January 25, 2011. 2:00pm
Ayala, Makati. Near Buendia MRT station
A bus exploded. 4 killed. 14 injured
tsk sayang... nasa Bus ako. EDSA. alas dos. maaliwalas na hapon, walang traffic. nakakantok. Cubao. Flash report. biglang traffic. ambulansya. fire trucks. madaming wang wang. ligtas nanaman. tsk sayang
Gusto ko nang mamatay. Seriously.
Pero hindi naman ngayon (mga mamaya siguro). Probably, masyadong kong tinitake for granted ang death. my own death syempre. pag nastress ako, kapag di nasusunod lahat ng pinlano ko, pag may umaapi sa kin, lagi ko na lang gustong mamatay. kabwisit kasi. hehe. pero seryoso the topic of death is something really taboo for me. pag eto na ang usapan nako, meron sa loob kong squiggly at nagiging mushy dahil takot akong mamatayan, sa totoo lang ayoko ng may namamatay. kahit nga kakilala lang ng kakilala o kaya di ko talaga kakilala affected ako, kahit sa namamatay na aso o goldfish. andami ko kasing naiisip, tulad ng sinu kayang mga naiwan nila, alam na kaya ng pamilya nya, alam na kaya ng may crush sa kanya, natuwa kaya yung naaasar sa kanya, o kung nalungkot kaya kahit katiting yung mahal nya o yung secret love nya. pero sa totoo lang hindi ako takot mamatay. i actually fancy death everyday, my own death lang syempre. pero not in a very emo way. Death is inevitable, might as well prepare yourself for it. para yang tuli, hindi ka pwedeng maging supot habang buhay, you gotta have to face it eventually. pero di tulad ng tuli, hindi ka pwedeng mamili ng kung anong klaseng cut ang gagawin sayo. para bang isang umaga na gigising ka, malalamang magpapatuli ka without knowing kung doktor o si manong magtatawas ang sasalubong sayo. chaka di ba.
I remember one time. yung kaibigan kong abnormal, jinoke ako na nahulaan daw ako ng isang matanda sa quiapo, mamatay na daw ako complete with scary details. at ako naman si gullible, naniwala. so for 2 weeks hindi ako lumabas ng bahay, di sumama sa mga gimik, hindi lumandi, nag bed rest lang. hanggang sa isang araw, sa tulong na din ng isa pang friend, na realize ko na kahit san naman ako tumambay, kung mamamatay ako, that's it pancit!
Kadalasan ang laman ng mga day dream ng mga tao ay lovelife o kaya madaming madaming pera, ako hindi, madalas kong daydream ang kung paano ko mamamatay. hindi ba parang ang sarap nga kung makakapili ka ng paraan ng kamatayan mo (huh??!!). pero seriously kung bibigyan ako ng option na pwedeng pumili kung pano ko mamamatay, AYOS! masagasaan?? chaka. sabog utak, kalat sa kalye, talsik eyeballs tapos magiging kamuka ko si michael jackson sa burol. di ko bet. Mamatay sa sakit? Nahh...... mahirap. haggard. matagal pa mag susuffer. parang pila sa bigas. Sumabog sa bomba? pwede siguro, kaso ganun din corned beef ang labas ko. Patayin ng holdupper? wag naman, ang cheap, kunin na nila lahat, pati puri. please... Magoverdose ng lason? minsan di nakakamatay, masakit lang sa tyan at nakakahilo..
marami na kong kakilalang namatay o namatayan sa mga binanggit kong paraan, at kahit ano pang uri ng paraan ng pagkamatay, kahit gano pa ka-creative ito. parepareho lang na masakit at mahirap tanggapin. kwento ng isang kaibigan, yung lola nya daw twing may aksidente o delubyo na nagaganap, lagi nya itong kinokonek sa end of the world, na this is the beginning of the end. kaya daw kung anu anong virus at sakit ang mga sumusulpot ngayon na wala naman dati. aasarin nya naman ang Lola nya na siguro, nauubusan na si Lord ng paraan ng pagbabawas sa tin kasi hanggang ngaun, andito pa tayo, overpopulated pa. Basag si Lola. siguro nga nililipol na tayo, o di kaya naman binibigyan lang tayo ng mas madaming dahilan pano i-ttreasure ang buhay. ano sa palagay mo? (sa kin yung nililipol).
no one is prepared to face death. everyone is scared of dying, dahil takot tayo sa hindi natin alam. Everyone will die, for sure. ikaw, ako, yung boss mo, boyfriend mo, anak mo, pati yung kundoktor na kaaway ko. lahat (maliban kay madam auring o vicky belo na mga imortal). At the end, when we look back, we can say, everyone died, but not everyone lived.
"Have the courage to live, anyone can die."
-Robert Cody
gusto ko ung last line...everyone died, but not everyone lived. ahw..haha pero mas gusto ko yung kanta ni kris allen..live like we're dying....
ReplyDeleteWe only got 86,400 seconds in a day to
Turn it all around or to throw it all away
We gotta tell them that we love them
While we got the chance to say
Gotta live like we're dying
ayan kumanta na me..nakapatay nga pala ako ng lamok now lang...affected ka? joke ^^ pero ^^ think of it, you won't be scared of death if you know the life you are living and what it's about and who it is for ^^ diva? hehe , hope all goes well with those daydreams ^^ hehe... God bless
gusto ko din yang song na yan sendo. hehe napakanta din ako nung binabasa ko haha. salamat
ReplyDeletedapat pinaguusapan ang death habang buhay pa, para pag namatay ka, maiaapply yung mga wants and frustrations mo during your wake. hahaha lol. ^_^
ReplyDeletekaya ako may listahan na eh. ieexecute na lang hehehe
ReplyDelete