Sunday, May 8

1 mudra's day out

Dahil mother's day, makikisawsaw muna ako sa celebration na ito.

ikkwento ko lang ang naging mother's day shindig naming pamilya.

Before,

twing mother's day o father's day o kung ano pa mang day, ang pinaka surprise na ginagawa ko bilang panganay (dahil wala namang naitutulong ang impakta kong kapatid na uber arte), ay ang bumili ng cake. Walang kamatayan yan. Laging bibili ng cake, surprise cake man o planned (yung requested na klase ng cake). Pero ngayon na meron na kong work, i planned to treat them somewhere. Typical man sa iba, sa amin bihira lang to. Laging kasing sila lang ang nakakaalis ng sunday. Kung hindi kasi puyat ako from saturday night eh plain tinatamad lang ako sumama.

So nagplano na nga kaming mag lunch somewhere special. pero dahil late ako ng gising di na ko nakasama sa church. Napagkasunduan na lang namin na sa mall na lang magkita. 11:00 ang call time. Naalala ko, ilang beses pa ko sinabihan ni Mommy na kumilos na at tigilan na ang computer at baka ma-late nga daw ako. Kaya nung umalis na sila, di na ko nagpatumpiktumpik at nag ayos na para makapunta sa mall. Medyo maambon at mahangin pero gora pa din.

11:15

Shet na late na nga ako. panigurado bembang ako sa aking punctual na pamilya. Tinext ko si sistah kung asan na sila o kung bakit naisipan mag double shift ng Pari sa pagmimisa kaya na extend. ang sagot nya kanina pa daw tapos pero naisipan bigla ni mudra na kumuha ng membership ID sa isang grocery dun malapit sa church, AT!!! Bigla nya din naisipan na magpa sukat ulit ng bagong salamin.

1:20

nakabili na ko ng malaking sketch pad, color pencils, felt tip pen, at libro. nakapag pagupit na din ako, nakipagtalo sa receptionist ng bench fix na si a.k.a. Alakdana (na maari kong mabanggit sa susunod na blog pag sinipag) aba at wala pa din sila. Nagtext ako, OTW na daw. Siguro mga 4 na beses na OTW.

1:45

sa wakas at nakarating na sila sa mall. pagkita ko sa kanila, tinanong ko kagad san nila gusto mag lunch. Nag suggest ako ng madami. Mga sosyal, kakaiba, class, fine dining. Pero sabi ni mudra, "ay ayun oh, Gerry's grill, dyan na lang ayoko na maglakad". Attitude? haha. so pinagbigyan namin ang kanyang kagustuhan, Gerry's grill it is. Good thing na hindi naman gaano crowded ang mall, dahil na din siguro abala ang mga tao sa laban ni pacquiao. Pagkaupo namin, sa kanya namin inabot ang menu para kung ano ang gusto nya yun ang oorderin.


browse browse, lipat page. lipat uli. after siguro mga 10 minutes. binaba nya na ang menu. "kayo na lang umorder, wala akong maisip". so dahil gutom na din kami, kami na nga ang pumili at umorder. may tinomok ata yun, tuna belly, chop suey, pork chop, ang favorite kong sisig at garlic rice (bottomless ice tea din ang gusto nyang drink). Nagpa extra pa kami at baka nga kulangin.

After ng mga ilang taon, dumating na din ang aming Fudamz. nakakagutom. Ang sarap talagang kumain. pero nung nakahain na kay mudra ang pagkain. kumunot ang mukha nya. parang nakaamoy ng di maganda sabay ismid sa mga putahe na nilapag ni kuyang waiter. Sabay bulong ng "Parang di naman masarap". alam kong nagbingibingihan lang si kuya waiter, naramdaman kong naapektuhan si kuyang waiter at nangilid ng konti ang luha nya katabi ng muta. Di kami nag react, at nagumpisa ng kumain. "Ay rice pala inorder nyo? ayoko pala mag rice." "eh anu ba gusto mo?" sabi ni daddy.


"uhm anu ba.......", agad naman nanghiram si dad ng menu sa katabing table, at bago pa man maiabot kay mudra, "palabok na lang". So order kami ng palabok. Nainis pa si mudra dahil good for 2 daw ang palabok, walang single serving. Nang dumating na, medyo madami nga. maya maya............................................................. "ay porkchop, sana chicken lollipop na lang.... pero hayaan mo na". so kain ulit, maya maya ulit......................."order ka na nga ng chicken lollipop, nakakasawa ang porkchop nila". Order ulit kami.


sa kabuuan ng pagkain namin, madami din nasabi si mudra. Pwede mo na ngang isipin na judge sya sa Iron chef Timbuktu.

"Ano ba yan, sobrang tamis naman ng chop suey"

"Bakit may seasoning pa sila dito sa table eh sobrang alat na nga ng pagkain nila".

"ang tabang tabang naman ng ice tea"

"sobrang dami ng palabok, hindi ko to mauubos."

"dapat bihon ang ginamit sa palabok, mas feel ko yun"

"nako kaya ko din lutuin to. parang eto lang"

nang patapos na kami, nainggit ang kapatid ko sa halo halo ng katabing table, gusto nya din.

Mudra: "ay nako wag na mag halo halo, inuubo ako, di ako pwede nyan". sabay browse sa menu

"yung double trio na lang..... oh ayan may sanzrival din pala pati yun". (sabi na nga ba halo-halo talaga ang nakakaubo).

after namin kumain at magbayad, lumabas na kami. Natuwa ang daddy ko sa mga display sa sky garden, may mga replica kasi ng mga popular tourist spots. Mga miniature at gusto nyang picturan o magpa picture. nung papose na sana si daddy, sabi ni mudra, "sige mag pa picture ka, puro mga baduy lang nagpapapicture dyan". naramdaman ko ang pagkadurog nya sa mga munting pangarap ni father dear. Nang mapansin ko na naapektuhan din ang iba pang balak magpa picture at parang nag dalawang isip na nga lang kung mag papapicture pa. Agad na ko lumayo at humiwalay sa kanila, kailangan ko pa kasing ipagpatuloy ang naudlot kong mall tour.

siguro kung sa ibang ordinaryong araw, nabwisit na ko sa kanya ng mga panahong yun. Pero since araw nya naman, pinagbigyan ko na lang. Nakakatawa din talaga ang mga nanay kung iisipin. minsan ang hirap ispellengin. kaya pag naasar ako sa kanya, o di ko sya ma gets, iisipin ko na lang ang aming maayos na bahay, masarap na breakfast o dinner, ang laging bagong palit kong bedsheet, ang kumot kong minarinate sa Downy passion, ang di nauubos na sabon at shampoo, ang laging nakatimplang ice tea (di lang sa commercial, sa bahay namin bottomless talaga) ang di nagkakamaling timpla ng kape ko, ordinaryong kape bago pumasok, at decaf pagbago matulog.

Pag naiisip ko yun, mas madami nga pala syang stress sa amin, araw araw gabi gabi. Kaya ok lang kung minsan, sya naman ang boss. :)

1 comment:

  1. AnonymousMay 14, 2011

    love it jade...naalala ko lahat ng kwento mo bout ur mudrabels.....

    ReplyDelete

Share your thoughts