Saturday, March 5

1 Ang Diary, Whitening soap at Bapor Tabo

     Noong hiskul lagi kaming pinagsusulat ng narrative sa El Fili. tamad na tamad ako nun. kasi last subject na yun sa umaga bago mag lunch kaya kadalasan short-cut lagi ang nasusulat ko. kung pwede i-double space pati letter lalagyan ko hehe. pero naalala ko naka 100 ako sa isang narrative, yung tungkol sa Bapor Tabo ng El Fili. sa mga di nakakaalam yun ang barkong... ito ay hugis bilog parang tabo, na nahahati sa Up and Down. sa Up ang angkan namin (and family friends) at sa baba ang mga Purita Avila (mga dayukdok na mamamayan).


Fictitious lang yun syempre, kaya bilog. may tanong pa noon kung bakit daw hirap umusad ang Bapor Tabo. Duh... kasi nga it's bilog. so mahirap para dito ang umusad ng diretso. paikot ikot parang tanga. di alam kung san pupunta. Dun sa narrative ko, inihambing (wooh lalim) ko yung bapor sa society natin. na kaya hirap tayo umunlad kasi walang tiyak (strike 2) na pupuntahan tulad ng Beypor Teybo.

hanggang ngaun, after ng 3 Edsa at di mabilang na retoke ni madam auring, ayun ganun pa din tayo. Stay put lang.. Chill lang.. hahahah.

Magtataka ka pa ba? nag Mara Clara na noon, alam na ng lahat ang istorya, na ang punyetang diary ay nasa ibabaw lang ng tukador, kung nag general cleaning lang sana sila, di na yun tatagal ng 5 taon. Tapos heto nanaman tayo, tuned in sa remake ng mara clara, excited nanaman kung panu papahirapan si mara ng di maka move on move on na si clara na migiging mabait din sa dulo (Bipolar). pusta ko magkakaroon pa ng part 3 yan, pero hindi na diary, naka blog na rin yung diary at may super powers na sila mara at clara. Bongga. pero at least yung Mara Clara lumipas ang taon bago nag remake.Ang matindi eh yung darna!!!!! lumipat lang si angel ng station inulit nanaman. kaya di tayo makabuo ng justice league eh.



originally from michaii

  KASI TAYO, mahilig sa paulit ulit. lahat inuulit. tv series, movie, kanta, at everytime na inuulit kinakagat pa din. goodness, can't they think of anything new. pati mga mexicanovela, koreanovela, chinovela at Libyanovela nirerecycle natin. kala ko dati bulok na bus lang ng japan ang binibili natin hindi pala. kaya naman no wonder wala na tayo halos ni loolook-up kundi foreigners. 

speaking of which, meron pang Nita Negrita. ok fine, i'm sure they're trying to teach people some values pero unconsciously, ang nagiging lesson na naiiwan nito eh kapag negra ka, kawawa ka. aapihin ka. kaya naman kapag pinagawa ang mga bata ngaun ng pie chart ng Basic Needs, di na lang food, shelter, clothing etc ang ilalagay. pati whitening needs. Sad noh.yung iba pa ngang kakilala ko, maputi na pero nagpapaputi pa lalo, gusto atang maging kulay negative (negative ng picture).


one time, habang nasa bus ako pa ortigas, pinalabas sa TV ang bagong show ni Willie. so while stuck in traffic, i have no choice but to watch. from the beginning of the show na puro dancers na halos confetti na lang ang suot, ilaw na hyper, at novelty songs hanggang sa lumabas si Willie, wala akong nakitang sense, o ni katiting na intellect. nung lumabas si willie, parang mga nakadrugs ung mga tao, hindi mapirmi, sobrang hyper. tapos titigil, sisigaw si Willie ng wala lang, tutunog ang malakas na music magwawala ulit ang mga tao, titigil ulit, sisigaw si Willie, tutugtog ng malakas, magwawala, titigil, sisigaw, tutugtog, magwawala, titigil, sisigaw, tutugtog, magwawala - repeat 4 times.

paulit ulit. parang tanga. to think this went on for at least 20 minutes hanggang sa lumabas si Shalani na mas mahinhin pa kay virgin mary. and this used to be the top noon time show? weird. so weird.

1 comment:

  1. AnonymousMay 25, 2011

    nita negrita... tsktsk.. napaka racist ng show na un..OA pa pagkakakulay dun sa bata... ung isang african na friend namin watched it and was shocked...not only because of how the "whites" bully nita, but also of how they painted nita.. tigilan na dapat mga show na ganun!

    ReplyDelete

Share your thoughts