Saturday, June 25

10 Affected much

Oh Sorry na.....

Matagal tagal na din akong hindi nag blog. wala kasi akong masabing masaya kaya di na muna ko nagsulat.
Inumpisahan ko ang blog na to bilang isang outlet. Yung mga hindi ko masabi in real life pinopost ko na lang.

pero lately, pinipili ko na lang ang mga sinusulat ko dito. Yung masaya lang, yung light medyo kwela.
Pag malungkot kasi baka mapagkamalan akong baklang emo. Kadiri lang di ba.

nakakatawa na we can get inspiration pala from different things and situations, not just the happy ones. Pag wala kasi akong masulat naghahanap ako ng enjoyment sa pagaakalang ma iinspire ako. Ayun, umuuwi lang akong wasted at unproductive. letch.

Pero ngayon kakauwi ko lang galing sa hanggang umagang gimik. Biglaan kasi akong naaya ng friend ko, kasama nya mga officemates nya. Puro lalaki so tatanggi pa ba ko sa grasya. Nagkita kami ng isa pang friend sa timog, tapos lumipat sa isang private party somewhere in Banawe (cool place, jologs people). Tapos kumain ng lugaw sa may greenfield, tapos nag chicago. Good thing may car silang dala kaya madali ang pag travel.

Pinakilala sila sa min at ang unang napansin ko ay ang driver. Sya din ang owner ng wheels. Maliit lang sya pero cutie. nagkatinginan kami, ngumiti sya........ at nainlove ako. I'm so pekp*k lang di ba. Sakit ko na ata yun, ang mainlove sa first five seconds ng pagkikita. Kaya pag sumasakay ako ng MRT, sampung beses ata ako naiinlove, sa may cubao station pa lang yan ha, kahit ata poste ng meralco na maganda ang tindig ay natitipuhan ko hahaha.

Itago na lang natin sya sa pangalang Jason. Unfortunately, ang dear friend ko na makati pa sa buning na marinate sa tubig baha sa may kanto ng palengke sa malabon ay type din pala si kuya. In a very fair and ladylike manner, we decided to settle things with a game of BATO BATO PIK! PAK ka jan.

Best of 5, magkamatayan na. The winner gets the guy. That simple. At syempre...... Panalo ko sa score na 5-0. Buti nga sa kanya. Kaya naman bumwelo na ko at nag stretching. Nag warm-up na ko ng aking eyelashes na may split end pa at ang aking wet and chappy lips. Ready-set-attack.

Pero napatagal ata ang warming up ko, ayun naunahan na ko ng hitad. May i dance na sya kay kuya in the tune of waka waka and Beybe by Justin Beyber. Mandurugas. Ganid. Sakim. Hayok. In short Sumpa. Matapos pa kitang sunduin sa SM north ganyan ang gagawin mo sa kin. Kung alam ko lang niligaw na kita. hahaha. Pero dahil birds of the same feather ay the same birds, di na ko kumembot. Give way na lang me. hehehe.

Di ko na idedetalye ang mga kahalayang naganap ng gabing yon. Ayoko na ding alalahanin. Basta maharot at makirot sa puso.

Lingid sa aking knowledge, ang isa sa mga boylet pala na kasama namin ay isa ring sanggre. Yep, green blooded reptilia na nagtatago sa mga dahon ng water hyacinth na bumabara sa ilog. Well, di naman sya tago, di ko lang talaga nahalata. Binulong sa kin ng friend ko at sinabi nya din na ito palang si sisterette ay may matagal ng HD kay Papa driver. At dahil sa ginagawang kahalayan ng ex-friend ko, lubusan pala syang nasasaktan. Gusto nya atang sabayan si Rachelle Ann Go sa pagkanta ng I'd rather leave while I'm in love.

Agaw eksena lang di ba. Ako tong nagiinarte dahil naagawan yun naman pala mas may nagiinarte sa isang tabi. Pero seryoso, i feel for him. Alam ko ang pinagdadaanan nya. Syempre maalam ako eh. Haha. So konting kwentuhan at sharing nalaman ko ang buong kwento. Nakilala ko din sya lalo. Mga past relationships nya, mga heartbreaks and many more. At lalo akong nalungkot para sa kanya.

Sa paguusap namin, halos maubusan na ata ako ng mga words of encouragement para mapagaan ang loob nya. Malungkot man isipin hanggang dun lang naman ata ang kaya kong ibahagi para makatulong sa pinagdadaanan nya. Hanggang salita lang. Hanggang walang kamatayan na "Okay lang yan, ganun talaga".

Sa gitna pa ng paguusap namin, Ilang beses ko ding nabanggit na "Fate ata talaga natin yan". Infernes madami din naman akong nasabi sa kanyang magagandang advice. Forte ko na ata yon, ang magbigay ng advice sa mga problema ng may problema. Matapos ng maikling pagkkwentuhan namin, kahit papano naramdaman ko naman na napagaan ko ang loob nya. Hopefully naiwan ko ang pakiramdam na kahit papano, may nakakaintindi sa pinagdadaanan mo.

Pagkauwi ko, madami akong narealize at nalungkot ako ng very very nice (copied from Glentot! mwachupah). Ganun kasi ako, pag may problema ang isang kaibigan namomoblema din ako. Pag nasasaktan sila, nasasaktan din ako. Ganun ang kaibigan di ba, kaya nga pag may kaaway o kagalit sila diba nakikisawsaw tayo lagi. Kung hindi tayo nanggagatong, kasama tayo sa nagiisip ng isang diabolical plan para mapatumba ang kalaban. hehe. That's what are friends are four.

Feeling ko kaya ako nalungkot dahil nakita ko ang sarili ko sa kanya. Yung mga problema nya at pinagdaanan nya, Pinagdaanan ko din. At kahit anong galing ng advice ko sa kanya, di ko pa din maapply yun sa sarili ko. Badtrip.

Siguro kailangan umalis muna ng kaluluwa ko (kung meron pa) sa aking sexy hot sizzling boodey para makita ko si Ako in a 3rd party perspective at mabigyan si Ako ng bonggang bonggang advice at comfort. yes, comfort yan ang kailangan ko ngayon na ang hirap hirap makuha sa mga taong iniexpect mo. hehe.

Kaya tulad nga ng status ko sa Fezbuk, " I need a break...but not the Kitkat".

they said I'm leaving, but just for a while..


