Sunday, March 6

4 Machong Tattoo

walang kwentang post

lumabas ako kasama ang ilang friends, nagkape (3in1) at nan-chicks (tomboy???!!!!). ayun nakita ko pa si Solenn at iba pang artista, nakakatomboy si solenn, suot nya nanaman yung hiniram nyang tube sa kin, klepto talaga. hahaha. anyway, habang nagmamasid at nagsasabi ng mga mapanirang bagay sa ibang tao o kaya ay nagnanasa, andami kong napansin na may mga tattoo. yung isang lalaki na naka shorts, may tattoo sa braso may tattoo pa sa hita malapit sa... nakaka amaze ang mga tattoo, lalo na pag bago pa lang. ang tingkad ng colors, tinalo pa ang bonggang crayola set ko nung elementary na matagal ko ding pinagdamot sa mga kaklase at kalaro. madami din akong friends na nagpa tattoo, ang gaganda, yung iba matagal pinagisipan ang personalized design nila.

 madaming klase ng tattoo, may mga makulay, may black lang, may red pa na kulay chikinini, may burado na (na madalas kong makita sa mga mama at bigla akong napapakapit sa bag ko ng mahigpit). may maliit, may malaki, may tago, may sumisilip, meron sa mukha, may salita, may baliktad, may permanente, may pinatungan, may inedit, merong nabubura din na kapag tuluyang nawala mas maputi na ang balat na tinattoo-an kesa sa balat na nasun-burn, at kung ano ano pa. kadalasan abstract designs, o kaya pangalan ng mahal nila sa buhay. Madaming naaadik sa tattoo, Sobrang laganap na ng tattoo, di tulad dati na pag may tattoo, kriminal o bagong laya ang tingin sayo.

Kung magpapatattoo ka, permanent na yun syempre, dapat siguro pagisipan mong maigi. dapat yung unique na ikaw lang yung meron. Naalala ko to, kasi naalala ko yung friend ko na may birthday ngayon!! PEN HABURDAY!!!!!! sabi nya dati pag magpapatattoo sya, mga gamit sa bahay. instead na ahas o dragon na nakapulupot sa braso nya, charger o kaya, belt. tapos daw sa likod nya, ipapatattoo nya yung ref nila kasi mahal nya daw yun. yung ref nila na naka bukas pa at kita kung anong mga pagkain ang laman. sigurado ma-eelib sila sa tattoo mo pag ganun. ok din kung papatattoo mo yung mga istasyon ng MRT sa braso mo, useful pa. minsan kasi walang mapa ung likod ng tiket. o kaya kung engineering ka, mga mathematical formulas na magagamit mong madalas. kung liberated ka naman, magpatattoo ka ng calendar sa hita mo, yung may sked kung kelan ka fertile. haha. pwede mo din ipa tattoo yung family tree nyo, o kaya lyrics ng favorite mong kanta.SSS o TIN number pwede din. ok din yung tattoo sa talukap ng mata na mata din para gising ka 24/7. Para di ka mabore, magpa tattoo ka ng sudoku o kaya crossword.  tsk andami dami eh, bat ka pa mag aabstract design di ba?

kung ako siguro magpapatattoo, glow in the dark na lang siguro kasi baka di makita sa kulay ko. tsaka para sikat. aztig! ikaw, anong design ng sayo?

4 comments:

  1. natawa naman ako dun sa unang tattoo.. walang ahitan? ahehe

    ReplyDelete
  2. uu hahaha bawal ahitin kundi makikita ang kanyang cleft chin. hehe

    ReplyDelete
  3. nyaks... tattoo ba talaga yun>

    ReplyDelete
  4. ayos jade....

    ReplyDelete

Share your thoughts