Sunday, June 12

6 There's a BUDOL-BUDOL in all of us

First of all,

isang malaki, naghuhumindig at mamawis-mawis na SORRY at PASINTABI sa mga friends nating NETWORKING Pro's. Pasintabi dahil BAKA ma-offend ka sa post kong to, at SORRY dahil itutuloy ko pa din. wakokebz.

i have nothing against Networking o kung ano pa man ang gusto nilang itawag dyan dahil hindi daw sila networking. Pyramidding, Networking, multi-level marketing o kung ano pang iba't ibang klaseng sales scheme. Nalilito talaga ako, o baka dahil sobrang konti lang ng difference nila, at isa pa, i really don't care.

Di ako galit sa kanila at lalong lalo naman na di ko sila sinisiraan. Actually mataas ang tingin ko sa kanila lalo na yung mga friends ko na malaki na ang kinita sa ganyang business. May nakabili na ng kotse, ng bahay, ng kotse ulit at nakapagpa profile pic na may hawak na maraming pera o check (post-dated). Yung isang friend ko nga noon i remember. Tumayo sya sa harap ko, umikot, sumide-view, tinignan ko sya head to foot at sabi nya "i'm proud to say, lahat ng suot ko at gamit ko, ako lang ang bumili nyan at lahat yan ay katas nito". Sabi ko naman, "woaaaaahhhhhhh WOW!!!! it's you already............................I don't care". haha charo.

Ilang taon na din ng mauso ang ganyang klaseng career. At lahat naman kami sa corporate o business ay aware na sa panahon ngayon, ang kita o pera ay nasa sales talaga, no doubt, maging networking man yan o simpleng direct selling tulad ng A-bon (avon).

To explain a bit, ganito yan:

http://animeacademy.informe.com/forum


Pyramidding - ayon sa wiki-kiki, once na naging member ka at nag invest, kailangan mong makapag recruit ulit ng dalawa (left at right) na mag iinvest. Pag nakapag recruit ka, may commision ka sa bawat PAIR (dalawa) na marerecruit mo.Pag isa lang wala kang commission, kung sa iba meron man. mas maliit. Kaya sya nagiging iligal dahil walang solid na product (oo lahat liquid potah ka, pilosopo) na binibenta o binibigay na kapalit ng na invest na pera. basta ganun. In short, kikita ka lang sa pag hikayat sa ibang tao na maging member. Actually ang kikita lang talaga ay ang mga boss na nagtayo ng pyramidding. kung sumali ka, you're just a tool honey.

Networking- See Pyramidding*

hahahahahahaha joke lang. halos pareho lang kasi. when it comes to the structure. ang kaibahan nga lang. sa networking may stable at marketable na product talaga. Pero sa aking opinyon, minsan, normal o super ordinaryong produkto lang yon na pinatungan ng super super patong kaya nagmahal at nagmukang big time.

Nagtataka ka na ba kung bakit sobramg bitter ocampo ko sa networking?

dahil dito,

nung isang araw yung officemate ko na tahimik at walang personality ay bigla na lang naging extrovert ng isang iglap. ayun pala may networking sya at inaaya nya kami. Sa dami ba naman ng na attendan ko na seminars (acting performances) ay alam na alam ko na ang kalakaran dyan. So di talaga ako interesado sa offer nya, yung isa ko pang officemate, sinabihan sya na "4 thousand?! para lang sa load? ay nako mag loload wallet na lang ako noh", yung isa naman "na hypnotize ka ba ng sindikato?", at sa twing aayain nya kami mag lunch o pag nagsesend sya ng calendar para makapag present sya sa min, lagi kaming busy hahaha. so ayun, naging ice-cold froglet tuloy sya sa min ngayon.

sabi ko nga madami na kong naattendan nyan, at ni isa wala pa kong sinalihan. bakit? kasi...

