|
http://akosiroj.blogspot.com/2010/12/never-ride-mrt-during-rush-hour-with.html |
Isa ko sa libo-libong nag b-byahe araw-araw.
At bongga pa dyan, sa everyday kong pagpasok, lahat ata ng ng modes of transportation ay nasasakyan ko going back and forth. Tricycle palabas, jeep papuntang EDSA, Bus papuntang MRT at MRT hanggang Shaw, tapos lakad. Reverse and return pag pauwi. Oh di ba, kulang na lang, mag jet ski ako papasok o kaya maghintay ng promo ng CebuPac bago pumasok.
pero sa mga panahong nauumaay ako sa paghithit ng usok ng EDSA, sirang escalator ng MRT, haggard na Trike at jeep, paulit ulit na movie sa bus o kaya pang linggong music na uso nung sperm pa lang ako at amoy ng bagong lutong mani na pinapasok ng vendor sa bus, nag tataxi na lang ako. kaso nga lang tumataginting na 220 to 270 pesos ang binabayad ko from bahay to ofis. One-way lang yan ha.
At simula din ng ako ay na-
Hold-up, naging madalas ang pag tataxi ko lalo na pag umuuwi ng dis oras ng gabi (yan ay kung umuuwi nga).
Sa tagal ko nang nag bbyahe, madami na din akong naipon na mga karanasan sa bawat pagsakay ko. Andyan yang si Manong tricycle na kapag gabi ako sumasakay ay laging kulang ng piso ang sukli lalo na't nagmamadali akong sumakay. May night shift incentive ata ang singil nya pag gabi. Si manong Jeepney na nag to-Tokyo drift kapag umiikot na kami sa monumento circle. At ang mga Midnight bus na mahilig magpalipat sa ibang bus o magpababa pag konti na lang ang pasahero. Andyan din ang may hinohold-up na lasing sa harap ko ng minsang sumakay ako sa ordinary bus ng 4am ng madaling araw. Pero above all, unique na unique experience pa rin ang mga karanasan ko sa taxi. Mas personal kasi dahil nga ako lang naman kadalasan ang sakay.
|
http://article.wn.com/view/2010/11/18/Recto_proposes_new_EDSA_to_ease_Metro_Manila_traffic/ |
Taxi number 1.
1 year ago. mag aalas syete ng gabi. Malakas ang ulan. may bagyo noon pero nakalimutan ko na kung aling bagyo. Umalis ako sa bahay na naguumpisa ng kumulog at kumidlat. madilim ang ulap. Yung tipong hindi titigil hanggat di rin nag sswimming ang mga balakubak mo. Napagisipan ko nang mag taxi. Kahit na ilang blocks lang ang layo namin sa garahe ng 2 taxi company, ang mga ganitong oras ay challenge talaga sa paghanap ng masasakyang taxi. Garahe moment kasi kadalasan. Swerte na paglabas ko sa kalsada may taxi na pumara. R&E kung di ako nagkakamali. Mukha naman mabait si kuya dahil kamuka nya si Mara kaya kahit na kakarag karag ang taxi nya, kampante pa din akong sumakay. Ayoko din naman kasing mabasa ulit ng ulan tulad ng naunang araw na pati napkin ko ay soaking wet. Along edsa, sobrang lakas pa din ng ulan at dahil na din sa mga basurang nakakalat sa mga kalsada, bumabaha na din sa gawing ito. Sa may MCU nagsimula ng dumami ang mga sasakyan. Umikot na kami sa monumento circle ng mangyari ang di inaasahan, NAMATAYAN NG MAKINA ang taxi nyang pang carshow. Hindi ako masyadong nag panic kahit na sa kalagitnaan ng mabibilis at naggigitgitang mga sasakyan at napakalakas na ulan pa kami tumirik. Maya maya, Blag! may FX na sumanggi sa likuran namin, Naalog ako at nalaglag ang celfone sa kamay ko. shotanginames, dun na ko nagsimulang makaramdam ng panic. umalis din naman kagad ang FX, siguro dahil na din wala naman masyadong damage sa mga sasakyan nilang pareho. Sinubukan ulit ni Kuya na i-start ang makina, umandar naman. Hay salamat, ang sabi ko sa isip ko. muntik na tayo dun kuya. Pero napansin ko na Pokerface pa din sya, yun pala nawalan daw kami ng preno. Kala ko char nya lang, ng maya maya ay sa isang pampasaherong jeep naman kami bumangga. Nakita ko na nagulat at nagalit ang mga sakay ng jeep at malamang pati yung driver. sumenyas na lang si kuya at umusad ng konti yung jeep pero hindi kagad umalis. inistart nya ulit ang makina, andar, Blag bangga ulit sa jeep. di nagtagal na gets na din ng mga pasahero at ng driver na nawalan kami ng preno. Star of the street kami ng mga panahong yun. At kahit siguro gusto kaming tulungan ng mga ibang driver o tao sa paligid (which is wala naman kasi nga nasa gitna kami ng EDSA duh). wala din makakalapit dahil sa lakas ng ulan. Mula monumento hanggang LRT station nasa 8 beses kaming tumirik at nawalan ng preno. sobrang himala na lang na hindi na kami bumangga at nakarating ako sa station ng buo kahit medyo hilo. Actually nang makakita ko ng silong nagabot ako ng bayad at bumaba kagad, hindi ko na kinuha ang sukli ko. Isa yun sa mga pinaka nakakatakot na experience ko sa kalsada.