I don't want to go, really.


But now,


it's like I never wana go back here,


not anymore. 








EMO... ewwwiieeee hahahahahaha

Wednesday, June 15

6 Gagew me


Habang pinaguusapan namin ang mga cupcakes at sweets na padala sa friend ko,
may nagcomment na foreigner friend nya.. 

eto oh :

ahahahahahaha

Tuesday, June 14

0 Bully-vard of broken dreams

To most of my friends, kilala ako bilang ang bastos-malibog-barubal-walanghiya-papansin sweet, witty, thoughtful at syempre life of the party na kaibigan. BUTT! Kilala din ako bilang isa sa madalas mam-bully sa grupo. Kapag wala pa ang prof o di sya dumating at nakatambay lang kami sa classroom o kaya ay nagpapakagat sa lamok sa botanical garden, isa sa mga past time ko ang mam-baboy ng pagkatao ng isa sa mga blockmates ko, yep drawlots. Nung early college days pa nga, nung nauuso ang GM o group messaging sa buong block namin. Naka receive pa ko ng makabagdamdaming,


 "to Jade, sana naman minsan maging sensitive ka din sa mga sinasabi mo lalo na sa mga jokes mo. Nakakasakit ka na kasi minsan.. - Unanymous"

....nagulat ako at napatigil............................... pero like I care haha. Seriously hindi naman ako sagad sa butong bully (sagad sa taba lang). Pinipili ko lang naman kung sino mga tinatarantado ko. Kung madalas kitang asarin (mula ng magkita tayo hanggang mag hiwalay sa uwian, kahit pag nakatalikod ka na) ibig sabihin non. I like you. O kaya ay close tayo kaya hindi ako nangingiming yurakan ang nalalabing dignidad na inipit mo pa sa singit mong may libag. Kaya naman nung nabasa ko yon, nalungkot talaga ko. Kinabukasan pagpasok, sinigurado kong walang minutong papatahimik ko ang diwa nila. Lahat pinansin ko. Buhok nila, damit, hugis at kabuuang anyo. In short dumoble ang panlilibak ko. Ang unang magpakamatay, sya yung affected. haha.

Pero before i became the villain i was known today, i also experienced being bullied. <play senti music>

http://www.christianpeacekeepers.com/bully.html

First year high school, me at iilang classmates from elementary ang nagtransfer sa aming sister school, since walang high school na inooffer dun sa elementary school na pinanggalingan namin. It's definitely a new environment for me. From a batch of 14 students naging aroung 80 na hati sa 2 blocks. New place, new teachers at syempre new boys. Dun kasi sa pinanggalingan ko, kilala ko at kasundo ko na lahat pati na mga boys. I never felt alienated. Nothing but plain purity and virginity. haha. Pero nung lumipat na ko, dun na nagsimula ang masalimuot na mga tagpo.

Dun ko unang naranasan ang malamas ang boobs. YEP, kahit papatubo pa lang ang mura kong katawan, pinaglaruan na nila kagad. Doon din na pollute ang utak ko ng mga sobrang bastos na salita. Sexual words. and for some fu*ked up reason doon pa sa bandang likuran naka upo ang mga boys, magkaka hilera. So wala kaming choice ng mga Gay and nerdy friends kundi ang makasama sila. Bigla ko na lang maririnig ang mga makamundong usapan nila like kung sino ang unang *toooot* sa kin at kung sino ang unang magpapa *toot* sa kin. Dun ko natutunan ang ibig sabihin ng salitang bullying.

It doesn't need to be physical, or not just verbal abuse. When a person or a group makes the environment uncomfortable for someone, then, that's already Bullying.

Dumating pa sa point na hindi kami masyadong lumalabas ng room or pumupunta ng cafeteria, tiis gutom at ihi ang drama. Eww di ba. Kasi nga we try to be away from the bullies as often as possible. Pero di rin naman nagtagal, naka adjust na din ako. Well ADAPTATION is a more appropriate term. Mula sa isang pa virgin na hitad, naging isang fullgrown moth butterfly na ko. Kung nung una di ko nasasakyan o kaya ay nababastusan ako ang mga biro nila, ako na ang nagbibiro at nag iinitiate. Yung tipong bago pa man sila bumanat ng kabastusan eh, namanyak ko na muna sila. AHAHAHA. At up until now, we are all good friends. at ang tanging dasal ko sana sa iba, more than friends. lol

I can say na, liberated man ako today, it's part of a coping mechanism. And it is Positive in a certain way. It's either those bad experiences can turn you into a monster or you can use those to become a better, more beautiful being. Like me haha.

http://joyerickson.wordpress.com

At syempre pa, bullying can occur in almost all places. Meron tayong tinatawag na Cyberbullying. Kahit sa office o sa workplace. If a senior co-worker or officemate makes fun of a newbie or makes him feel like he is of lesser intelligence. Then that's bullying. Ang pagsingit sa pila ng ticket ng Mrt ay bullying din. Damn those senior citizens. haha

http://3.bp.blogspot.com


Actually even those poor, helpless-looking senior citizens are also bullies in their own rights. Naranasan ko minsan na maunahan sa pinara kong taxi ng dalawang matandang babae. I was shocked! pero all they did was to look at me and smile. Yung ngiting parang nagsasabing, OOPS matanda ako, alam mo na yan. Funny pero minsan irritating din. Minsan pa nga, yung mga moment na kapag nahanap mo na ang inner peace sa pagkakaupo sa MRT o kaya sa bus tapos may biglang tatayong matanda sa harap mo, na papaupuin mo naman pero walang tigil sa pag "TSK" para lalo kang mappressure. Nagawa na rin sa kin yun. 

I did not move, not even a single hair. All i did is i simply smiled back as if saying, mamatay ka dyan bitch! hahaha. CHARO...


OH LIFE. ^___^



now heres' a clip, na nakita mo na din for sure but inspired me to write this post. Thanks Ben!!


http://thesocietypages.org/




Sunday, June 12

6 There's a BUDOL-BUDOL in all of us

First of all,

isang malaki, naghuhumindig at mamawis-mawis na SORRY at PASINTABI sa mga friends nating NETWORKING Pro's. Pasintabi dahil BAKA ma-offend ka sa post kong to, at SORRY dahil itutuloy ko pa din. wakokebz.

i have nothing against Networking o kung ano pa man ang gusto nilang itawag dyan dahil hindi daw sila networking. Pyramidding, Networking, multi-level marketing o kung ano pang iba't ibang klaseng sales scheme. Nalilito talaga ako, o baka dahil sobrang konti lang ng difference nila, at isa pa, i really don't care.