Isang araw na maaliwalas, blue sky, twitter birds all over at fresh air nang may biglang nag text. Ang isa sa aking super friend na matagal tagal ko na ding di nakita na miss na miss ko na talaga. Gusto nyang makipag meet sa kin. Gusto nya daw kasing magpatulong sa kanyang college presentation o thesis defense ata yun di ko na maalala. Naisip ko naman na siguro ako talaga ang naisip nya na hingan ng tulong dahil sa aking angking kakayahan, talino, abilidad, skill at kung ano ano pang shit na ako lang ang meron sa universe. Dun ako nagkamali.

Sa sobrang excited ko pang tulungan sya, at makita na din sya at the same time nang imbita pa ako ng isa pang kaibigan na magaling din (oo pareho kaming magaling) sa mga presentation. At di lang yan, dahil sa ang alam ko, sobrang big deal ito sa kanyang college education, we need to gather all the help we could get, PROFESSIONAL help of course. Samakatuwid, nag aya pa ako ng isa pang kaibigan. isang super professional na malayo na ang narating sa buhay na kahit natutulog o jumejerbs ay naka neck tie pa din. Ganun sya ka professional. laging on call.

http://manila-photos.blogspot.com/2009/06/island-life.html

Meeting place. Starbucks at Trinoma. dun sa taas. sa may garden na maraming ilaw at may fog at mist na hahalo sa lahat ng isusubo mo at hihithitin mo. dumating ako at ang friend ko on time. Tapos dumating na din ang friend ko na In-need ng professional advise. So beso, konting pakilala, more chika. nagkwento sya kung ano ang pinagkakaabalahan nya. Ayun nga daw, isang marketing company, may miracle product na nakakagaling ng lahat ng karamdaman ng tao pati na yung mga sakit sa pagiisip at sakit-sakitan, nagamot na nya. Lumipat kami sa loob para daw mas tahimik. Nang binuksan nya na ang bag nya wala ni isang thesis o draft ng kahit ano ang lumabas. puro mga brochure, at laminated presentation at picture ng kakasabi nya pa lang na product.

Sumama na ang pukiramdam ko. In short pumunta pala kami dun para anyayahan nyang sumali at mag invest sa business. Gusto nya daw ishare ang blessing sa iba. Gusto ko sana sabihan ang professional friend ko na wag nang tumuloy sa usapan namin pero it's too late, andyan na sya, humahangos pa galing sa pagmamadali. Malamang nag cram pa syang maka alis ng office para hindi ma late sa aming professional meeting/presentation. Dun ako nalungkot.

Sa madaling sabi kaming 3 ay nadenggoy. Natuwa din naman kami sa business proposal nya. Hindi na din masamang iconsider. Pero the FUCT remains na nagsinungaling sya sa kin. Which is turn off na kagad. right? right?

2nd instance naman, a long time no see no drink no party no drugs na friend ko ng college ang naka text ko. Pareho kami ng propesyon at mga interes. nabanggit nya bigla na meron daw nag offer sa kanya ng part time job o raket. Sinasali nya ko, i check daw namin. Ang akala ko naman, baka mag b-book keeping kami para sa isang maliit na company o kaya mag aayos ng tax nila o kung anu man. Sinundo nya ko sa office ko, byahe papuntang ortigas para pumunta sa mahiwagang office. Ayun, putcha, nadenggoy nanaman ako. Isa nanaman networking facility na may naguumapaw na green tea. Sa buong pag stay ko dun at pakikinig sa mga unggoy na nagpapatawa sa harap at paguulit ng mga linya na napakinggan ko na, (as in exact same lines, illustrations at jokes) ang na enjoy ko lang ay ang libreng juice/tea nila na masarap naman talaga infernes.
Mas gusto ko sana yun product nila, mas madaling ibenta. pero again, Naloko nanaman ako. i feel used. i feel betrayed. arte lang haha

