flickr.com |
Sabi ng lola ko, sa mundo dalawang klase lang daw ang tao. mandurugas, at nadudugas. Oo, parang action star lang yung lola ko di ba. pero may point sya. naisip ko nga, almost everyday lagi tau nadudugasan. di lang natin napapansin, lalo na kung mayaman ka.
Nung isang araw galing ako sa aming weekly badminton game sa pioneer. from Boni, sumakay ako ng bus papuntang monumento. siningil ako ng 25. pagdating ng megamall, dahil konti lang ang pasahero, pinalipat kami sa isang bus na same company. dahil madalas naman ito mangyari, sanay na ko. at syempre pag transfer di ka na magbabayad. pagkalipat, sinabihan pa kami ng bagong na kondoktor na itabi ang tiket namin dahil hahanapin later. nakatulog ako. mayamaya may gumising sa kin. dinudutdot yung balikat ko. yung kondoktor. sabi nya:
Kondoktomboy: san ka bababa?
Maldito: Monumento
K: nagbayad ka na?
M: yung sa transfer po
K: patingin ng tiket
M: <inabot ang tiket>
K: kulang pa ang bayad mo
M: ay ganun po, magkano po ba? mula boni to monumento?
K: 30
M: (30 - 25 = 5) <dumudukot ng 5>
K: magbayad ka ng onse..........................
tumigil ang mundo
M: ho? bakit 11 pesos? eh nagbayad na po ako kanina eh!!!!
K: oo pero kulang
M: kulang ng magkano? <nagtinginan na mga tao> di ba nagbayad na ko dun ng 25 <pinakita ulit ang tiket>
K: kulang ka pa ng 11 kasi transfer ka
M: magkano ang mula boni to monumento??!
K: 30
M: magkano na yung nabayad ko <wasiwas ng tiket>
K: 25
M: magkano kulang???? DI BA LIMA LANG?
K: TRANSFER KA KASI, MAY CUT OFF KAMI HANGGANG CUBAO LANG! KELANGAN MO NA ULIT MAGBAYAD
M: ANONG CUT-OFF?! NAGBAYAD AKO NG BUO TAPOS SASABIHIN MO PAGDATING NG CUBAO MAGBABAYAD ULIT AKO NG 11!!!!!
K: <di sumagot, nag busy-busyhan...>
K: < bumubulong ng di maganda......>
M: kumuha ng bente, inabot <hinagis> OH AYAN NA!!.................... AKIN NA YUNG SUKLI!......................................... ANO WALA DING SUKLI??
K: <inabot ang sukli at tiket, nakayuko> pakita mo yung tiket mamaya pag hinanap
M: talaga, binayaran ko yan eh. HINDI KO IKAKAYAMAN YAN.
bago ko bumaba, napatawad ko naman na si kuya/ate/kuya. di ko na itinuloy ang plano kong pagtusok ng raketa pagbaba ko. hayaan mo na. wala naman sa kin yung pera pero, di ko matanggap ang illogical nyang reason na kailangan ko ulit magbayad.
minsan, feeling ko din nadugas ako twing sinasabi ng saleslady/ cashier na " sir kulang po ng 25cents, ok lang po?" syempre kesa maghintay o kaya naman makipagaway pa. i just smile and let it pass. pero may time na nakakainis na din talaga. sa isang convenience store sa ayala, makati. twing bibili kami, yes madami na kaming nabiktima. lagi na lang silang kulang ng piso o kaya dalawang piso. laging walang panukli. considering 24 hours na silang nag ooperate. sa halip bibigyan ka nila ng candy kapalit ng piso. which is sobrang pandadaya pa din kasi hindi naman talaga piso ang value nun. sinuklian ka nga pero kumita pa din sila. HOODLUM
mali ang lola ko. tatlong klase ang tao. mandurugas, nadudugas at HINDI (na) MAGPAPADUGAS. pero ako, dun na lang din ako sa mandurugas. para panalo.
Muntik rin ako makipag-away nung isang araw dahilsa 25cents. Prinsipyo ang pinaglalaban dun! Haha. Inabot na lang saken yung sukli, kulang, hindi man lang nagpa-keme kung okay lang ba saken na kulang ng 25cents. Bwiset!!!
ReplyDeletedapat binangasan mo.... next time nga na magbabayad ako mamiso para mahirapan sya magbilang hehe
ReplyDeletecut-off, pak!! - aaron ds.
ReplyDelete