Di ako galit sa kanila at lalong lalo naman na di ko sila sinisiraan. Actually mataas ang tingin ko sa kanila lalo na yung mga friends ko na malaki na ang kinita sa ganyang business. May nakabili na ng kotse, ng bahay, ng kotse ulit at nakapagpa profile pic na may hawak na maraming pera o check (post-dated). Yung isang friend ko nga noon i remember. Tumayo sya sa harap ko, umikot, sumide-view, tinignan ko sya head to foot at sabi nya "i'm proud to say, lahat ng suot ko at gamit ko, ako lang ang bumili nyan at lahat yan ay katas nito". Sabi ko naman, "woaaaaahhhhhhh WOW!!!! it's you already............................I don't care". haha charo.

Ilang taon na din ng mauso ang ganyang klaseng career. At lahat naman kami sa corporate o business ay aware na sa panahon ngayon, ang kita o pera ay nasa sales talaga, no doubt, maging networking man yan o simpleng direct selling tulad ng A-bon (avon).

To explain a bit, ganito yan:

http://animeacademy.informe.com/forum


Pyramidding - ayon sa wiki-kiki, once na naging member ka at nag invest, kailangan mong makapag recruit ulit ng dalawa (left at right) na mag iinvest. Pag nakapag recruit ka, may commision ka sa bawat PAIR (dalawa) na marerecruit mo.Pag isa lang wala kang commission, kung sa iba meron man. mas maliit. Kaya sya nagiging iligal dahil walang solid na product (oo lahat liquid potah ka, pilosopo) na binibenta o binibigay na kapalit ng na invest na pera. basta ganun. In short, kikita ka lang sa pag hikayat sa ibang tao na maging member. Actually ang kikita lang talaga ay ang mga boss na nagtayo ng pyramidding. kung sumali ka, you're just a tool honey.

Networking- See Pyramidding*

hahahahahahaha joke lang. halos pareho lang kasi. when it comes to the structure. ang kaibahan nga lang. sa networking may stable at marketable na product talaga. Pero sa aking opinyon, minsan, normal o super ordinaryong produkto lang yon na pinatungan ng super super patong kaya nagmahal at nagmukang big time.

Nagtataka ka na ba kung bakit sobramg bitter ocampo ko sa networking?

dahil dito,

nung isang araw yung officemate ko na tahimik at walang personality ay bigla na lang naging extrovert ng isang iglap. ayun pala may networking sya at inaaya nya kami. Sa dami ba naman ng na attendan ko na seminars (acting performances) ay alam na alam ko na ang kalakaran dyan. So di talaga ako interesado sa offer nya, yung isa ko pang officemate, sinabihan sya na "4 thousand?! para lang sa load? ay nako mag loload wallet na lang ako noh", yung isa naman "na hypnotize ka ba ng sindikato?", at sa twing aayain nya kami mag lunch o pag nagsesend sya ng calendar para makapag present sya sa min, lagi kaming busy hahaha. so ayun, naging ice-cold froglet tuloy sya sa min ngayon.

sabi ko nga madami na kong naattendan nyan, at ni isa wala pa kong sinalihan. bakit? kasi...

Isang araw na maaliwalas, blue sky, twitter birds all over at fresh air nang may biglang nag text. Ang isa sa aking super friend na matagal tagal ko na ding di nakita na miss na miss ko na talaga. Gusto nyang makipag meet sa kin. Gusto nya daw kasing magpatulong sa kanyang college presentation o thesis defense ata yun di ko na maalala. Naisip ko naman na siguro ako talaga ang naisip nya na hingan ng tulong dahil sa aking angking kakayahan, talino, abilidad, skill at kung ano ano pang shit na ako lang ang meron sa universe. Dun ako nagkamali.

Sa sobrang excited ko pang tulungan sya, at makita na din sya at the same time nang imbita pa ako ng isa pang kaibigan na magaling din (oo pareho kaming magaling) sa mga presentation. At di lang yan, dahil sa ang alam ko, sobrang big deal ito sa kanyang college education, we need to gather all the help we could get, PROFESSIONAL help of course. Samakatuwid, nag aya pa ako ng isa pang kaibigan. isang super professional na malayo na ang narating sa buhay na kahit natutulog o jumejerbs ay naka neck tie pa din. Ganun sya ka professional. laging on call.

http://manila-photos.blogspot.com/2009/06/island-life.html

Meeting place. Starbucks at Trinoma. dun sa taas. sa may garden na maraming ilaw at may fog at mist na hahalo sa lahat ng isusubo mo at hihithitin mo. dumating ako at ang friend ko on time. Tapos dumating na din ang friend ko na In-need ng professional advise. So beso, konting pakilala, more chika. nagkwento sya kung ano ang pinagkakaabalahan nya. Ayun nga daw, isang marketing company, may miracle product na nakakagaling ng lahat ng karamdaman ng tao pati na yung mga sakit sa pagiisip at sakit-sakitan, nagamot na nya. Lumipat kami sa loob para daw mas tahimik. Nang binuksan nya na ang bag nya wala ni isang thesis o draft ng kahit ano ang lumabas. puro mga brochure, at laminated presentation at picture ng kakasabi nya pa lang na product.

Sumama na ang pukiramdam ko. In short pumunta pala kami dun para anyayahan nyang sumali at mag invest sa business. Gusto nya daw ishare ang blessing sa iba. Gusto ko sana sabihan ang professional friend ko na wag nang tumuloy sa usapan namin pero it's too late, andyan na sya, humahangos pa galing sa pagmamadali. Malamang nag cram pa syang maka alis ng office para hindi ma late sa aming professional meeting/presentation. Dun ako nalungkot.

Sa madaling sabi kaming 3 ay nadenggoy. Natuwa din naman kami sa business proposal nya. Hindi na din masamang iconsider. Pero the FUCT remains na nagsinungaling sya sa kin. Which is turn off na kagad. right? right?

