Tuesday, June 14

0 Bully-vard of broken dreams

To most of my friends, kilala ako bilang ang bastos-malibog-barubal-walanghiya-papansin sweet, witty, thoughtful at syempre life of the party na kaibigan. BUTT! Kilala din ako bilang isa sa madalas mam-bully sa grupo. Kapag wala pa ang prof o di sya dumating at nakatambay lang kami sa classroom o kaya ay nagpapakagat sa lamok sa botanical garden, isa sa mga past time ko ang mam-baboy ng pagkatao ng isa sa mga blockmates ko, yep drawlots. Nung early college days pa nga, nung nauuso ang GM o group messaging sa buong block namin. Naka receive pa ko ng makabagdamdaming,


 "to Jade, sana naman minsan maging sensitive ka din sa mga sinasabi mo lalo na sa mga jokes mo. Nakakasakit ka na kasi minsan.. - Unanymous"

....nagulat ako at napatigil............................... pero like I care haha. Seriously hindi naman ako sagad sa butong bully (sagad sa taba lang). Pinipili ko lang naman kung sino mga tinatarantado ko. Kung madalas kitang asarin (mula ng magkita tayo hanggang mag hiwalay sa uwian, kahit pag nakatalikod ka na) ibig sabihin non. I like you. O kaya ay close tayo kaya hindi ako nangingiming yurakan ang nalalabing dignidad na inipit mo pa sa singit mong may libag. Kaya naman nung nabasa ko yon, nalungkot talaga ko. Kinabukasan pagpasok, sinigurado kong walang minutong papatahimik ko ang diwa nila. Lahat pinansin ko. Buhok nila, damit, hugis at kabuuang anyo. In short dumoble ang panlilibak ko. Ang unang magpakamatay, sya yung affected. haha.

Pero before i became the villain i was known today, i also experienced being bullied. <play senti music>

http://www.christianpeacekeepers.com/bully.html

First year high school, me at iilang classmates from elementary ang nagtransfer sa aming sister school, since walang high school na inooffer dun sa elementary school na pinanggalingan namin. It's definitely a new environment for me. From a batch of 14 students naging aroung 80 na hati sa 2 blocks. New place, new teachers at syempre new boys. Dun kasi sa pinanggalingan ko, kilala ko at kasundo ko na lahat pati na mga boys. I never felt alienated. Nothing but plain purity and virginity. haha. Pero nung lumipat na ko, dun na nagsimula ang masalimuot na mga tagpo.

Dun ko unang naranasan ang malamas ang boobs. YEP, kahit papatubo pa lang ang mura kong katawan, pinaglaruan na nila kagad. Doon din na pollute ang utak ko ng mga sobrang bastos na salita. Sexual words. and for some fu*ked up reason doon pa sa bandang likuran naka upo ang mga boys, magkaka hilera. So wala kaming choice ng mga Gay and nerdy friends kundi ang makasama sila. Bigla ko na lang maririnig ang mga makamundong usapan nila like kung sino ang unang *toooot* sa kin at kung sino ang unang magpapa *toot* sa kin. Dun ko natutunan ang ibig sabihin ng salitang bullying.

It doesn't need to be physical, or not just verbal abuse. When a person or a group makes the environment uncomfortable for someone, then, that's already Bullying.

Dumating pa sa point na hindi kami masyadong lumalabas ng room or pumupunta ng cafeteria, tiis gutom at ihi ang drama. Eww di ba. Kasi nga we try to be away from the bullies as often as possible. Pero di rin naman nagtagal, naka adjust na din ako. Well ADAPTATION is a more appropriate term. Mula sa isang pa virgin na hitad, naging isang fullgrown moth butterfly na ko. Kung nung una di ko nasasakyan o kaya ay nababastusan ako ang mga biro nila, ako na ang nagbibiro at nag iinitiate. Yung tipong bago pa man sila bumanat ng kabastusan eh, namanyak ko na muna sila. AHAHAHA. At up until now, we are all good friends. at ang tanging dasal ko sana sa iba, more than friends. lol

I can say na, liberated man ako today, it's part of a coping mechanism. And it is Positive in a certain way. It's either those bad experiences can turn you into a monster or you can use those to become a better, more beautiful being. Like me haha.

http://joyerickson.wordpress.com

At syempre pa, bullying can occur in almost all places. Meron tayong tinatawag na Cyberbullying. Kahit sa office o sa workplace. If a senior co-worker or officemate makes fun of a newbie or makes him feel like he is of lesser intelligence. Then that's bullying. Ang pagsingit sa pila ng ticket ng Mrt ay bullying din. Damn those senior citizens. haha

http://3.bp.blogspot.com


Actually even those poor, helpless-looking senior citizens are also bullies in their own rights. Naranasan ko minsan na maunahan sa pinara kong taxi ng dalawang matandang babae. I was shocked! pero all they did was to look at me and smile. Yung ngiting parang nagsasabing, OOPS matanda ako, alam mo na yan. Funny pero minsan irritating din. Minsan pa nga, yung mga moment na kapag nahanap mo na ang inner peace sa pagkakaupo sa MRT o kaya sa bus tapos may biglang tatayong matanda sa harap mo, na papaupuin mo naman pero walang tigil sa pag "TSK" para lalo kang mappressure. Nagawa na rin sa kin yun. 

I did not move, not even a single hair. All i did is i simply smiled back as if saying, mamatay ka dyan bitch! hahaha. CHARO...


OH LIFE. ^___^



now heres' a clip, na nakita mo na din for sure but inspired me to write this post. Thanks Ben!!


http://thesocietypages.org/




No comments:

Post a Comment

Share your thoughts