Showing posts with label Sex. Show all posts
Showing posts with label Sex. Show all posts

Sunday, January 13

2 Kinds of Casual Partners

Please don't judge me. I'm not a book, and you're not a judge. haha

You might think i'm a nymphomaniac, but I assure you I am the most decent, virginal creature you'll ever meet. Char.

Well since i'm in the right age and assuming you are too, i guess it's totally fine to share some of the data I gathered throughout the years of my sexual experiments. (yes i did it for science and educational purposes only).

As you embark on your own adventure, you will be meeting some of these characters. Sila ang magbibigay kulay at trauma sa iyong mga sexual ganap. Kaya I think it's better to be well-oriented and prepared.

Remember, sex is not all rainbows and butterflies. Sometimes it's like an early morning rush-hour pila sa MRT. Haggard at stressful.

Sunday, January 8

1 Seaman-loloko

We were taught that everyone deserves second chances, for we too, might need a second chance in the future. But In a relationship where trust plays an important role, are second chances even part of the discussion?

A few months ago, one of my close girl friend was sharing a story about her BF cheating on her. We asked one of our guy friends about his opinion, when he told us, "syempre lalaki yon, common na yon". (he's a guy, it's a commong thing).

Seriously? If something is considered common, does that make it CORRECT and ACCEPTED?

Sunday, January 1

1 Paskong Paksiw 2012

Wooohooo! Finally tapos na ang mga holiday. Tapos na ang pasko at bagong taon. FYI tapos na din ang Death anniversary ni Rizal.

Of course, position like a horse, nakalimutan mo na ang Death anniversary ni J-zal.

Well. Hindi naman kita masisisi kung nakalimutan mo ang november 30 holiday. Syempre, Pasko = masaya, Rizal Death anniv. = malungkot, New year = Masaya ulet. oh di ba, magkaka cancer ka pag pnilit mong sariwain ang kamatayan at kabayanihan ni rizal samantalang abalang abala ka sa pagbabalot ng regalo o kaya naman sa pagbibilang ng polkadots na isusuot mo sa nyuyir. letche ka.

Anyways, marami nanaman akong mga naipon na obserbasyon na kailangan kong mailabas bago bumaho.

Sasang-ayon ka ba sa kin kung dapat ituring tradition ang pagpapa audition sa mga inaanak o magiging inaanak? O kaya naman eh i-delay muna ang binyag hangga't hindi ka sure sa magiging itsura ng inaanak mo? O kaya naman ay bigyan ng mga up to 2 year warranty ang kandila na ginamit sa binyag. Para kapag shonget ang bagets eh pwede mong isoli ang kandila sa iyong kumare/kumpare at mag move on na parang walang nangyari? Ang saya sana kung ganun. Aminin natin, hindi fun mamili ng regalo kapag ganito ang itsura ng inaanak mo.



Correct me but I'm right, mas tumitindi ang pressure na nararamdaman mo na magka Lovelife twing magpapasko? Yung tipong mag checheck ka sa phonebook, at FB friends mo kung sino ang mga potential candidate para maging jowa mo. Yung pati yung ex mo nung Kindergarten 2 ay gusto mong balikan kahit isa na syang rugby boy ngayon wag ka lang manlamig sa pasko. Don't worry, lumipas naman na ang holiday, OOOPS Valentine's naman.

I'M NOT FEELING ANY PREY-SYUR RIGHT NOW....


Magandang magsimba para magpasalamat ngayong christmas season, yan ay kung busilak sa puso ang intensyon ng pagsisimba mo. Pero kung kulang na lang ay idikit mo ang mga oscha sa isang card. Aba aba aba ineng. Wala kang makukuhang planner galing kay father, bibingka pa siguro. At lalong lalo nang walang promo si Lord twing pasko na kapag nakumpleto eh may free wish ka noh.

http://christopherfountain.wordpress.com/2009/09/07/celebrities-at-starbucks/
Mahal na araw ba at talagang pinanindigan ni Mother Lily ang panata nya na taunang pag gawa ng shake, rattle ang roll? Yung totoo? hanggang ilang shake, shake me baby ohhlala ba talaga? 30? 37? 64? o 1,093? Buti na lang at pwersado tayo na manood ng pinoy films sa ganitong mga panahon. Pero, ako lang ba ang may problema o paulit ulit lang din talaga ang panday? Oo, feeling ko ako lang ang may problema. Imposibleng ulitin nila yun. Hindi talaga.

Yan ang hirap pag nagiging Hit ang pelikula nagiging immortal. Habambuhay gagawan ng sequel. Umayan ang labanan. At dahil nag hit ang Manila Kingpin, panigurado may sequel na din, pero this time hindi si Asiong Salonga kundi si Lea Salonga naman daw ang gaganap. Oh at least broadway quality.