2nd instance naman, a long time no see no drink no party no drugs na friend ko ng college ang naka text ko. Pareho kami ng propesyon at mga interes. nabanggit nya bigla na meron daw nag offer sa kanya ng part time job o raket. Sinasali nya ko, i check daw namin. Ang akala ko naman, baka mag b-book keeping kami para sa isang maliit na company o kaya mag aayos ng tax nila o kung anu man. Sinundo nya ko sa office ko, byahe papuntang ortigas para pumunta sa mahiwagang office. Ayun, putcha, nadenggoy nanaman ako. Isa nanaman networking facility na may naguumapaw na green tea. Sa buong pag stay ko dun at pakikinig sa mga unggoy na nagpapatawa sa harap at paguulit ng mga linya na napakinggan ko na, (as in exact same lines, illustrations at jokes) ang na enjoy ko lang ay ang libreng juice/tea nila na masarap naman talaga infernes.
Mas gusto ko sana yun product nila, mas madaling ibenta. pero again, Naloko nanaman ako. i feel used. i feel betrayed. arte lang haha

Another instance, A friend invited us to go out clubbing. Treat daw ni boyfriend. Since may car si boyfriend, sinundo nya kami together with some other friends. sa aming byahe papunta kung saan, bigla na lang sila nag decide na mag drop by sa office ni boyfriend. In short isa na namang networking seminar ang natunghayan ko. winnur. Malapit ko ng ma memorize ang mga diagrams at examples nila.  The night ended at di pa rin kami napasali sa kanyang networking. Hindi nya na din kami nilibre haha. Infernes kay boyfriend, pangalawang networking nya na to.The first one ay sa isang Vitamin C company. Break na sila ni friendship ngayon. Naghanap ata ng girlfriend na mas magaling mag sales talk and last time i heard may bago nanaman syang networking.

now tell me, how come he didn't get rich? with the first one, and with the second? when in fact every networking company bears the same system. regardless of the product money will only depend on how many people you will be able to recruit. (umeenglish?)



Di naman sa pag gegeneralize ng mga networkers. There are some na talagang successful, pero di ko maiwasang magtanong kung hanggang kelan sila kikita ng ganun kalaki? panu kung kalahati na ng populasyon ng mundo ay na recruit mo na? at ang other half ay may sariling networking? panu na?

I also found out from a friend na nag networking before na this companies hire a group of people na magagaling na marketers to act or to represent the company as, take note, as their first millionaires. Syempre para nga naman mas convincing, dapat may makita ka ng proof na may yumaman na nga jan. I remember one time when i accidentally attended one of these. Yung nagsasalita sa harap ay isa daw sa mga top earners ng company, millions na daw ang kinita nya when, ALSO, according to them the company is like a month old. Are you guys shitting me? c'mon.....

Hindi kita dinidiscourage na sumali dyan. Go sumali ka! isali mo na din ang nanay mo, tatay mo, lola mo, tita ng boyfriend ng pinsan ng asawa ng inaanak ng katukayo mo. Pati ingrown mo isali mo na din. Malaya kang gawin ang gusto mo. Pero PUHH-LEAAASSSEE....... Huwag ka namang mag tag ng pictures ng mga produkto mo sa kung sino sino o kaya eh mag post sa wall nya ng video presetation nyo na hindi naman convincing lalo na't walang paalam at hindi naman kayo magkakilala. Isn't that annoying? Yung minsan pa mag memessage sayo na kahit isang common friend wala kayo tapos twing magrereply sa message ang iba pang mga biktima ay paulit ulit ka ding maiistorbo? nakakainis di ba?



at syempre, kung mag rerecruit naman kayo, wag nyo naman gamitan ng sobrang creativity at false representation ang pag aaya. Panu mo macoconvince ang isang tao na maging business partner mo kung in the first place hindi ka na kaagad totoo? Transparency beybe... Kasi last time i checked, ganyan ganyan din ang budol budol gang.

hehe peace y'all! tsup tsup mwah rape rape!

Monday, June 6

7 Ang mga Bading salot

Being a kid is probably the happiest, most memorable part of our lives (excluding the time you discovered orgasm, and the time you discovered orgasm with another kid ^___^). Yes, that is the time you'll probably choose to go back if given a chance. Well, to most of us, i think.


But growing up as a gay kid is a whole different story. it's more colorful and more action-packed. It's like seeing the world with 3d glasses.

however, it's one of the most excruciating phase a person can go through. It's a kind of life that you have to live solely by your own. Considered as Abnormal by a society who thinks being pale and colorless is beautiful and money a good judge of character.

http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=143153&start=2790


A little girl has her mom, whose willing to play with her dolls and is always excited to dress her up like one.
While all the gay kid has are the lifeless paper dolls he drew and cut, and his Lola's old warm blanket as his couture night gown.

A little boy has a Dad, who will always be there to teach him how to protect himself from bullies or to coach him how to get his crush' attention.
While for the gay kid, all he can do is to ignore those big kids and their unchildly misbehaviors, not having any chance to fight back, and his fellow gay friends to share the picture of the boy he fancies that he stole from the school yearbook.

Truth be told, a Gay person is cursed to live a life of plain inequality. To be judged, not in a beauty pageant but in their everyday living. To gain titles that are far from compliments. To be popular, like a newly discovered disease. 

And yet, like the cockroaches who survived the dinosaurs and nuclear attacks, their species have survived far enough that world domination is only a double backflip, triple-split away from their frenched-tipped hands. 

I think it's time to clear some things up bitches:

Gays does have a serious side. That's what my closet queen professor showed when he caught me and a friend talking during an exam.

Gays are good providers. not just for them, for their family. For their boyfriends, and for the boyfriends family.

Gays does not spend all their waking hours thinking of boys and sex! Wet dreams happens when you're asleep.

Gays are Talented and witty. We do have stand-up comics and all that shit. But we also have doctors and lawyers not to mention the police gays.

Gays are more resourceful than Men. Yes there are tons of parlor gays, but there are also boxer gays, basketball players, kargadors etcetera etcetera. Name it and we have everything, in gay version. Wait, are there any Parlor Boys?

Gays are good judge of characters. Of course. Try to be judged your whole life and i'm pretty sure you'll master it too.

Gays are not cowards. It's just that most of them are well-educated and they know the difference of what is cheap and classy.

Gays are Intellegent, uhm yes that's correct. enough said.

Gays are economically beneficial. About 92% of the queens are bringing home the bacon.