Another instance, A friend invited us to go out clubbing. Treat daw ni boyfriend. Since may car si boyfriend, sinundo nya kami together with some other friends. sa aming byahe papunta kung saan, bigla na lang sila nag decide na mag drop by sa office ni boyfriend. In short isa na namang networking seminar ang natunghayan ko. winnur. Malapit ko ng ma memorize ang mga diagrams at examples nila.  The night ended at di pa rin kami napasali sa kanyang networking. Hindi nya na din kami nilibre haha. Infernes kay boyfriend, pangalawang networking nya na to.The first one ay sa isang Vitamin C company. Break na sila ni friendship ngayon. Naghanap ata ng girlfriend na mas magaling mag sales talk and last time i heard may bago nanaman syang networking.

now tell me, how come he didn't get rich? with the first one, and with the second? when in fact every networking company bears the same system. regardless of the product money will only depend on how many people you will be able to recruit. (umeenglish?)



Di naman sa pag gegeneralize ng mga networkers. There are some na talagang successful, pero di ko maiwasang magtanong kung hanggang kelan sila kikita ng ganun kalaki? panu kung kalahati na ng populasyon ng mundo ay na recruit mo na? at ang other half ay may sariling networking? panu na?

I also found out from a friend na nag networking before na this companies hire a group of people na magagaling na marketers to act or to represent the company as, take note, as their first millionaires. Syempre para nga naman mas convincing, dapat may makita ka ng proof na may yumaman na nga jan. I remember one time when i accidentally attended one of these. Yung nagsasalita sa harap ay isa daw sa mga top earners ng company, millions na daw ang kinita nya when, ALSO, according to them the company is like a month old. Are you guys shitting me? c'mon.....

Hindi kita dinidiscourage na sumali dyan. Go sumali ka! isali mo na din ang nanay mo, tatay mo, lola mo, tita ng boyfriend ng pinsan ng asawa ng inaanak ng katukayo mo. Pati ingrown mo isali mo na din. Malaya kang gawin ang gusto mo. Pero PUHH-LEAAASSSEE....... Huwag ka namang mag tag ng pictures ng mga produkto mo sa kung sino sino o kaya eh mag post sa wall nya ng video presetation nyo na hindi naman convincing lalo na't walang paalam at hindi naman kayo magkakilala. Isn't that annoying? Yung minsan pa mag memessage sayo na kahit isang common friend wala kayo tapos twing magrereply sa message ang iba pang mga biktima ay paulit ulit ka ding maiistorbo? nakakainis di ba?



at syempre, kung mag rerecruit naman kayo, wag nyo naman gamitan ng sobrang creativity at false representation ang pag aaya. Panu mo macoconvince ang isang tao na maging business partner mo kung in the first place hindi ka na kaagad totoo? Transparency beybe... Kasi last time i checked, ganyan ganyan din ang budol budol gang.

hehe peace y'all! tsup tsup mwah rape rape!

6 comments:

  1. nababanas ako pag tinatag ako ng picture nila na may hawak na napakadameng pera. I really hate it. Akala mo kung sinong mayaman eh alam ko nman na nakuha nila yun (it's either) sa pagbebenta ng kape, wonder drug na nakakagamot ng malulubhang saket gaya ng cancer pero sakit ng ulo hindi kayang gamutin(hahaha) at kung ano ano pang produkto OR magrecruit ng ibang tao. Hindi nman masama magnetworking, ang ikinaiinis ko lng yung sobrang yabang at yung idea na parang sila lang ang may chance yumaman. hahaha

    Meron din akong officemate dati, promdi xa. as in, pumunta lng sya dito pra magreview sa cpar habang nagwowork. nakakita ata sya sa bus ng sticker ng isang networking company, then sumali sya. after two months, nagresign sya sa company namin para ifull time ang new found career nya (ang magtinda ng kape). then one day, nakita nmin sya sa stairs ng mrt, naka power coat and tie, namimigay ng flyers ng networking na sinalihan nya! bwahahaha. at eto pa, sya pa may gana magyabang, cnbihan b nman nya kame na yung isang taon nming kita eh isang buwan lng nya. Gusto ko syang duraan sa mukha nun, (bwahaha) at sabihin 'nakakadiri ka!'

