Yup, buhay pa ko. And yes, my blog will live on!
Salamat sa iilan kong readers, kahit konti lang kayo at kahit alam kong kalahati sa inyo ay mga kaaway ko in real life at sumusubaybay lang para alamin kung tinitira ko kayo sa blog. Maraming Salamat pa din.
I wasn't able to publish anything due to major happenings in my life. Recent Happenings yes. Kasalukuyan kasi akong nasa malayong lugar. Tama ang hula mo Facebook friend. Andito ako sa U of S of A. at hanggang ngayon, ay wala pa ding gumagalaw sa kin (maliban na lang nung muntik akong ma-rape sa isang bar 3 weeks ago pero sa ibang post na lang k?) kaya malayo pa ko sa chansang magkamit ng green card.
Napasulat lang ako all of a sudden kasi Finally! nagkaron na din ako ng google+ account. I know, I know i'm so ewweee dahil ngaun lang ako nagkaron nun, but i still feel honored. Buti na lang at nadaan ko sa pilit si Kristian na padalhan ako ng invite.
So, while i was browsing it, i noticed, it's very similar to facebook. So hindi na ko nahirapan masyado na mag navigate. I can say, it's actually very user-friendly... or so i thought.
unlike Facebook hindi ka makakapaghanap ng account ng crush mo o kaya ng cute na aksidente mong nakita ang name. Walang random search. Kailangan alam mo ang email nya. But of course, you can always send invites, kaso nga lang may limit. Only up to 150. so hindi ako sigurado kung yun na ba ang maximum na pwede mo i-add.
since it's new, madami din silang nilagay na mga bagong features. Sa aking understanding, if you are coming up with a not so original idea, you're goal is to have the same kind of thing the original already has o kaya eh come up with additional perks na wala sila. ayun ang perfect formula of competing. Offering more than what they have and eventually beat them to a pulp. Tignan mo na lang ang ginawa ng Facebook sa Friendster. Oh di ba, gulpi-sarado.
Aminin na natin naging Jologs ang friendster. Super Jologs. It was on it's highest peak when suddenly we all wake up one day and everyone has different colorful, eye-straining wallpapers on their accounts. What's worse? yung mukha nila mismo ang nakalagay. kadiri lang di ba. That's what FB used. Simplicity.
may changes man, but it's not as drastic and not as cheap as putting glittery and animated testimonials and sometimes those changes are cool. agree?
Enough of the comparison, let's get to my real point.
Naisip ko lang kasi kanina ang busy busy mo na these days noh?
Andyan na ang facebook, may twitter ka pa. nabitin ka, gumawa ka pa ng youtube account, may tumbler ka pa, tapos di ka pa maka getover sa friendster mo, at nag mmaintain ka pa ng negosyo mo sa multiply. Tapos ngayon may google+ ka pa hinayupak ka. Kung bading ka pa, syempre may may account ka pa sa planetromeo. dahil ayaw mo ng na lo-lonely, may YM ka na, may skype ka pa, bukod pa sa office communicator mo na ginagamit mo na ding pang chika. At dahil naka BB ka, anjan pa ang mga ka-BBM mo. At dahil madami ka pang kwento may blogger account ka din o kung hindi man, wordpress ang gamit mo. Hay buti na lang nakalimutan mo na ang MySpace account mo. at hindi mo pa nadidiskubre ang iba pang social networking chenez.
Yung totoo, hindi ka ba napapagod?
Nakakatawa nga kung iisipin mo, people are making lives complicated. Kids spend more time in front of the computer developing their personalities in the most artificial ways and adults are trying to learn about it too. I guess this is what technology has to offer. Something that's new and something that is fresh. but of course we only have 24 hours in a day. meaning, we can't do it all.
something has to suffer. Personal life maybe? your relationship with God perhaps? Nah. you don't think so.
We all live a complete life. It's just that the life we are living now is powered by the internet.
right?? so go ahead, tweet you're life out. Good luck.
hindi ko naman binubuksan ang twitter at google+ ko eh. pati nga ym hindi ko na binubuksan.hahaha penge pasalubong jade!haha blue seal! joke,hehe
ReplyDeleteako nga wala pang google+ hehe! tsaka na, baka kainin ako nyan kasi bano pa ako. hehehe! Enjoy USA!
ReplyDelete