Gays can be good examples. Just look at spongebob squarepants.

and lastly, 

Gays are not always happy and gay. They are also, good citizens, responsible parents and God fearing people.



This post does not intend to offend anybody, nor to attack any of the hetero sexes. My only intention is to show what is equal and realistic (In my own point of view at least). Many gays have suffered and got killed. some due to discrimination and plain hate. Same as any other straight people who became victims to senseless murders. Gays are being treated same way the black people were treated before. Now look at them, they have beyonce and Obama. The gays already have Boy Abunda and have enough supplies of divas to last an eternity but no change has yet to be seen.

1 out of 10 men are gays. That's 10%. Same percentage of brain cells that fires up whenever (If ever) you use your brains.

The best way to change the world? Try not to change it to what you think it should be. That would make a difference.

http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?p=3006027

Sunday, June 5

2 Sh*t Happens

There's a saying:

when it rains, it pours (kahit na it floods na nowadays),

pero naniniwala ako,
when shhit happens, it pours too and slowly huh.

Yan ang tinatawag na IGIT,

IGIT [i-git]-

-noun

1. yung sshhit na sing labnaw ng utak ng baka, na gagapang sa iyong binti pababa na parang varicose veins.
2. common occurence ay tuwing nasa byahe, sa exams, o kung saan pang unexpected at di akmang mga sitwasyon. kadalasan mga importanteng okasyon.
3. traits- brightly colored [varies from bright brown, yellowish, pale green or deep grey, depending on your prior meal]; Mahirap pigilan dahil lumalabas ng pakonti konti, parang tsoko-tsoko. Bihirang umaabot sa CR, pag umabot man saumasabog at bumubulwak na hanggang sa tiles at dingding ng banyo ay kumakalat

http://www.missosology.info/forum/viewtopic.php?f=15&t=36515&start=0


and now you're completely grossed out, pero naka relate ka. wag kang virgin.

yeah this entry is about human waste hehe. Kumusta naman ang first entry ko sa aking new (newly renovated) blog.

just thought i need to come up with something out of the box, well sino ba namang maglalagay ng tae nila sa box. Naisip ko lang most ng mga previous entry ko ay laging pa-safe, malinis. Sa madumi naman tayo.

Naalala ko lang nung bata pa ko, oo promise naalala ko lang to. di pa ko nag aaral. yung mga panahon na dumedede pa ko sa bote at marunong pa ko kumagat ng tsupon, natae ako sa salawal. hahaha.Pero may isip na ko nyan. may pinapanood akong cartoons na hindi ko na maalala. Twing 9am ang skedyul ng palabas. sa mga ganitong oras dapat nakaligo na ko para tuloy tuloy na ko sa panonood tapos maglalaro na ko ng ofis ofisan ( oo yan ang laro ko nung bata ako, na kung alam ko lang matagal ko ng isinumpa).

Pero minsan isang araw, sa panonood ko ng cartoons, nakaramdam ako ng mahiwagang pakiramdam. Najejebs ako pero gustoooooong gusto ko munang tapusin ang palabas. Ito rin yung araw na na-late akong paliguan ng Mommy ko. Twing maliligo kasi ako, yun din ang skedyul ko ng toilet training. poo-poo muna tapos sisigaw ako ng , tapus na.... tapos huhugasan na ko diretso ligo.

pero that dreadful day, nasira ang sked ko. Pero kahit di pa ko nakakaligo di ito naging hadlang para di ko tapusin ang pinapanood ko. Kahit sa sumisirit na ang choko-choko, di pa rin ako tumayo sa kinauupuan ko at kasabay ay dumedede pa ko ng favorite kong milo. Ayun in short nagkalat ako. Pero ang moral of the story, natapos ko ang pinapanood ko. hehehe.

Lahat tayo ay may kwentong shit, tulad ng sa friend ko. Pauwi na sya ng Province noon, 1st year college ata sya, at dahil sa mahabang byahe sa bus inabutan sya ng di inaasahan. Buti na lang at may stop over sa gas station. she's saved, NOT!! tulad nga ng nakasulat sa Definition ko sa itaas, hindi ito umaabot sa CR, umabot man rare intances lang yon. Samakatuwid habang kumakandirit sya papunta sa dugyot na CR ng cheapanggang gas station ay nararamdaman nya na ang mainit na igit na gumagapang sa kanyang binti pababa. Ang twist pa jan, naka skinny jeans pa sya nung araw na yun (di naman sya skinny jeans person pero most ng pantalon na sinusuot nya ay nagiging skinny jeans). kaya ayun di na ito magagawan ng paraan ng simpleng wishy-washy. Totally destroyed ang kanyang panty at pants. Buti na lang at mahal pa din sya ni Lord, yung store ng gas station ay katabing katabi lang ng CR at weirdo man eh meron silang tindang pantalon at underwear. (siguro hindi sya ang unang taong nakaranas ng ganito sa gas station na yun. Hindi na nya nakwento kung pano nya nakuha ang pansin ng tindera mula sa pinto ng cr, di ko na rin inaalam. Yung mga ganung ala-ala dapat ay di na sinasariwa. dapat dun ay inilalathala, tulad ng ginagawa ko ngayon hehe.

may classmate naman ako ng elementary, grade 2 ata. Yun yung transition mula sa shorts papuntang pants. At sadly isa sya sa mga naiwanan na naka suot ng Pukishorts. Isang araw natae sya. Pero solid naman ang kanya kahit papano kaya hindi masyadong kumalat. humulma nga lang ito sa espasyo ng kanyang pwet at upuan. Panu ko nalaman ang itsura? nakita ko syempre. napansin na namin ng mga clasmate kong tsismosang froglets ang pagiging moody nya. Kakaiba sa pangkaraniwan. di rin sya tumatayo di tulad ng mga nakaraang araw na bukod sa noisy list eh nagkaroon pa kami ng N.I.P.S. o not in proper seat list kasi tayo sya ng tayo at upo ng upo kung saan saan. Pagka bell na pagka bell, nagmamadali naman syang tumayo patakbo sa gate, syempre kami hinabol namin sya para makakuha ng karagdagang datos. Ayun nagulantang na lang kaming lahat ng may nalaglag na hiyas sa kanyang shorts, may usok usok pa. Tumalbog at gumulong gulong pa. lumingon sya pabalik pero huli na ang lahat, tumambad na sa amin ang iniingatan nyang kayamanan, at mainit init pa. Di na sya pumasok nung hapon. Kinabukasan naman, parang wala lang nangyari pero hindi ko makakalimutan ang nasaksihan ko. Kung babalikan ko ang pangyayaring yun siguro sinuggest ko na kunin yon at ilagay sa museum o kaya pinicturan ko para mailagay ko sa blog ko 13 years after.

