayabangan at pagiging self righteous mo.

2) expand your network- narinig ko lang din to, pero i super agree. di ka makakahanap ng love kung nasa isang sulok ka lang, tamad si mr. right, wag ka na magpahabol. kung masyado naman kayo isolated sa inyong dalawa lang ng bf/gf mo, sinasabi ko sayo, magiging sobrang sakit pag nag break kayo. di ka makakamove on. magiging mahilig ka sa black. you can be in love, pero wag kalimutan, you still have your friends, your family, your career at syempre si God. (tttssssssss....umusok). have a balance diet of life.

3) love has it's own schedule, stick to it!- wag magmadali, kung wala pa maghintay. kung sobrang tagal, ay teh, kumilos ka na, di ka kagandahan. minsan kasi pag minamadali natin ang mga bagay, we tend to make fast decisions which most of the time palpak. sinagot mo kasi in time for valentines, niligawan mo kasi takot ka maagawan. magiging parang sinaing na hilaw tuloy yan pag nagkataon. ALSO, if you're a girl, and you're in a very long relationship with a guy. makiramdam ka. anong plano nya sayo? o may plano ba talaga sya? be careful coz you might be wasting your time in a wrong relationship. it's not wrong to ask and clarify things but don't be demanding and assuming, ok?

4) put yourself in their shoes, AND, make it a hobby- this helps in doing or choosing the right things to say, do, give or ask. dapat maging sensitive sa maaring ma feel ng iba. kung ikaw ang boyfriend mo, gusto mo ba na palaging inuurirat ang celfone, binubungangaan, at pinaghihinalaan? it's tiring right? kung ikaw si girl, gusto mo ba ng laging pinagbabawalan o kaya naman pinagseselos o laging binubuntutan? think... bago gumawa ng isang bagay, ask yourself what would you feel kung ikaw sya.


5) treat love like a game- yes, but not what you think. it's like a game, where you will need strategies, team mates (pero hindi bedmates huh), learn how to accept a challenge and how to give up and lose. and the best of all, it is a game, so you need to have fun and if you're not, you can always call it quits.

6) have a glass full of forgiveness but don't make it bottomless- hahaha, no one's perfect, kahit ako, almost perfect lang. so hindi maiiwasan na may magkamali and always be ready to forgive. but make sure you analyze all the aspects before forgiving. may times na hindi naman na talaga ka-forgive forgive ang ginawa nya mukha ka lang tanga, sya naman inulit ulit pa.
 

7) mistakes are like tattoos- because they are permanent, well, in a sense. but nasa sayo yan kung panu mo papanindigan. pwede mo itong ikahiya ng bonggangbongga, o kaya pwede mo itong gawin badge of honor, that will remind you of what you've been through and what you learned from it. also, wag ka din naman makulekta ng tattoo (mistakes), tama na ung ilan pero pag whole body na, mukha ka nang adik.


8) relationship is 50% Love and 50% Lust- ok sige kahit mga 20% lang haha. some of you might disagree with me, bahala ka haha. opinion ko lang to. well pare itong added spice. so it's optional. you can put some para exciting,  or put a lot but be ready to be burned. oh yeah.


konti lang to, pero hope this helps. share yours. hehe have fun being inlababo.
Ang mga payo ko ay gabay lamang, meron tayong free will gamitin natin ito.