Kung wala naman maisip na bagong story eh pagsasamahin na lang daw ang mga movie tulad ng Enteng ng Ina mo.

So anung sunod? eto??

Nang pinanday ni Enteng ang Ina ni Asiong kapalit ang Segunda Manong Shake.

naglolokohan tayo teh?



Saturday, December 3

2 Funky Realities of Life

Love is like a Rosary, it's full of mysteries, and sometimes becomes an accesory.


Same with Life, it is full of things unbeknownst to the human intellect. Kahit si kuya Kim, for sure mag pa-pass.

Here are some realizations about things I experienced/experiencing na i'm sure you also experienced/experiencing. past tense, present tense, nakakatense.

1) Whenever you ride the train, whether MRT or LRT on a rush hour, aamuyin mo ang kili-kili mo just to check kung ikaw ba ang amoy putok. Soon, you will realize, it's not you, but it's everyone else O_o

2) May appointment ka ng 4pm, pero 4pm ka pa lang aalis ng bahay. Pagdating mo, early bird ka pa din.

3) Natatakam ka sa huling piraso ng chicken, pizza o kung anuman. Pero hinding hindi mo ito gagalawin. Ito din ang iniisip nilang lahat.

http://www.japannewbie.com/2008/05/08/a-lump-of-reserve/

4) At one point in your life, dumepende ka sa mga hula ni Zenaida Seva. 

5) Meron kang super crush nung elementary o hi-skul na feeling mo noon mahal mo na sya. Ngayon ang pangit pangit nya na. Kadiri

6) Ay nagtanggal ng tinga gamit ang dila tapos kinain mo ulit. 

7) ay nahirapan sa spelling ng Scissors nung bata pa.

8) Ay minsan ring nag akalang ang pag memorize ng multiplication table ang pinaka mahirap na bagay sa mundo.

9) Ay naniwala noong bata na si Lilia Cuntapay ay isang real-life na aswang. 


10) Ay naniniwalang si Charice ay hinulma sa bilao ng pancit malabon.

11) Ay nagkaron ng New Year's Resolution na hindi man lang umabot ng chinese new year.

12) May ex boyfriend ka na deep inside ay gusto mong balikan, kaso isa na pala syang Girlfriend.

13) Napapa english ka kapag umoorder sa starbucks.

14) Napapa english ka din kapag nasa greenbelt, serendra o kung san mang sosyal na place ka.

15) Nakita mo ang close friend mo na may nag-hehello na kulangot habang kausap mo sya pero sinikreto mo ito at balak mong dalhin hanggang kamatayan.

16) ay nagbibigay ng limos sa pulubi depende sa kanilang acting at posing skills.

17) Napapahigpit ang kapit sa bag kapag may sumasakay na panget at mukang kriminal sa jeep.

18) Kung babae ka, naniniwala ka sa kasabihang ito, "may mga lalaking parang betlog, mga mukang mabaho pero masarap pala".

19) Kung lalaki ka, naniniwala ka naman sa kasabihang ito, "may mga babae ding parang betlog, ang sarap kamutin". haha

20) Madalas magbigay ng offering o abuloy na bente, kapag walang barya at 50 o 100 ang naibigay, may panghihinayang kang nadarama. Pero slight lang.

21) Ay naawa kay KC Concepcion, at naniniwalang bading si Piolo Pascual, at isa syang bottom. Charaught.

http://yurbanite.blogspot.com/2011/01/oh-cmon-mamon.html

Hay Life...


Tuesday, June 14

0 Bully-vard of broken dreams

To most of my friends, kilala ako bilang ang bastos-malibog-barubal-walanghiya-papansin sweet, witty, thoughtful at syempre life of the party na kaibigan. BUTT! Kilala din ako bilang isa sa madalas mam-bully sa grupo. Kapag wala pa ang prof o di sya dumating at nakatambay lang kami sa classroom o kaya ay nagpapakagat sa lamok sa botanical garden, isa sa mga past time ko ang mam-baboy ng pagkatao ng isa sa mga blockmates ko, yep drawlots. Nung early college days pa nga, nung nauuso ang GM o group messaging sa buong block namin. Naka receive pa ko ng makabagdamdaming,


 "to Jade, sana naman minsan maging sensitive ka din sa mga sinasabi mo lalo na sa mga jokes mo. Nakakasakit ka na kasi minsan.. - Unanymous"

