Oh Sorry na.....
Matagal tagal na din akong hindi nag blog. wala kasi akong masabing masaya kaya di na muna ko nagsulat.
Inumpisahan ko ang blog na to bilang isang outlet. Yung mga hindi ko masabi in real life pinopost ko na lang.
pero lately, pinipili ko na lang ang mga sinusulat ko dito. Yung masaya lang, yung light medyo kwela.
Pag malungkot kasi baka mapagkamalan akong baklang emo. Kadiri lang di ba.
nakakatawa na we can get inspiration pala from different things and situations, not just the happy ones. Pag wala kasi akong masulat naghahanap ako ng enjoyment sa pagaakalang ma iinspire ako. Ayun, umuuwi lang akong wasted at unproductive. letch.
Pero ngayon kakauwi ko lang galing sa hanggang umagang gimik. Biglaan kasi akong naaya ng friend ko, kasama nya mga officemates nya. Puro lalaki so tatanggi pa ba ko sa grasya. Nagkita kami ng isa pang friend sa timog, tapos lumipat sa isang private party somewhere in Banawe (cool place, jologs people). Tapos kumain ng lugaw sa may greenfield, tapos nag chicago. Good thing may car silang dala kaya madali ang pag travel.
Pinakilala sila sa min at ang unang napansin ko ay ang driver. Sya din ang owner ng wheels. Maliit lang sya pero cutie. nagkatinginan kami, ngumiti sya........ at nainlove ako. I'm so pekp*k lang di ba. Sakit ko na ata yun, ang mainlove sa first five seconds ng pagkikita. Kaya pag sumasakay ako ng MRT, sampung beses ata ako naiinlove, sa may cubao station pa lang yan ha, kahit ata poste ng meralco na maganda ang tindig ay natitipuhan ko hahaha.
Itago na lang natin sya sa pangalang Jason. Unfortunately, ang dear friend ko na makati pa sa buning na marinate sa tubig baha sa may kanto ng palengke sa malabon ay type din pala si kuya. In a very fair and ladylike manner, we decided to settle things with a game of BATO BATO PIK! PAK ka jan.
Best of 5, magkamatayan na. The winner gets the guy. That simple. At syempre...... Panalo ko sa score na 5-0. Buti nga sa kanya. Kaya naman bumwelo na ko at nag stretching. Nag warm-up na ko ng aking eyelashes na may split end pa at ang aking wet and chappy lips. Ready-set-attack.
Pero napatagal ata ang warming up ko, ayun naunahan na ko ng hitad. May i dance na sya kay kuya in the tune of waka waka and Beybe by Justin Beyber. Mandurugas. Ganid. Sakim. Hayok. In short Sumpa. Matapos pa kitang sunduin sa SM north ganyan ang gagawin mo sa kin. Kung alam ko lang niligaw na kita. hahaha. Pero dahil birds of the same feather ay the same birds, di na ko kumembot. Give way na lang me. hehehe.
Di ko na idedetalye ang mga kahalayang naganap ng gabing yon. Ayoko na ding alalahanin. Basta maharot at makirot sa puso.
Lingid sa aking knowledge, ang isa sa mga boylet pala na kasama namin ay isa ring sanggre. Yep, green blooded reptilia na nagtatago sa mga dahon ng water hyacinth na bumabara sa ilog. Well, di naman sya tago, di ko lang talaga nahalata. Binulong sa kin ng friend ko at sinabi nya din na ito palang si sisterette ay may matagal ng HD kay Papa driver. At dahil sa ginagawang kahalayan ng ex-friend ko, lubusan pala syang nasasaktan. Gusto nya atang sabayan si Rachelle Ann Go sa pagkanta ng I'd rather leave while I'm in love.
Agaw eksena lang di ba. Ako tong nagiinarte dahil naagawan yun naman pala mas may nagiinarte sa isang tabi. Pero seryoso, i feel for him. Alam ko ang pinagdadaanan nya. Syempre maalam ako eh. Haha. So konting kwentuhan at sharing nalaman ko ang buong kwento. Nakilala ko din sya lalo. Mga past relationships nya, mga heartbreaks and many more. At lalo akong nalungkot para sa kanya.
Sa paguusap namin, halos maubusan na ata ako ng mga words of encouragement para mapagaan ang loob nya. Malungkot man isipin hanggang dun lang naman ata ang kaya kong ibahagi para makatulong sa pinagdadaanan nya. Hanggang salita lang. Hanggang walang kamatayan na "Okay lang yan, ganun talaga".
Sa gitna pa ng paguusap namin, Ilang beses ko ding nabanggit na "Fate ata talaga natin yan". Infernes madami din naman akong nasabi sa kanyang magagandang advice. Forte ko na ata yon, ang magbigay ng advice sa mga problema ng may problema. Matapos ng maikling pagkkwentuhan namin, kahit papano naramdaman ko naman na napagaan ko ang loob nya. Hopefully naiwan ko ang pakiramdam na kahit papano, may nakakaintindi sa pinagdadaanan mo.
Pagkauwi ko, madami akong narealize at nalungkot ako ng very very nice (copied from Glentot! mwachupah). Ganun kasi ako, pag may problema ang isang kaibigan namomoblema din ako. Pag nasasaktan sila, nasasaktan din ako. Ganun ang kaibigan di ba, kaya nga pag may kaaway o kagalit sila diba nakikisawsaw tayo lagi. Kung hindi tayo nanggagatong, kasama tayo sa nagiisip ng isang diabolical plan para mapatumba ang kalaban. hehe. That's what are friends are four.
Feeling ko kaya ako nalungkot dahil nakita ko ang sarili ko sa kanya. Yung mga problema nya at pinagdaanan nya, Pinagdaanan ko din. At kahit anong galing ng advice ko sa kanya, di ko pa din maapply yun sa sarili ko. Badtrip.
Siguro kailangan umalis muna ng kaluluwa ko (kung meron pa) sa aking sexy hot sizzling boodey para makita ko si Ako in a 3rd party perspective at mabigyan si Ako ng bonggang bonggang advice at comfort. yes, comfort yan ang kailangan ko ngayon na ang hirap hirap makuha sa mga taong iniexpect mo. hehe.
Kaya tulad nga ng status ko sa Fezbuk, " I need a break...but not the Kitkat".
I don't want to go, really.
But now,
it's like I never wana go back here,
not anymore.
EMO... ewwwiieeee hahahahahaha