Kung alam ko lang.

marami pa kong kwentong shet, maraming marami pa kaso nauumay na din ako. I'm sure ikaw din may sariling kwento, magkaiba lang ng lugar at sitwasyon pero pareparehong nakakahiya at nakakatawa.

Dahil jan, hanggang dito na lang at baka maabutan nanaman ako ng Igit. this time hindi dahil sa cartoons kundi sa blogpost na di ko matapos tapos. ^_____^

http://areyoureadykids.multiply.com/photos/album/20/My_lil_bro._HAHA.#

Monday, May 30

5 Byaheng Badtrip

http://akosiroj.blogspot.com/2010/12/never-ride-mrt-during-rush-hour-with.html


Isa ko sa libo-libong nag b-byahe araw-araw. 
At bongga pa dyan, sa everyday kong pagpasok, lahat ata ng ng modes of transportation ay nasasakyan ko going back and forth. Tricycle palabas, jeep papuntang EDSA, Bus papuntang MRT at MRT hanggang Shaw, tapos lakad. Reverse and return pag pauwi. Oh di ba, kulang na lang, mag jet ski ako papasok o kaya maghintay ng promo ng CebuPac bago pumasok.

pero sa mga panahong nauumaay ako sa paghithit ng usok ng EDSA, sirang escalator ng MRT, haggard na Trike at jeep, paulit ulit na movie sa bus o kaya pang linggong music na uso nung sperm pa lang ako at amoy ng bagong lutong mani na pinapasok ng vendor sa bus, nag tataxi na lang ako. kaso nga lang tumataginting na 220 to 270 pesos ang binabayad ko from bahay to ofis. One-way lang yan ha. 

At simula din ng ako ay na-Hold-up, naging madalas ang pag tataxi ko lalo na pag umuuwi ng dis oras ng gabi (yan ay kung umuuwi nga).

Sa tagal ko nang nag bbyahe, madami na din akong naipon na mga karanasan sa bawat pagsakay ko. Andyan yang si Manong tricycle na kapag gabi ako sumasakay ay laging kulang ng piso ang sukli lalo na't nagmamadali akong sumakay. May night shift incentive ata ang singil nya pag gabi. Si manong Jeepney na nag to-Tokyo drift kapag umiikot na kami sa monumento circle. At ang mga Midnight bus na mahilig magpalipat sa ibang bus o magpababa pag konti na lang ang pasahero. Andyan din ang may hinohold-up na lasing sa harap ko ng minsang sumakay ako sa ordinary bus ng 4am ng madaling araw. Pero above all, unique na unique experience pa rin ang mga karanasan ko sa taxi. Mas personal kasi dahil nga ako lang naman kadalasan ang sakay.

http://article.wn.com/view/2010/11/18/Recto_proposes_new_EDSA_to_ease_Metro_Manila_traffic/

Taxi number 1.

1 year ago. mag aalas syete ng gabi. Malakas ang ulan. may bagyo noon pero nakalimutan ko na kung aling bagyo. Umalis ako sa bahay na naguumpisa ng kumulog at kumidlat. madilim ang ulap. Yung tipong hindi titigil hanggat di rin nag sswimming ang mga balakubak mo. Napagisipan ko nang mag taxi. Kahit na ilang blocks lang ang layo namin sa garahe ng 2 taxi company, ang mga ganitong oras ay challenge talaga sa paghanap ng masasakyang taxi. Garahe moment kasi kadalasan. Swerte na paglabas ko sa kalsada may taxi na pumara. R&E kung di ako nagkakamali.  Mukha naman mabait si kuya dahil kamuka nya si Mara kaya kahit na kakarag karag ang taxi nya, kampante pa din akong sumakay. Ayoko din naman kasing mabasa ulit ng ulan tulad ng naunang araw na pati napkin ko ay soaking wet. Along edsa, sobrang lakas pa din ng ulan at dahil na din sa mga basurang nakakalat sa mga kalsada, bumabaha na din sa gawing ito. Sa may MCU nagsimula ng dumami ang mga sasakyan. Umikot na kami sa monumento circle ng mangyari ang di inaasahan, NAMATAYAN NG MAKINA ang taxi nyang pang carshow. Hindi ako masyadong nag panic kahit na sa kalagitnaan ng mabibilis at naggigitgitang mga sasakyan at napakalakas na ulan pa kami tumirik. Maya maya, Blag! may FX na sumanggi sa likuran namin, Naalog ako at nalaglag ang celfone sa kamay ko. shotanginames, dun na ko nagsimulang makaramdam ng panic. umalis din naman kagad ang FX, siguro dahil na din wala naman masyadong damage sa mga sasakyan nilang pareho. Sinubukan ulit ni Kuya na i-start ang makina, umandar naman. Hay salamat, ang sabi ko sa isip ko. muntik na tayo dun kuya. Pero napansin ko na Pokerface pa din sya, yun pala nawalan daw kami ng preno. Kala ko char nya lang, ng maya maya ay sa isang pampasaherong jeep naman kami bumangga. Nakita ko na nagulat at nagalit ang mga sakay ng jeep at malamang pati yung driver. sumenyas na lang si kuya at umusad ng konti yung jeep pero hindi kagad umalis. inistart nya ulit ang makina, andar, Blag bangga ulit sa jeep. di nagtagal na gets na din ng mga pasahero at ng driver na nawalan kami ng preno. Star of the street kami ng mga panahong yun. At kahit siguro gusto kaming tulungan ng mga ibang driver o tao sa paligid (which is wala naman kasi nga nasa gitna kami ng EDSA duh). wala din makakalapit dahil sa lakas ng ulan. Mula monumento hanggang LRT station nasa 8 beses kaming tumirik at nawalan ng preno. sobrang himala na lang na hindi na kami bumangga at nakarating ako sa station ng buo kahit medyo hilo. Actually nang makakita ko ng silong nagabot ako ng bayad at bumaba kagad, hindi ko na kinuha ang sukli ko. Isa yun sa mga pinaka nakakatakot na experience ko sa kalsada.