Taxi number 2
same time ulit. Mga alas-otso naman ng gabi ng maisipan kong mag taxi na lang dahil malapit na kong ma-late. Pumara ko ng isa nanamang company taxi. Swerte pa nga dahil Vios ang gamit nya kaya siguradong comfy at malakas ang aircon.
Sa malayo pa lang nakita ko na may sakay na syang isa pang kapwa taxi driver nya. Sanay naman na ko sa ganito. Kadalasan kasi twing bbyahe sila nakikisabay na ang mga kasamahan nilang driver palabas sa hi-way. "ser san po kayo?", "lrt po". Hanggang sa bumaba na yung nakisakay na driver. napansin ko na nasa gitnang lane sya meaning didiretso ito papunta ng North edsa at hindi pa monumento. Sabi ko " Kuya, sa L-R-T po ako ah, hindi po M-R-T". "ah L-R-T ba?" sabay kabig pa kaliwa at liko papuntang south bound. Naramdaman ko na ang pagkadismaya ni Kuya. North ata ang gusto nyang tahaking way. Nagsimula na syang mag "TSK" ng napakaraming beses. Nairita ako pero deadma lang. Kakalampas lang namin sa SSS ng biglang nagsalita si kuya, "nako, nakalimutan ko tataya nga pala ako ng LOTTO". Tinignan ko lang sya. "Lipat ka na lang, ibababa na lang kita sa gilid". Na-confuse ako at kumulo ang dugo. Sabi ko " eh kuya, LRT lang naman po ako, malapit na yun". sabi nya "eh tataya pa kasi ako ng lotto, akala ko kasi Pa-mrt ka, dun kasi ako tataya, ibaba na lang kita jan sa gilid". Sagot ko na may halo ng inis "Kaya nga PO ako nag taxi kasi nagmamadali na ko tapos ibaba mo ko, lalo akong ma-lalate nyan eh". Sabi nya " ay hindi bababa na lang kita, kailangan ko kasi talagang tumaya ng Lotto, Oh dyan kita bababa ha, at least safe jan kita mo naman".
At dun nya ko binaba sa madilim na harap ng isang saradong talyer na mukang hide-out ng mga snatcher kapag quota na sila. bago ako bumaba sabi ko, "Hindi ko ho kayo babayaran". Ang sabi pa nya, "ah sige ok lang sa kin kahit di mo ko bayaran, kahit halos malapit ka na din makarating. Sayang lang krudo ko ang narinig ko kasi sayo MRT". Sa tono ng pananalita nya, parang kasalanan ko pa na nagkamali sya ng pandinig, na kasalanan ko din kapag di sya nakataya ng Lotto at utang na loob ko na nakarating ako HALFWAY at ngayon naghihintay ako sa gitna ng madilim na edsa ng kahit anong masasakyan maunahan ko lang ang mga holdupper na naka skedyul sa kin ng gabing yon. Sa pagbaba ko, at habang papalayo sya sa kinatatayuan ko, hiniling ko sa lahat ng santo pati na kay Sanrio na sana, manalo sya sa LOTTO ng hindi bababa sa 360 million pesos at maririnig nya ito sa kanyang car radio, at sa excitement susuot sya sa ilalim ng 10-wheeler truck. Durog ang bungo, talsik utak, ang eyeball gugulong gulong pa.