....nagulat ako at napatigil............................... pero like I care haha. Seriously hindi naman ako sagad sa butong bully (sagad sa taba lang). Pinipili ko lang naman kung sino mga tinatarantado ko. Kung madalas kitang asarin (mula ng magkita tayo hanggang mag hiwalay sa uwian, kahit pag nakatalikod ka na) ibig sabihin non. I like you. O kaya ay close tayo kaya hindi ako nangingiming yurakan ang nalalabing dignidad na inipit mo pa sa singit mong may libag. Kaya naman nung nabasa ko yon, nalungkot talaga ko. Kinabukasan pagpasok, sinigurado kong walang minutong papatahimik ko ang diwa nila. Lahat pinansin ko. Buhok nila, damit, hugis at kabuuang anyo. In short dumoble ang panlilibak ko. Ang unang magpakamatay, sya yung affected. haha.

Pero before i became the villain i was known today, i also experienced being bullied. <play senti music>

http://www.christianpeacekeepers.com/bully.html

First year high school, me at iilang classmates from elementary ang nagtransfer sa aming sister school, since walang high school na inooffer dun sa elementary school na pinanggalingan namin. It's definitely a new environment for me. From a batch of 14 students naging aroung 80 na hati sa 2 blocks. New place, new teachers at syempre new boys. Dun kasi sa pinanggalingan ko, kilala ko at kasundo ko na lahat pati na mga boys. I never felt alienated. Nothing but plain purity and virginity. haha. Pero nung lumipat na ko, dun na nagsimula ang masalimuot na mga tagpo.

Dun ko unang naranasan ang malamas ang boobs. YEP, kahit papatubo pa lang ang mura kong katawan, pinaglaruan na nila kagad. Doon din na pollute ang utak ko ng mga sobrang bastos na salita. Sexual words. and for some fu*ked up reason doon pa sa bandang likuran naka upo ang mga boys, magkaka hilera. So wala kaming choice ng mga Gay and nerdy friends kundi ang makasama sila. Bigla ko na lang maririnig ang mga makamundong usapan nila like kung sino ang unang *toooot* sa kin at kung sino ang unang magpapa *toot* sa kin. Dun ko natutunan ang ibig sabihin ng salitang bullying.

It doesn't need to be physical, or not just verbal abuse. When a person or a group makes the environment uncomfortable for someone, then, that's already Bullying.

Dumating pa sa point na hindi kami masyadong lumalabas ng room or pumupunta ng cafeteria, tiis gutom at ihi ang drama. Eww di ba. Kasi nga we try to be away from the bullies as often as possible. Pero di rin naman nagtagal, naka adjust na din ako. Well ADAPTATION is a more appropriate term. Mula sa isang pa virgin na hitad, naging isang fullgrown moth butterfly na ko. Kung nung una di ko nasasakyan o kaya ay nababastusan ako ang mga biro nila, ako na ang nagbibiro at nag iinitiate. Yung tipong bago pa man sila bumanat ng kabastusan eh, namanyak ko na muna sila. AHAHAHA. At up until now, we are all good friends. at ang tanging dasal ko sana sa iba, more than friends. lol

I can say na, liberated man ako today, it's part of a coping mechanism. And it is Positive in a certain way. It's either those bad experiences can turn you into a monster or you can use those to become a better, more beautiful being. Like me haha.

http://joyerickson.wordpress.com

At syempre pa, bullying can occur in almost all places. Meron tayong tinatawag na Cyberbullying. Kahit sa office o sa workplace. If a senior co-worker or officemate makes fun of a newbie or makes him feel like he is of lesser intelligence. Then that's bullying. Ang pagsingit sa pila ng ticket ng Mrt ay bullying din. Damn those senior citizens. haha

http://3.bp.blogspot.com


Actually even those poor, helpless-looking senior citizens are also bullies in their own rights. Naranasan ko minsan na maunahan sa pinara kong taxi ng dalawang matandang babae. I was shocked! pero all they did was to look at me and smile. Yung ngiting parang nagsasabing, OOPS matanda ako, alam mo na yan. Funny pero minsan irritating din. Minsan pa nga, yung mga moment na kapag nahanap mo na ang inner peace sa pagkakaupo sa MRT o kaya sa bus tapos may biglang tatayong matanda sa harap mo, na papaupuin mo naman pero walang tigil sa pag "TSK" para lalo kang mappressure. Nagawa na rin sa kin yun. 

I did not move, not even a single hair. All i did is i simply smiled back as if saying, mamatay ka dyan bitch! hahaha. CHARO...


OH LIFE. ^___^



now heres' a clip, na nakita mo na din for sure but inspired me to write this post. Thanks Ben!!


http://thesocietypages.org/