There's a saying:
when it rains, it pours (kahit na it floods na nowadays),
pero naniniwala ako,
when shhit happens, it pours too and slowly huh.
Yan ang tinatawag na IGIT,
IGIT [i-git]-
-noun
1. yung sshhit na sing labnaw ng utak ng baka, na gagapang sa iyong binti pababa na parang varicose veins.
2. common occurence ay tuwing nasa byahe, sa exams, o kung saan pang unexpected at di akmang mga sitwasyon. kadalasan mga importanteng okasyon.
3. traits- brightly colored [varies from bright brown, yellowish, pale green or deep grey, depending on your prior meal]; Mahirap pigilan dahil lumalabas ng pakonti konti, parang tsoko-tsoko. Bihirang umaabot sa CR, pag umabot man saumasabog at bumubulwak na hanggang sa tiles at dingding ng banyo ay kumakalat
http://www.missosology.info/forum/viewtopic.php?f=15&t=36515&start=0 |
and now you're completely grossed out, pero naka relate ka. wag kang virgin.
yeah this entry is about human waste hehe. Kumusta naman ang first entry ko sa aking new (newly renovated) blog.
just thought i need to come up with something out of the box, well sino ba namang maglalagay ng tae nila sa box. Naisip ko lang most ng mga previous entry ko ay laging pa-safe, malinis. Sa madumi naman tayo.
Naalala ko lang nung bata pa ko, oo promise naalala ko lang to. di pa ko nag aaral. yung mga panahon na dumedede pa ko sa bote at marunong pa ko kumagat ng tsupon, natae ako sa salawal. hahaha.Pero may isip na ko nyan. may pinapanood akong cartoons na hindi ko na maalala. Twing 9am ang skedyul ng palabas. sa mga ganitong oras dapat nakaligo na ko para tuloy tuloy na ko sa panonood tapos maglalaro na ko ng ofis ofisan ( oo yan ang laro ko nung bata ako, na kung alam ko lang matagal ko ng isinumpa).
Pero minsan isang araw, sa panonood ko ng cartoons, nakaramdam ako ng mahiwagang pakiramdam. Najejebs ako pero gustoooooong gusto ko munang tapusin ang palabas. Ito rin yung araw na na-late akong paliguan ng Mommy ko. Twing maliligo kasi ako, yun din ang skedyul ko ng toilet training. poo-poo muna tapos sisigaw ako ng , tapus na.... tapos huhugasan na ko diretso ligo.
pero that dreadful day, nasira ang sked ko. Pero kahit di pa ko nakakaligo di ito naging hadlang para di ko tapusin ang pinapanood ko. Kahit sa sumisirit na ang choko-choko, di pa rin ako tumayo sa kinauupuan ko at kasabay ay dumedede pa ko ng favorite kong milo. Ayun in short nagkalat ako. Pero ang moral of the story, natapos ko ang pinapanood ko. hehehe.
Lahat tayo ay may kwentong shit, tulad ng sa friend ko. Pauwi na sya ng Province noon, 1st year college ata sya, at dahil sa mahabang byahe sa bus inabutan sya ng di inaasahan. Buti na lang at may stop over sa gas station. she's saved, NOT!! tulad nga ng nakasulat sa Definition ko sa itaas, hindi ito umaabot sa CR, umabot man rare intances lang yon. Samakatuwid habang kumakandirit sya papunta sa dugyot na CR ng cheapanggang gas station ay nararamdaman nya na ang mainit na igit na gumagapang sa kanyang binti pababa. Ang twist pa jan, naka skinny jeans pa sya nung araw na yun (di naman sya skinny jeans person pero most ng pantalon na sinusuot nya ay nagiging skinny jeans). kaya ayun di na ito magagawan ng paraan ng simpleng wishy-washy. Totally destroyed ang kanyang panty at pants. Buti na lang at mahal pa din sya ni Lord, yung store ng gas station ay katabing katabi lang ng CR at weirdo man eh meron silang tindang pantalon at underwear. (siguro hindi sya ang unang taong nakaranas ng ganito sa gas station na yun. Hindi na nya nakwento kung pano nya nakuha ang pansin ng tindera mula sa pinto ng cr, di ko na rin inaalam. Yung mga ganung ala-ala dapat ay di na sinasariwa. dapat dun ay inilalathala, tulad ng ginagawa ko ngayon hehe.
may classmate naman ako ng elementary, grade 2 ata. Yun yung transition mula sa shorts papuntang pants. At sadly isa sya sa mga naiwanan na naka suot ng Pukishorts. Isang araw natae sya. Pero solid naman ang kanya kahit papano kaya hindi masyadong kumalat. humulma nga lang ito sa espasyo ng kanyang pwet at upuan. Panu ko nalaman ang itsura? nakita ko syempre. napansin na namin ng mga clasmate kong tsismosang froglets ang pagiging moody nya. Kakaiba sa pangkaraniwan. di rin sya tumatayo di tulad ng mga nakaraang araw na bukod sa noisy list eh nagkaroon pa kami ng N.I.P.S. o not in proper seat list kasi tayo sya ng tayo at upo ng upo kung saan saan. Pagka bell na pagka bell, nagmamadali naman syang tumayo patakbo sa gate, syempre kami hinabol namin sya para makakuha ng karagdagang datos. Ayun nagulantang na lang kaming lahat ng may nalaglag na hiyas sa kanyang shorts, may usok usok pa. Tumalbog at gumulong gulong pa. lumingon sya pabalik pero huli na ang lahat, tumambad na sa amin ang iniingatan nyang kayamanan, at mainit init pa. Di na sya pumasok nung hapon. Kinabukasan naman, parang wala lang nangyari pero hindi ko makakalimutan ang nasaksihan ko. Kung babalikan ko ang pangyayaring yun siguro sinuggest ko na kunin yon at ilagay sa museum o kaya pinicturan ko para mailagay ko sa blog ko 13 years after.
Kung alam ko lang.
marami pa kong kwentong shet, maraming marami pa kaso nauumay na din ako. I'm sure ikaw din may sariling kwento, magkaiba lang ng lugar at sitwasyon pero pareparehong nakakahiya at nakakatawa.
Dahil jan, hanggang dito na lang at baka maabutan nanaman ako ng Igit. this time hindi dahil sa cartoons kundi sa blogpost na di ko matapos tapos. ^_____^
http://areyoureadykids.multiply.com/photos/album/20/My_lil_bro._HAHA.# |
I lost 10 lbs just by reading this entry! woohoo!
ReplyDelete