Taxi number 3
galing ako sa isang event namin sa office. Family day kung saan ako ang nag host. hapon na yun ng makauwi ako. sobrang pagod at nalipasan ng gutom ng araw na yon. Ang balak ko talaga ay mag bu-bus na lang ako, pero dahil paulan na ng hapon na yon, napagpasyahan ko na magtaxi na lang. Pag sakay ko, sinabi ko kagad kay manong kung saan ako nakatira. Wala naman na syang masyadong tanong dhail mukang alam nya na ang lugar namin. Usually kapag nagtataxi ako, nag U-uturn kami sa balintawak tapos pa quirino hi-way. Pero nagulat ako ng kumanan si kuya, gawing pa NLEX. di naman ako nagimbal dahil may isa pang madalas ding daanan dun, Yung flyover bago ka dumiretso ng NLEX. After namin mag fullturn sa balintawak, biglang sabi nya, "di ba may lusutan dun sa ilalim yung diretso na sa inyo ang daan?". nag tetext ako ng mga panahong yun kaya di ko kaagad naintindihan ang sinabi nya. nagulat na lang ako ng lumagpas na kami sa Flyover. Naisip ko nga na may daan sa ilalim pero ang alam ko matagal na yun sinara. Naisip ko na baka nga binuksan na ulit at syempre taxi driver sya kaya in-assume ko na alam nya ang kalsada.
Sa kasamaang palad, sarado ang bwakanangbitch na shortcut na gusto nyang puntahan. Gumuho ang mundo ko. Kung taga sa min ka, alam mo na kaagad ang ibig sabihin nito. Pag lumagpas ka dito ibig sabihin tuloy tuloy ka na papuntang NLEX tuloy tuloy sa BULACAN! SHET di ba, BULACAN dude... BULACAN NA YUN. My gosh. Ilang minuto din akong speechless. dun ko lang naramdaman ang salitang Helpless. Si manong driver naman walang tigil sa pagsasalita. At worse, P.I. ako pa ang sinisisi nya dahil daw di ko sya pinigilan kaya daw nagtuloy tuloy sya.
Pag dating sa TOLL, ang walanghiyang driver, hiningan pa ko ng pambayad. Sa inis ko ang sabi ko, "wala akong Pera, wala akong barya". Sabi nya, "ay bahala ka, wala akong ilalabas dyan". sabay bitaw sa manibela na parang wala talaga syang balak magmaneho hanggat di ako nagbibigay ng pang-toll. Sa kawalan ng choice nag abot na din ako ng 40 php. Ang Hardcore pa dyan, pagkalagpas namin sa toll, tinanong nya pa ko " anu ser gusto nyong gawin, ibabalik ko pa ba?"
Ang talino ng driver, Sabi ko "anong gusto mo kuya, ibababa mo ko sa gitna ng NLEX?", di sya umimik. right then and there gusto ko ng mag teleport o kaya makatulog forever. Di ko alam ang gagawin, gusto kong magalit pero wala rin namang point magalit.Aware naman ako na taktika lang nya yun para humaba ang byahe namin. kasi nga naman 60 pesos lang talaga ang layo ng i-bbyahe ko. Nakulangan siguro sya. Di ko alam kung san kami lumusot, basta ang alam ko nakarating pa kami ng Talipapa o novaliches tapos Baesa ang labas namin. Nang makarating kami sa lugar ko, tumataginting na 350 ang metro ko. Nakayuko lang yung driver ng huminto kami, kumuha ako ng 350, inabot sa kanya at magalang na sinabing Salamat po kuya, Ingat po.
di ko na yun kinwento sa bahay, pinatawad ko na lang sya. sabi ko na lang, Diyos na ang bahala sa kanya. Kung tutuusin barya pa din yung binayad ko sa kanya. Di ko yon ikakayaman. Ang cheap na para lang dun, manloloko ako ng tao. WIT ko like.
