Monday, March 7

5 THUNDERCATS!!!

Saturday morning, naguusap kami ng 3 sa intellectual officemates ko tungkol sa mga ka-bwisitan sa pilipinas. mga mandurugas na taxi driver, siksikang MRT, bakit mahirap ang pilipinas, overpopulation etc (ganyan ang ordinaryong usapan sa office, kaya nag rereview muna ko bago pumasok). tinanong ako ng kung ano ang mai-susuggest kong solusyon. Ang maldito kong sagot, "GENOCIDE". patayin ang mga walang naitutulong sa ekonomiya, gilingin, gawing de lata. isahog sa lugaw, gawing hotdogs, tocino, o kikiam. Sabi naman ng isa, unahin daw ang matatanda. 60 o 70 pataas, kaloka. magiging mas mabenta pa sa bigas at langis ang Olay pag nagkataon.



Hot topic ngayon ang age, Si Bong Revilla kasi nag suggest na ibaba ang retirement age from 60 to 55. madaming kontra, may mga sang ayon din. sabi ng haters, parang sinabi daw na wala nang silbi ang mga utaw na 55 up. pero para sa kin, ok tong idea na to. at least ma-eenjoy mo pa ang mga anda na pinagtrabahuhan mo ng buong buhay mo. gusto ata nila magtrabaho for life. Sila na lang. Ako nga, mga next year balak ko na mag retire. 2012 na din naman kasi, makapag bakasyon man lang bago magunaw ang mundo.

totoo naman to, lalo na nang magdalaga ako. naisip ko sobrang big deal nga pala ang age for most people bata man o matanda. i remember back then, sa isang bar sa timog, andaming nagaabang sa labas, parang may field trip, un pala mga hindi pinapasok ng bouncer kasi minor, nakikipagtalo pa na 18 na daw sila kahit mukang bagong tuli pa lang yung iba at yung iba, patubo pa lang ang boobs. on the other hand, may mga adults naman na nagpapatanda para lang makakuha kagad ng mga benefits. weird talaga. di tayo makuntento sa kung anong current status natin hehe. ako, may times na feeling ko, sobrang tanda ko na, pag gumigimik lalo, tapos mga bagets talaga kasabay mo, nagiging dalawa ang option ko, landi o kaso (kaso na lang, may piyansa naman eh). natutuwa na din ako kapag may nagsasabing mukha akong bata, ibig ba sabihin yun na yung ginugusto kong marinig, kasi ganun yung lola ko eh. pag sa career naman, feeling ko ang tagal tagal ng pagusad ko, lagi akong nagmamadali, sabi pa ng iba, masyado pa daw akong bata. ano ba talaga? 

Actually takot akong tumanda, lalo na pag nakakakita ko ng mga elderly. nakakainis kasi sila minsan, ambabagal kumilos, nakakatakot pang panoorin kapag tumatawid o nag pupublic transpo. sabi ko dapat pag matatanda na di na lumalabas ng bahay. pero naisip ko, panu pag ako na ung nasa ganun edad, tapos gusto ko pa din gumimik, panu na???!!!! 

may isa kong kaibigan, kikay, maporma, at mahilig mag make up. wala atang araw na di sya nag make up. lagi pang puyat kaya ung eyebags nya mas madami pang layer kesa sa ginagawa nyang graham cake. pero nainspire nya ko. minsan kasi sobrang hyper ng eyebags nya, sinabihan ko sya na tigilan na ang pag coconcealer, kasi nakaka wrinkles yun sa mata. In-advisan ko pa sya ng kung ano anong mga eye cream, o mga pwedeng operasyon. ang sagot nya sa kin, bakit ba kelangan pigilan ang pag kaka wrinkles o pagtanda? kahit magmuka akong matanda pag tanda ko, eh normal naman yun. May tama sya!! hindi naman siguro kung kelan ka tatanda dun ka pa lang magpapaligaw o kaya eh mag sstart ng iyong modelling career. naman! kaya ok lang, ngaun ka na magpaganda, para kahit matanda ka na, at least nag enjoy ka.



"si nena ay bata pa, kaya ang sabi nya ay, uhm, uhm, oooooooooooooohhhhhhh ahhhhhhhhhhhh ahhhhhhhhhh........WATCH ME...!!!!!"

5 comments:

  1. Ah, ang pagtanda, inevitable talaga. Age will take its toll on us, kahit ayaw pa natin. Kaya ang mga bata sa ngayon, ang dapat na lang gawin ay paghandaan ang pagtanda, financially, physically, at emotionally.

    ReplyDelete
  2. kaya nga apply ko na rin ung
    uhm, uhm, oooooooooooooohhhhhhh ahhhhhhhhhhhh ahhhhhhhhhh........

    habang bata pa ako. heehee.

    nice blog.

    ReplyDelete
  3. @Nortehanon, tamuh!
    @Lanilicious, ako din lagi ko inaapply yang oooooooooohhhhh ooooooohhhhhhhhhhhhhhh aaaahhhhhhhhhhhhhh ahhhhhh AWWW! hehe salamat!

    ReplyDelete
  4. gilingin at gawing kikiam. wakokokokkk. like!!!!

    idispatsa ang walang naitutulong sa bayan. wahahaha

    ReplyDelete
  5. @khantotantra. agree ka ba? hehehe sayang di tau nagkita nung panagbenga..

    ReplyDelete

Share your thoughts