 Taxi number 2

same time ulit. Mga alas-otso naman ng gabi ng maisipan kong mag taxi na lang dahil malapit na kong ma-late. Pumara ko ng isa nanamang company taxi. Swerte pa nga dahil Vios ang gamit nya kaya siguradong comfy at malakas ang aircon.

Sa malayo pa lang nakita ko na may sakay na syang isa pang kapwa taxi driver nya. Sanay naman na ko sa ganito. Kadalasan kasi twing bbyahe sila nakikisabay na ang mga kasamahan nilang driver palabas sa hi-way. "ser san po kayo?", "lrt po". Hanggang sa bumaba na yung nakisakay na driver. napansin ko na nasa gitnang lane sya meaning didiretso ito papunta ng North edsa at hindi pa monumento. Sabi ko " Kuya, sa L-R-T po ako ah, hindi po M-R-T". "ah L-R-T ba?" sabay kabig pa kaliwa at liko papuntang south bound. Naramdaman ko na ang pagkadismaya ni Kuya. North ata ang gusto nyang tahaking way. Nagsimula na syang mag "TSK" ng napakaraming beses. Nairita ako pero deadma lang. Kakalampas lang namin sa SSS ng biglang nagsalita si kuya, "nako, nakalimutan ko tataya nga pala ako ng LOTTO". Tinignan ko lang sya. "Lipat ka na lang, ibababa na lang kita sa gilid". Na-confuse ako at kumulo ang dugo. Sabi ko " eh kuya, LRT lang naman po ako, malapit na yun". sabi nya "eh tataya pa kasi ako ng lotto, akala ko kasi Pa-mrt ka, dun kasi ako tataya, ibaba na lang kita jan sa gilid". Sagot ko na may halo ng inis "Kaya nga PO ako nag taxi kasi nagmamadali na ko tapos ibaba mo ko, lalo akong ma-lalate nyan eh". Sabi nya " ay hindi bababa na lang kita, kailangan ko kasi talagang tumaya ng Lotto, Oh dyan kita bababa ha, at least safe jan kita mo naman".


At dun nya ko binaba sa madilim na harap ng isang saradong talyer na mukang hide-out ng mga snatcher kapag quota na sila. bago ako bumaba sabi ko, "Hindi ko ho kayo babayaran". Ang sabi pa nya, "ah sige ok lang sa kin kahit di mo ko bayaran, kahit halos malapit ka na din makarating. Sayang lang krudo ko ang narinig ko kasi sayo MRT". Sa tono ng pananalita nya, parang kasalanan ko pa na nagkamali sya ng pandinig, na kasalanan ko din kapag di sya nakataya ng Lotto at utang na loob ko na nakarating ako HALFWAY at ngayon naghihintay ako sa gitna ng madilim na edsa ng kahit anong masasakyan maunahan ko lang ang mga holdupper na naka skedyul sa kin ng gabing yon. Sa pagbaba ko, at habang papalayo sya sa kinatatayuan ko, hiniling ko sa lahat ng santo pati na kay Sanrio na sana, manalo sya sa LOTTO ng hindi bababa sa 360 million pesos at maririnig nya ito sa kanyang car radio, at sa excitement susuot sya sa ilalim ng 10-wheeler truck. Durog ang bungo, talsik utak, ang eyeball gugulong gulong pa. 

Taxi number 3

galing ako sa isang event namin sa office. Family day kung saan ako ang nag host. hapon na yun ng makauwi ako. sobrang pagod at nalipasan ng gutom ng araw na yon. Ang balak ko talaga ay mag bu-bus na lang ako, pero dahil paulan na ng hapon na yon, napagpasyahan ko na magtaxi na lang. Pag sakay ko, sinabi ko kagad kay manong kung saan ako nakatira. Wala naman na syang masyadong tanong dhail mukang alam nya na ang lugar namin. Usually kapag nagtataxi ako, nag U-uturn kami sa balintawak tapos pa quirino hi-way. Pero nagulat ako ng kumanan si kuya, gawing pa NLEX. di naman ako nagimbal dahil may isa pang madalas ding daanan dun, Yung flyover bago ka dumiretso ng NLEX. After namin mag fullturn sa balintawak, biglang sabi nya, "di ba may lusutan dun sa ilalim yung diretso na sa inyo ang daan?". nag tetext ako ng mga panahong yun kaya di ko kaagad naintindihan ang sinabi nya. nagulat na lang ako ng lumagpas na kami sa Flyover. Naisip ko nga na may daan sa ilalim pero ang alam ko matagal na yun sinara. Naisip ko na baka nga binuksan na ulit at syempre taxi driver sya kaya in-assume ko na alam nya ang kalsada. 

Sa kasamaang palad, sarado ang bwakanangbitch na shortcut na gusto nyang puntahan. Gumuho ang mundo ko. Kung taga sa min ka, alam mo na kaagad ang ibig sabihin nito. Pag lumagpas ka dito ibig sabihin tuloy tuloy ka na papuntang NLEX tuloy tuloy sa BULACAN! SHET di ba, BULACAN dude... BULACAN NA YUN. My gosh. Ilang minuto din akong speechless. dun ko lang naramdaman ang salitang Helpless. Si manong driver naman walang tigil sa pagsasalita. At worse, P.I. ako pa ang sinisisi nya dahil daw di ko sya pinigilan kaya daw nagtuloy tuloy sya.

Pag dating sa TOLL, ang walanghiyang driver, hiningan pa ko ng pambayad. Sa inis ko ang sabi ko, "wala akong Pera, wala akong barya". Sabi nya, "ay bahala ka, wala akong ilalabas dyan". sabay bitaw sa manibela na parang wala talaga syang balak magmaneho hanggat di ako nagbibigay ng pang-toll. Sa kawalan ng choice nag abot na din ako ng 40 php. Ang Hardcore pa dyan, pagkalagpas namin sa toll, tinanong nya pa ko " anu ser gusto nyong gawin, ibabalik ko pa ba?"

