Naranasan mo na bang mag pray sa mall? yung tipong pray na magkakahawak kamay at nakapikit?
A few days ago, i swear that this weekend will be the most boring weekend so far.
Dahil ever since tumuntong kami dito sa US eh kasing dalas na ng pag tatalik namin ng Facebook ang aking affair with Google Map.
Syempre, dahil minsan ka lang naman pupunta dito, why not make the most out of it. In fact, every weekend ay hindi talaga ako napipirmi sa hotel. kahit nga weekdays, as long as time permits, eh rumarampa ako kung saan saan. Kesehodang bangenge ako kinabukasan sa office, o di kaya eh makipag habulan sa mga water sprinkler na nagkalat kapag inaabutan na ng pag bite ng darkness.
Sa sobrang kakatihan ng aking feet, kung san sang lupalowp na nga ako nakarating. Lalo na every weekend. Andyan ang bus papuntang chicago, na sabi ko nga eh parang pinaghalong amazing race at biggest loser. Andyan din ang muntik akong ma rape ng magtangkang pumarty sa downtown. Nagcamping atng nagpakain sa mga insektong foreign, nag beach, at syempre kailangan ipakita ko din na meron din naman akong substance kaya di ko pinalampas ang mag sight seeing sa museums na pasabog ang mga works of art kahit di ko talaga magets minsan.
AKO ANG PHOTOGRAPHER, AKO ANG MASUSUNOD!! HAHAHA |
yesterday, my co-worker and i decided to make shopping na lang instead na magpa cremate sa hotel.
at syempre madaming sale lalo na ang mga damit na pang summer (normal na damit sa pilipinas) kaya kilig na kilig ang mga mata namin sa pagiikot at pamimili. Lahat na ata na swipe ko na, ultimo company ID ko at lumang mrt card ata na swipe ko na. pati sa pwet ko tin-ry ko ding i-swipe baka mag add ng credit. wala namang kung i-t-try.
So sa kalagitnaan ng pamimili, etong kasama ko ay biglang nag disappear. nung mahanap ko, ayun nasa labas na ng store at may nakilala palang pinay. Syempre pati ako na excite dahil bihirang bihira lang kami makakita ng Filipino dito sa eden prairie. kung hindi white, dirty white lang ang nakikita namin.
at sya ay si sister Rita. Hep hep! hindi po sya madre, sya po ay isang nurse.
Si tita Rita ay isang nurse at single mom. sa New york talaga sya naka base bago sya lumipat ng Minnesotta. At as usual tayong mga Pinoy kahit saan magpunta pag nakakakita ng kapwa pinoy. SUPER CLOSE! ganun din kami, not to mention super bait ni tita Rita.
Pero ang mga sumunod na pangyayari ay di ko inasahan. Hindi sa hindi ko gusto, hindi ko lang inexpect (nag explain?). Eto pa lang si tita Rita ay isang Born-again christian, at bukod dun, isa syang missionary. So tama ka, religious si tita.
She started making kwento about how we are destined to meet each other. Ang kwento nya nga, nasa may target na sila kung saan malapit na sila halos umuwi nang biglang magaya ang anak nya na dumaan saglit sa Old navy kung saan andun naman kami.
to make the long story short, nagkaroon kami ng mailing bible study sa gitna ng mall, sa tapat ng old navy. Apat kami bale. matapos nya kaming bigyan ng mga booklets, at daily bread she asked us if it's ok kung ipagppray nya kami.
Sa pagkakataong ito, naramdaman ko na ang konting steam na lumalabas sa balat ko, opo umusok ako ng konti. Actually gusto ko nang tumakbo at gumawa ng makasalanang bagay para mapanatili ang balanse ng mundo. Pero hindi, we said "of course". Right then and there, pagkakain ng mint ni tita ay naghawak kamay na kami at nagsimula na syang mag pray. Honestly, i felt weird. Hindi ako sanay eh. at first, i was a bit shy dahil madaming dumadaan at syempre they can't help but look at us. Instead i decided to close my beautiful tantalizing eyes. and i felt peace.
It lasted for a good 5 minutes or so. After nun, she offered na ihatid kami pabalik ng hotel. which is sobrang ok dahil mahaba habang walk din sana ang gagawin namin. Ok lang din maglakad pero since madami na kaming dala mas ok na na maki hitch.
Not to mention inaya nya pa kami na pumunta sa church nila kinabukasan. At nag volunteer pa syang sunduin kami. Since wala naman kaming gagawin we said yes. Sa totoo lang medyo nag aalangan ako. it's been a while since the last time na nakapag simba ako. I can say i have faith. a strong one actually pero i don't consider myself as religious. Naniniwala kasi ako na hindi ko naman kailangan na nasa church lang para makipag usap kay God. Kahit ganito ko, i do pray a lot. Promise!
So dumating na ang kinabukasan at napuyat na nga ako kakaisip ng magandang dahilan para di sumama. Unsuccessful ang mga naisip ko na dahilan kaya oh well, sumama na lang din ako.
Ang church nila ay isang megachurch. Tipong sing laki ng PICC sa tin.
It was a huge place, at ang daming tao. of all shapes, colors and sizes. Nung bago pa nga umalis, i was hesitant dahil feeling ko under dressed ako. Pero pagdating namin dun, it feels nice to see na hindi naman sila ganun ka strict when it comes to attire or appearance. Actually madami nga dun ang naka shirts lang, yung iba naka short, at hindi lang ako ang naka skinny. haha. nagulat pa nga ako kasi merong church goer na andaming piercing at tattoo. Cool.
it was a refreshing experience kasi hindi sya typical na church. The songs are awesome. Praise song din sya pero, it sounds like the hottest indie rock o kaya naman mala jason mraz na songs. Uh-mazing. The topic that day is about divorce and marriage. Kahit hindi ako masyadong naka relate, i can still say, madami akong natutunan.
the whole service lasted for an hour and a half. It was long pero worth it. The whole church community really made us feel welcomed. bakit kamo? kasi may free lunch kami hehehe. Kidding. pero totoo, kapag guest ka, libre ang lunch mo at bongga ang lunch nila. Hindi sya yung tipong pang feeding program tulad ng inakala ko hehe.
Tita Rita also introduced us to her friends, church pastors and other filipino immigrants. It was fun. May isang pastor pa nga nag pinag pray ulit kami. It feels so good whenever he mentions my name in the prayer. It feels so personal at heartfelt. All in all, i can say i had fun. And i don't mind doing it again.
Actually, nag invite ulit si tita na sunduin kami this week after office para pumunta sa house nila. ipagluluto nya daw kami. Hay nako, i'm sure isa nanaman to sa mga pakulo nya para madala kami sa isang prayer meeting. kaasar lang. hahahahaha joke lang po. I'm really looking forward to it. Promise. bukod sa namimiss ko na ang pagkaing pinoy eh gusto ko din naman makinig sa mga stories nila. believe it or not, nakakatuwa pag nagkkwento sila.
Its refreshing to see people who can see the world in a totally different way. They see everyday things and happenings as blessings from God. Yung tipong habang nakikinig ka, marerealize mo na nangyari na din pala sayo yun, at masasabi mo sa sarili mo na "OO nga noh, blessing pala yun".
No comments:
Post a Comment
Share your thoughts