Thursday, March 3

5 mayaman ka kung...



naalala ko nung elementary, nauso ang slumbook. at slumbook ang batayan ng pagkakaibigan. kapag hindi ka pinasulat sa slumbook nya ibig sabihin di ka nya friend o kaya di ka sikat. dapat meron ka ding slumbook, at hindi basta basta bolpen ang gagamitin mo dapat, Gel Pen, mas ok kung metallic gel pen. di ko makakalimutan yung isang slumbook na sinulatan ko, may tanong dun kung mayaman ka ba o hindi. pero syempre hindi ganun ang pagkakatanong. sumthing like, what social status are you in. naaalala ko nun ang laging sinasagot ay, middle class. lahat middle class. kahit yung classmate ko na merong 7 pollypocket sets at may 3 kotse at 6 na delivery truck ang pamilya. middle class din ang sagot nung classmate ko na, may utang pa sa tuition last school year, at daddy ko ang nag dodonate ng school supplies nila ng kapatid nya. kaya noon ang alam ko. lahat kami middle class, kahit nakakalito.


pero sabi nila sa panahon daw ngaun, politically speaking, wala na daw middle class. it's either you belong to the upper group or dun sa mga marginalized sector of our society. sa teacher kong manyak nung hiskul ko nalaman ang ibig sabihin ng "marginalized sector", nagbigay pa sya ng example. kumuha sya ng kokonband, 1 and 1/2 inch sa kaliwa, 1 inch sa kanan, 1 inch sa taas at ganun din sa baba. ayan may margin na. sabi nya pag mahirap daw andun ka sa labas ng guhit, sa may margin, yung parteng hindi mo sinusulatan. pag nakakaangat naman, sa loob.


ngayon, naisip ko tuloy, panu mo malalaman kung san ka dun. sa loob ng line? sa gilid ng papel? o kaya sa loob pero malapit sa line? kaya eto, isa nanamang list ang ginawa ko, kung panu mo malalaman kung MAYAMAN KA BA O MAHIRAP sa isang napaka judgmental na paraan.


Kapag binibigyan ka ng flyers ng Camella homes, atbp subdivisions, condos sa mall
yes hindi lahat ng dumadaan ay binibigyan nila ng flyers. aminin natin yan, kapag lumagpas tayo at ni hindi tayo binigyan ng konting atensyon ng mga flyer girls ang boys eh sumasama ng konti ang loob natin. syempre alam mo naman kasi na ang binibigyan lang nila eh yung mga possible sales, o yung mga can-afford. kaya pag di ka binigyan, ikaw ay mukang mahirap. so next time pag may nagabot, kuha lang ng kuha, dahil sa tingin nila MAYAMAN KA!




Kapag ikaw ay nag iistarbuks di ka ba naiirita sa mga tao na merong isang buong album sa FB na katabi ang higanteng green logo o kaya naman eh ka cheek to cheek ang kanilang frappe (fra-pey)?? di ba diba? guilty ka din dito aminin. o kaya naman sa mga mall, na dala dala at di mabitawan ang kanilang sbux cup kahit kahapon pa ito ubos. cheap man, pero totoo na may notion tayo na kapag afford mong bumili ng impraktikal na kape, MAYAMAN KA.


Kapag meron kang allergy sa isang bagay
"eww, i have allergy nanaman sooo itchy, my gawd.." noong 80's parang si kris aquino lang naman ang may allergy, pero ngaun halos lahat allergic sa kung saan. nuts, seafood, cheese, chocolate, name it. kahit nagtutubig na yang mga galis mo sa binte, at pag sinisi mo ito sa pagkain mo ng chicken kaninang lunch. MAYAMAN KA!





Kapag di ka sanay sa public transpo
this is nothing but plain ignorance, but a lot of people claims to be this. syempre di daw sila sanay kasi they taxi a lot! which is BS, coz if ur rich how come you don't have wheels?. hahaha. anyhow, meron naman talagang mga authentic na knows-nothing-about-jeep people pero rare lang un. madali naman malaman kung di talaga marunong o nagtatangatangahan lang. anyways if you wana make an impression, act like one of them at iisipin nilang MAYAMAN KA!


Kapag nag update ka ng status using BB, Iphone, android, etc
mobile web is so not in, take note. ang batayan ng class ngaun ay kung ikaw ay naguupdate ng stat using THESE. sosyal! kaya kung wala ka ng isa sa mga ito, kumaibigan ka ng meron, at iisipin ng FB friends mo na MAYAMAN KA!

