Sunday, January 1

1 Paskong Paksiw 2012

Wooohooo! Finally tapos na ang mga holiday. Tapos na ang pasko at bagong taon. FYI tapos na din ang Death anniversary ni Rizal.

Of course, position like a horse, nakalimutan mo na ang Death anniversary ni J-zal.

Well. Hindi naman kita masisisi kung nakalimutan mo ang november 30 holiday. Syempre, Pasko = masaya, Rizal Death anniv. = malungkot, New year = Masaya ulet. oh di ba, magkaka cancer ka pag pnilit mong sariwain ang kamatayan at kabayanihan ni rizal samantalang abalang abala ka sa pagbabalot ng regalo o kaya naman sa pagbibilang ng polkadots na isusuot mo sa nyuyir. letche ka.

Anyways, marami nanaman akong mga naipon na obserbasyon na kailangan kong mailabas bago bumaho.

Sasang-ayon ka ba sa kin kung dapat ituring tradition ang pagpapa audition sa mga inaanak o magiging inaanak? O kaya naman eh i-delay muna ang binyag hangga't hindi ka sure sa magiging itsura ng inaanak mo? O kaya naman ay bigyan ng mga up to 2 year warranty ang kandila na ginamit sa binyag. Para kapag shonget ang bagets eh pwede mong isoli ang kandila sa iyong kumare/kumpare at mag move on na parang walang nangyari? Ang saya sana kung ganun. Aminin natin, hindi fun mamili ng regalo kapag ganito ang itsura ng inaanak mo.



Correct me but I'm right, mas tumitindi ang pressure na nararamdaman mo na magka Lovelife twing magpapasko? Yung tipong mag checheck ka sa phonebook, at FB friends mo kung sino ang mga potential candidate para maging jowa mo. Yung pati yung ex mo nung Kindergarten 2 ay gusto mong balikan kahit isa na syang rugby boy ngayon wag ka lang manlamig sa pasko. Don't worry, lumipas naman na ang holiday, OOOPS Valentine's naman.

I'M NOT FEELING ANY PREY-SYUR RIGHT NOW....


Magandang magsimba para magpasalamat ngayong christmas season, yan ay kung busilak sa puso ang intensyon ng pagsisimba mo. Pero kung kulang na lang ay idikit mo ang mga oscha sa isang card. Aba aba aba ineng. Wala kang makukuhang planner galing kay father, bibingka pa siguro. At lalong lalo nang walang promo si Lord twing pasko na kapag nakumpleto eh may free wish ka noh.

http://christopherfountain.wordpress.com/2009/09/07/celebrities-at-starbucks/
Mahal na araw ba at talagang pinanindigan ni Mother Lily ang panata nya na taunang pag gawa ng shake, rattle ang roll? Yung totoo? hanggang ilang shake, shake me baby ohhlala ba talaga? 30? 37? 64? o 1,093? Buti na lang at pwersado tayo na manood ng pinoy films sa ganitong mga panahon. Pero, ako lang ba ang may problema o paulit ulit lang din talaga ang panday? Oo, feeling ko ako lang ang may problema. Imposibleng ulitin nila yun. Hindi talaga.

Yan ang hirap pag nagiging Hit ang pelikula nagiging immortal. Habambuhay gagawan ng sequel. Umayan ang labanan. At dahil nag hit ang Manila Kingpin, panigurado may sequel na din, pero this time hindi si Asiong Salonga kundi si Lea Salonga naman daw ang gaganap. Oh at least broadway quality.

Kung wala naman maisip na bagong story eh pagsasamahin na lang daw ang mga movie tulad ng Enteng ng Ina mo.

So anung sunod? eto??

Nang pinanday ni Enteng ang Ina ni Asiong kapalit ang Segunda Manong Shake.

naglolokohan tayo teh?



1 comment:

Share your thoughts