Tuesday, March 1

0 Inlababo


eow pfuoh, muxtAh pfou KCeo?? jejebolz. eww. anyways. sa isang minsan, we had a certain convo sa office, syempe anu pa nga ba kundi tungkol sa LOVE. si ate melissa ay may book na ang title ay how to find the right guy, o something like that. di ako sure actually, at di ko pa din sya nababasa kasi nasa hiraman pa. pero sabi nya, meron daw dun mga tips kung pano maging successful sa iyong relationship o kung pano hahanapin si mr.right guy/girl/gay haha, na mas mailap pa sa hitong malikot. naisip ko naman, is it really possible to summarize in a few steps or even a whole book the things that you need to know about Love. or is there really anyone who have mastered "the" art. kama sutra pa siguro, pero love i doubt. kahit siguro yung author di rin naman ganun kaganda ang buhay pagibig nya.

     kahit naman ako, sa taglay kong charm, wit at alindog eh pumapalya pa din ako dyan. sa iyo na nagbabasa ng entry kong ito, probably, meron ka ding dilemma sa love. una single ka, single na kaka break lang na di maka move on at naging emo. o single since birth na gusto nang ibenta ang kaluluwa kay kuya germs magka jowa lang, single na di na virgin dahil walang sumeseryoso, single dahil pangit, single na good-looking naman pero malas lang talaga. o kaya ikaw ay "In a relationship" yabang........ na di naman masaya masyado, kasi: nasasakal ka, chinicheat ka nya na parang videogame, na booboogeywonderland ka dahil idol nya si nonito donaire, ayaw ka nyang pakasalan kahit salvage value ka na lang, o sadyang makati ka at di mo mapigilan maghanap ng iba. hehehe don't fret, wala naman perfect relationship. kahit nga ung mga artista, nagpapalit ng love team eh, kaw pa kaya.

pero alam mo, you don't need to have a perfect love-life, to give a useful advise. minsan nga kung sino pa yung sawi, un pa ung mas may alam sa love, kasi syempre, napagdaanan na nila. soooo, to make the long story longer: ito ang ilan sa mga payo kung panu makakahanap ng pagibig, makatakas sa maling pagibig, o kaya ay mapanatili ang pagibig.


1) level your self value- gasgas na kasi yung love yourself first, kaya ung iba sobrang love naman ang sarili na they tend to be selfish. dapat swak lang. respect yourself para di ka maabuso, and in return people may also learn to respect you. wag masyado magmataas, minsan nakakataboy yan ng love opportunities. either, ma insecure sila sayo o kaya naman ay mairita sila sa kayabangan at pagiging self righteous mo.

2) expand your network- narinig ko lang din to, pero i super agree. di ka makakahanap ng love kung nasa isang sulok ka lang, tamad si mr. right, wag ka na magpahabol. kung masyado naman kayo isolated sa inyong dalawa lang ng bf/gf mo, sinasabi ko sayo, magiging sobrang sakit pag nag break kayo. di ka makakamove on. magiging mahilig ka sa black. you can be in love, pero wag kalimutan, you still have your friends, your family, your career at syempre si God. (tttssssssss....umusok). have a balance diet of life.

3) love has it's own schedule, stick to it!- wag magmadali, kung wala pa maghintay. kung sobrang tagal, ay teh, kumilos ka na, di ka kagandahan. minsan kasi pag minamadali natin ang mga bagay, we tend to make fast decisions which most of the time palpak. sinagot mo kasi in time for valentines, niligawan mo kasi takot ka maagawan. magiging parang sinaing na hilaw tuloy yan pag nagkataon. ALSO, if you're a girl, and you're in a very long relationship with a guy. makiramdam ka. anong plano nya sayo? o may plano ba talaga sya? be careful coz you might be wasting your time in a wrong relationship. it's not wrong to ask and clarify things but don't be demanding and assuming, ok?

4) put yourself in their shoes, AND, make it a hobby- this helps in doing or choosing the right things to say, do, give or ask. dapat maging sensitive sa maaring ma feel ng iba. kung ikaw ang boyfriend mo, gusto mo ba na palaging inuurirat ang celfone, binubungangaan, at pinaghihinalaan? it's tiring right? kung ikaw si girl, gusto mo ba ng laging pinagbabawalan o kaya naman pinagseselos o laging binubuntutan? think... bago gumawa ng isang bagay, ask yourself what would you feel kung ikaw sya.


5) treat love like a game- yes, but not what you think. it's like a game, where you will need strategies, team mates (pero hindi bedmates huh), learn how to accept a challenge and how to give up and lose. and the best of all, it is a game, so you need to have fun and if you're not, you can always call it quits.

6) have a glass full of forgiveness but don't make it bottomless- hahaha, no one's perfect, kahit ako, almost perfect lang. so hindi maiiwasan na may magkamali and always be ready to forgive. but make sure you analyze all the aspects before forgiving. may times na hindi naman na talaga ka-forgive forgive ang ginawa nya mukha ka lang tanga, sya naman inulit ulit pa.
 

7) mistakes are like tattoos- because they are permanent, well, in a sense. but nasa sayo yan kung panu mo papanindigan. pwede mo itong ikahiya ng bonggangbongga, o kaya pwede mo itong gawin badge of honor, that will remind you of what you've been through and what you learned from it. also, wag ka din naman makulekta ng tattoo (mistakes), tama na ung ilan pero pag whole body na, mukha ka nang adik.


8) relationship is 50% Love and 50% Lust- ok sige kahit mga 20% lang haha. some of you might disagree with me, bahala ka haha. opinion ko lang to. well pare itong added spice. so it's optional. you can put some para exciting,  or put a lot but be ready to be burned. oh yeah.


konti lang to, pero hope this helps. share yours. hehe have fun being inlababo.
Ang mga payo ko ay gabay lamang, meron tayong free will gamitin natin ito. 

No comments:

Post a Comment

Share your thoughts