    hinayblood ako sa blog mo! haha

    ReplyDelete
  2. wahahahahaha winner ka ben. easy lang haha. ganun ata talaga minsan ang way ng ibang networkers na mag motivate, ang magyabang. minsan effective pero not all the time. YOU NEED TO BE INSPIRING, NOT IRRITATING :)

    ReplyDelete
  3. AnonymousJune 13, 2011

    nakakahiya naman sa mga friends mo na ininvite mo para tumulong sa thesis.. kung ako yun talagang mahihiya ako,nawaste ko ang time nila.

    nakaattend na rin ako ng seminar ng networking, tintext ako ng friend ko kung gusto ko daw ba ng part-time job, sabi ko naman ay oo, wala pa akong knowledge about networking although naririnig ko siya, sa sm megamall ang venue, trade hall ata yun. ayun biglang may pinakilala, si koyang malaki ang tiyan,kumikita ng milyon-milyon sa loob ng 1 week, may kotse na itim daw na nakaparada sa parking. Hindiko naintindihan ang paliwanag about recruiting kasi di ako intersado,pero after that, hinihingian ako ng 7k nung nagsama sa akin,sabi ko, trabaho hinahanap ko hindi pagkakakagastusan.. so umuwi na ako, ang guess what, kasabay kong naglalakad sa crossing shawblvd ang nagpakilalang millionare...

    ReplyDelete
  4. Clap clap clap! Winner to! Meron akong friend friend/scoolmate nung college na mabait naman talaga. Pero one time kasi e problemado ako kasi HEARTBROKEN (haha hayup!) tapos tinawagan nya ko para magmeet kami at mag lunch. alam naman nyang emotionally e down na down ako ng time na yun, so feeling ko naman talagang gusto akong i-comfort ni tang*. Pagdating namin sa resto, may 2 babae, isa dun ay ex nya at pinakilala nya sakin. Tapos ayun na! niratrat nako ng kagandahan kuno ng pyramid nila! Jusko, gusto ko silang pagbuhulin at inis na inis ako dun sa schoolmate ko. Langya, wala man lang konsiderasyon. Alam namang may 'PINAGDADAANAN" ako (hahaha) ganun pa gagawin sakin! Mga palaka!! kaya kahit kelan hinding hindi din ako sasali sa pyramid. hahaha Di ko na rin sya masyado kinausap simula nun! yey!

    ReplyDelete
  5. ang aggressive ng mga tao jan! kaya ayokong ayoko din sumama sa ganyan.. daming false promises ek ek.

    ReplyDelete
  6. "nung isang araw yung officemate ko na tahimik at walang personality ay bigla na lang naging extrovert ng isang iglap."

    "miracle product na nakakagaling ng lahat ng karamdaman ng tao pati na yung mga sakit sa pagiisip at sakit-sakitan"

    "ang na enjoy ko lang ay ang libreng juice/tea nila na masarap naman talaga infernes"

    Bentang benta naman sa akin ang mga linyang yan ahahaha. pati yung mwah mwah rape rape. hayop ka dami mong alam!

    Pero ang talagang tumatak sa isip ko eh yung post ni Mikayla Rose sa wall mo kung saan hinikayat ka nya na "feel in an application form." TANGINA AHAHAHAHA.

    Asar din ako sa mga networking scams kasi kapag sinasabi ng mga speakers na "ang yaman yaman ko na million ang kinikita ko nagusunog ako ng pera kapag taglamig," ang iniisip ko eh bakit ka pa nagsasalita dito ngayon? huwag ka nang magtrabaho, mayaman ka na pala eh.

    ReplyDelete

Share your thoughts