nung elementary halos di ako magkandaugaga sa pagmamadaling umuwi. hands on the table, mouth zippered with matching twinkly good boy (girl pala) beautiful eyes. yun ang mga diskarte ko noon para maunang tawagin at pauwiin ng teacher namin, maliban na lang kapag wednesday, na hate na hate ko kasi cleaners ako sa araw na to. gustong gusto ko nang umuwi para mahabol ko ang Mojacko!! nakakaadik ang mojacko... pinagdadasal ko non na makarating ako sa planetang moja moja tapos minsan nanaginip pa ko na may tumubong patatas pangkalawakan sa mga paso ng lola ko. pag umaga naman sa bakasyon, paborito ko naman ang bananas in pajamas na nilipat din sa hapon. kahit may pagka creepy at homosexual si B1 at B2, kakaaliw pa din. Si Heidi na puro bulate kasi laging naka paa. si zenki, na isang Illuminati. si sarah, si cedie, at si romeo na laging tambay sa mga chimineya bago naging colboy. hay the good ol' days.
ito lang ang mga pinoproblema ko noon. ito lang ang kinababaliwan naming mga kiddos noon. wala pa masyadong mga gadget maliban sa tamagotchi kong ilang beses nang nag reincarnate, imortal amf!
after college nag review ako, nag apartment so ang little sister ko ang um-occupy ng aking kwartow, ABA pagbalik ko. puno na ang kwarto ko ng mga poster ni Justin Bieber, ni Sharpey, Jonas Brothers atbp atbp. WAGAS!
nagkalat din dun ang mga DVD ng self absorbed na si barbie na may 1001 costume change, total girl magazines na kung hindi si Taylor swift eh si miley cyrus ang cover. nagpapabili din sya ng manikang Buh-Ratz, ung mga manikang may hydrocephalus. dumating din panahon na tinalo pa nya ang MMDA sa kulay na pink. naglabas sya ng memo na lahat ng gamit nya ay dapat pink. nadamay tuloy ang iba sa mga punda ng unan ko. di lang sya ang ganun, lahat din ng mga pinsan naming bata at mga kapitbahay namin ganun, pero amidst all these chaos, ako, deadma lang sa baranggay.
kaloka, ibang iba na ang mga bata ngaun kumpara sa min noon. ngaun lahat ng social network at tools meron sila at kailangan nilang ma maintain lahat un, dapat updated sa lahat ng mga kanta nila taylor swift etc, may bagong issue ng total girl, may bagong labas na TG slumbook na iba pa sa planner. kung ka age ko sila, siguro bata pa lang ako, stressed na ko, maaga natuto mag yosi, at tinubuan ng sandamakmak na uban, stressful kaya un.
sobrang laki ng parte ng media dyan, ung mga simpleng entertainment para sa mga bata noon, naging mainstream industry na, kelangan ng mas bonggang market strategy, kaya lahat ng pakulo ginagawa.
si tinkerbell, mas sexy na ngaun, nadagdagan pa ng mga friends at dinaig pa ang viva hot babes.
|
Googe images |
si Dora ang negrang lakwatsera, nagdalaga na din.
|
Googe images |
pati si Strawberry shortcake... all grown up
|
Googe images |
pati powerpuff girls nagkaron na din ng mga buwanang dalaw
|
Googe images |
kung mag oobserba ka lang sa mga pinapanood at pinag kakaabalahan ng mga bata ngaun, you will realize a lot has changed. may nabasa akong article, na sabi ng mga creators ng mga cartoons na ito, they are simply adapting to their market. lumalaki na ang mga tagasubaybay nila might as well lumaki na din ang mga cartoons. pero panu naman ang mga bata pa lang, ung mga matututo pa lang manood ng tv, sino na ang papanoorin at iidolohin nila? bata pa lang pero naituturo na kagad sa kanila ang definition ng superficial beauty. meron na sila kagad sense of what is cool and what is not. Now i wonder what lies ahead for the babies of today. hehe
|
Googe images |
No comments:
Post a Comment
Share your thoughts