Taxi number 4
eto naman nung sunday night lang nangyari. Nagkita kami ng ilang friends para manood ng Kungfu Panda 2 na di rin naman kami nakanood dahil box office talaga. After namin kumain at magkape, napagpasyahan naming magpalipas ng ulirat sa Central sa may pasong tamo. Andaming lalaki. Ang saya saya. pati yung bouncer kamukha ni Vin diesel. May mga nakilala pa kaming new guy friends, na syempre free drinks. I'm so full of charm talaga i hate it. Kaso sa kalagitnaan ng kasiyahan eh nalasing ang friend ko. At dahil nagsisimula na ding maging manyakis ang kasama nilang gremlin minabuti naming umuwi na. Good thing na sa labas mismo ng central ay madami nang naghihintay na mga taxi. So after ko syang maisakay, sumakay na din ako sa kasunod na taxi. Mabait si kuya. super smile. kahit malayo ang uuwian ko, sinakay nya pa din ako kahit na tinanggihan na ko ng naunang taxi. Ni hindi rin sya nagpadagdag or kumontrata. Sa isip ko pa, Pagpalain ka sana Kuyang driver. chumika chika pa kami ng konti. Maya maya tumahimik na din kami. Hindi ako tinamaan sa aming drinking session dahil likas na malakas ang aking alcohol tolerance (tama ba ang term ko?). Pero since mahilig naman talaga akong mantrip at madalas naman mapagkamalang nakainom, siguro akala ni Koya ay tipsy na ang lola mo. Napansin ko na hindi nya inaalis ang kamay nya sa Kambyo. Di ko tuloy makita ang metro. Kahit na madilim naaaninag ko na ang porma ng kamay nya ay diretso at parang may pinipindot sa meter ang kanyang index finger pero di mo ito matatanaw kung di mo titignan ng pa sideways. Naaninag ko na 53 ang metro ko. medyo mataas na kaagad considering sandali pa lang kamin umaandar, nang maaninag ko ulit aba! 80 sumthing na ito. Dun na ko nagsimulang magduda. sinubukan ko ulit obserbahan ang metro. Nakita ko ulit na mula sa 90 tumalon ito papuntang 105 or somehting close to that. Ang sabi ko kagad, Kuya parang ambilis ng metro mo ah. Agad inalis ng driver ang kamay nya sa kambyo, Guilty ampotah. Ang excuse nya, nako ser, calibrated na kasi yan, lahat na ng taxi ngayon calibrated na kaya medyo tumaas na ang singil at nag bibigay po ako ng resibo Ser, sabay ngising aso. Ang sagot ko na lang, "ah talaga?? ganun pala" with matching sarcastic tone. pero gusto ko talagang sabihin na "putangina mo pala eh, araw araw akong nagtataxi kupal ka!". Naisip ko na pagbigyan ko na lang muna sya, tutal bumalik na sa normal ang bilis ng metro nya at medyo malayo pa din ako sa amin. Pag inaway ko sya baka ibaba nanaman ako at this time sa gitna ng island ako ibaba.
Maya maya, after ng matagal na katahimikan binalik nanaman nya ang kamay nya sa kambyo. In short, bumibilis nanaman ang metro, Umubo ako, at inalis nya ulit. binalik nya nanaman at this time kahit ang ubo ko ay parang may stage 7 na ng tuberculosis, deadma lang si kuya. may i-dutdot pa din sya sa kung san man sya pumipindot. Sobrang kapal ng mukha.
This time nabwisit na talaga ako. Nag flashback pa sa kin lahat ng kawalangyaan ng mga taxing nasakyan ko. Sabi ko oras na ng paghihiganti. Nang malapit na kong bumaba, kinuha ko ang aking trustee pepper spray. Binayaran ko pa din sya ng buo, may sobra pang 10 piso. at with all smiles, sabi ko, thank you po ah. ingat.
Paglapat ng aking dalawang stilettos sa labas ng taxi in-execute ko na ang aking plano, ini-sprayan ko ng pepper spray ang pintuan nya. malapit sa handle, sbay sara. habang naglalakad ako papalayo na parang si beyonce sa crazy in love, naiimagine ko na ang mangyayari sa kanya. di sya makakatagal sa loob, at malamang di na sya makabyahe ng buong gabi at sa ilang sumunod pang araw. nakapag spray ako ng ga-tuldok dati sa kwarto ko ng pepper spray. isang linggo akong hindi nakatulog doon dahil sa suffocation. paniguradong ganun din sya.
Alam ko naman na masamang maghiganti. pero sobra na, at sabihin na din nating naimpluwensyahan ako ni badtrip at ni bad boy. :)
Shiyet, it's liberating. Alam ko bad yun pero di mo rin naman ako masisisi.
Kaya ang advice ko sa inyo, maging mapagmatyag at vigilante. Wag magpapaloko sa magugulang na driver.
nakakaawa lang sila lalo na't alam mo na mamamatay pa din silang mahirap.
Kaya ngayon nagpasya na ko na kukuha na ko ng kotse. Matagal na kong inuudyukan na bumili ng sariling kong car pero ayoko kasing magdrive.
sabi ko na lang kukuha na lang din ako ng driver. Ok na din yun para iwas na sa mga ganyang insidente,
kung hindi man kotse ok na din kahit motor lang. at least mabilis pa.
Basta ang request ko lang, sya ang driver ko :)
| |
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=502747&page=159 |