Ang talino ng driver, Sabi ko "anong gusto mo kuya, ibababa mo ko sa gitna ng NLEX?", di sya umimik. right then and there gusto ko ng mag teleport o kaya makatulog forever. Di ko alam ang gagawin, gusto kong magalit pero wala rin namang point magalit.Aware naman ako na taktika lang nya yun para humaba ang byahe namin. kasi nga naman 60 pesos lang talaga ang layo ng i-bbyahe ko. Nakulangan siguro sya. Di ko alam kung san kami lumusot, basta ang alam ko nakarating pa kami ng Talipapa o novaliches tapos Baesa ang labas namin. Nang makarating kami sa lugar ko, tumataginting na 350 ang metro ko. Nakayuko lang yung driver ng huminto kami, kumuha ako ng 350, inabot sa kanya at magalang na sinabing Salamat po kuya, Ingat po.

di ko na yun kinwento sa bahay, pinatawad ko na lang sya. sabi ko na lang, Diyos na ang bahala sa kanya. Kung tutuusin barya pa din yung binayad ko sa kanya. Di ko yon ikakayaman. Ang cheap na para lang dun, manloloko ako ng tao. WIT ko like.

Taxi number 4

eto naman nung sunday night lang nangyari. Nagkita kami ng ilang friends para manood ng Kungfu Panda 2 na di rin naman kami nakanood dahil box office talaga. After namin kumain at magkape, napagpasyahan naming magpalipas ng ulirat sa Central sa may pasong tamo. Andaming lalaki. Ang saya saya. pati yung bouncer kamukha ni Vin diesel. May mga nakilala pa kaming new guy friends, na syempre free drinks. I'm so full of charm talaga i hate it. Kaso sa kalagitnaan ng kasiyahan eh nalasing ang friend ko. At dahil nagsisimula na ding maging manyakis ang kasama nilang gremlin minabuti naming umuwi na. Good thing na sa labas mismo ng central ay madami nang naghihintay na mga taxi. So after ko syang maisakay, sumakay na din ako sa kasunod na taxi. Mabait si kuya. super smile. kahit malayo ang uuwian ko, sinakay nya pa din ako kahit na tinanggihan na ko ng naunang taxi. Ni hindi rin sya nagpadagdag or kumontrata. Sa isip ko pa, Pagpalain ka sana Kuyang driver. chumika chika pa kami ng konti. Maya maya tumahimik na din kami. Hindi ako tinamaan sa aming drinking session dahil likas na malakas ang aking alcohol tolerance (tama ba ang term ko?). Pero since mahilig naman talaga akong mantrip at madalas naman mapagkamalang nakainom, siguro akala ni Koya ay tipsy na ang lola mo. Napansin ko na hindi nya inaalis ang kamay nya sa Kambyo. Di ko tuloy makita ang metro. Kahit na madilim naaaninag ko na ang porma ng kamay nya ay diretso at parang may pinipindot sa meter ang kanyang index finger pero di mo ito matatanaw kung di mo titignan ng pa sideways. Naaninag ko na 53 ang metro ko. medyo mataas na kaagad considering sandali pa lang kamin umaandar, nang maaninag ko ulit aba! 80 sumthing na ito. Dun na ko nagsimulang magduda. sinubukan ko ulit obserbahan ang metro. Nakita ko ulit na mula sa 90 tumalon ito papuntang 105 or somehting close to that. Ang sabi ko kagad, Kuya parang ambilis ng metro mo ah. Agad inalis ng driver ang kamay nya sa kambyo, Guilty ampotah. Ang excuse nya, nako ser, calibrated na kasi yan, lahat na ng taxi ngayon calibrated na kaya medyo tumaas na ang singil at nag bibigay po ako ng resibo Ser, sabay ngising aso. Ang sagot ko na lang, "ah talaga?? ganun pala" with matching sarcastic tone. pero gusto ko talagang sabihin na "putangina mo pala eh, araw araw akong nagtataxi kupal  ka!". Naisip ko na pagbigyan ko na lang muna sya, tutal bumalik na sa normal ang bilis ng metro nya at medyo malayo pa din ako sa amin. Pag inaway ko sya baka ibaba nanaman ako at this time sa gitna ng island ako ibaba. 

Maya maya, after ng matagal na katahimikan binalik nanaman nya ang kamay nya sa kambyo. In short, bumibilis nanaman ang metro, Umubo ako, at inalis nya ulit. binalik nya nanaman at this time kahit ang ubo ko ay parang may stage 7 na ng tuberculosis, deadma lang si kuya. may i-dutdot pa din sya sa kung san man sya pumipindot. Sobrang kapal ng mukha.


This time nabwisit na talaga ako. Nag flashback pa sa kin lahat ng kawalangyaan ng mga taxing nasakyan ko. Sabi ko oras na ng paghihiganti. Nang malapit na kong bumaba, kinuha ko ang aking trustee pepper spray. Binayaran ko pa din sya ng buo, may sobra pang 10 piso. at with all smiles, sabi ko, thank you po ah. ingat. 

Paglapat ng aking dalawang stilettos sa labas ng taxi in-execute ko na ang aking plano, ini-sprayan ko ng pepper spray ang pintuan nya. malapit sa handle, sbay sara. habang naglalakad ako papalayo na parang si beyonce sa crazy in love, naiimagine ko na ang mangyayari sa kanya. di sya makakatagal sa loob, at malamang di na sya makabyahe ng buong gabi at sa ilang sumunod pang araw. nakapag spray ako ng ga-tuldok dati sa kwarto ko ng pepper spray. isang linggo akong hindi nakatulog doon dahil sa suffocation. paniguradong ganun din sya. 

Alam ko naman na masamang maghiganti. pero sobra na, at sabihin na din nating naimpluwensyahan ako ni badtrip at ni bad boy. :)

Shiyet, it's liberating. Alam ko bad yun pero di mo rin naman ako masisisi.

Kaya ang advice ko sa inyo, maging mapagmatyag at vigilante. Wag magpapaloko sa magugulang na driver.

nakakaawa lang sila lalo na't alam mo na mamamatay pa din silang mahirap.



Kaya ngayon nagpasya na ko na kukuha na ko ng kotse. Matagal na kong inuudyukan na bumili ng sariling kong car pero ayoko kasing magdrive.

sabi ko na lang kukuha na lang din ako ng driver. Ok na din yun para iwas na sa mga ganyang insidente,
kung hindi man kotse ok na din kahit motor lang. at least mabilis pa.

Basta ang request ko lang, sya ang driver ko :)






  
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=502747&page=159