Kapag ayaw mo ng pagkaing masa
may clasmate ako noon, ehem ehem, na hate na hate kumain sa Jollibee. it's so jologs daw kasi. haha if i know, nung bata pa sya, itinuri rin nyang pambansang bayani si jollibee o si hetty spaghetti. note this, hindi kumakain sa mga common fast food ang mayayaman kaya manitiling malayo sa mga ito. wag din ipagkalat na ang bigas nyo sa bahay ay NFA rice. dapat brown rice. siguraduhin din na meron kang paboritong klase ng wheat bread. krispy kreme at hindi dunkin donuts, Haagen Dasz at hindi selecta, Clinique happy at wag bench daily scents. masterin ito, pagaralan at syempre pagipunan, at mapapaniwala mo silang MAYAMAN KA!


Kapag madalas ka kumain sa mga tsosyal na resto
kapag nakakain ka sa isang mamahaling restaurant, siguraduhin na may picture ka dito. picturan mo din ang mga pagkain na inorder nyo bago ito kainin. picturan lahat ng sulok kung posible. pagkatapos i-status mo ito sa FB at gawan ng solong album. makakatulong din kung mag s-status ka habang nasa restaurant gamit ang kanilang wifi, dahil siguradong interesadong interesado ang mga tao sa kung nasan ka at anu ang inorder mo. wag din kalimutan na i-memorize ang menu ng restaurant. magagamit mo ito kapag nakipagkwentuhan. COMBO! MAYAMAN!

Kapag may bago kang gadget o accesories
kapag mayrong bagong gadget o anu mang gamit. wag na wag kalimutan na picturan ito. gawan ng album, at kung kaya ng sikmura, pangalanan mo ang iyong mga gadget. wag din kalimutan mag pose kasama ang mga ito para mapatunayang ikaw ang may-ari. pagka post, i-tag ang lahat ng kaibigan o kakilala. Kapag marami nang kagamitan, picturan ito ng magkakasama. siguradong marami ang hahanga sayo.


Kapag may credit card ka
malaking tulong ito sa pag mamayaman este pagiging mayaman. makakapag shopping ka kagad, makakautang ng gadget atbp. don't worry wala naman magtatanong kung magkano ang unpaid balance mo kasama ang penalty. swipe lang ng swipe dahil MAYAMAN KA!


kapag may DLSR ka
hindi lang basta gadget, dapat specific. uso na ngayon ang DSLR. kaya andami na din ngaung putograper. laos ka pag ordinary digicam lang ang gamit mo. the bigger the better. di bale na kahit parang pang fone camera  lang ang kuha mo o kaya eh nagka scoliosis ka na sa bigat nito. tutal ang scoliosis naman ay sakit din ng MAYAYAMAN!

Kapag lagi kang may gimik o travel
kapag madalas o kahit minsan lang sa buhay mo ikaw mag travel. huwag kalimutang mag anunsyo nito sa mundo. kailangan updated ang lahat kung san ka pupunta. mas maganda kung ilang araw pa lang ay inaanunsyo mo na ito. maari mong hatiin ang pagaanunsyo depende sa kung anung gamit mo na ang naiimpake mo, sigurado mabibigyang kulay mo ang buhay ng lahat.


Kapag ang lagi mong sinasabi ay I KNOW RYT? kesa TAMUHH.
yiz, kahit si krissy pa ang nagpauso ng TAMUH, pang masa na ito. kaya iwasan hwag gamitin. jologs. I know ryt lang dapat. kahit di na akma minsan ang sagot na ito sa pinaguusapan, ok lang dahil mangingibabaw ang pagka conyo mo dahil MAYAMAN KA!


dadagdagan ko pa to, pero ito lang muna sa ngayon, kasi i'ma bit busy pa eh, u know making kamot my allergy, tsk, damn i shudn't have ordered that strawberry and cream grande frappe. so see yah, need to charge pa kasi my cam kahit na it's so bigat and big, para i can still make kuha ng pictures for my next entry. ktnxbye.

5 comments:

  1. Ang yaman ko naman. Hi jade! -Pau

    ReplyDelete
  2. parang kilala ko kung sino yung dinner at... hahaha :D -karen a.

    ReplyDelete
  3. i had a good laugh at this one! so true.. lalo na yung picture with a starbucks frap, hehe! btw, i followed you back. =)

    ReplyDelete

Share your thoughts