Monday, May 2

3 si mingming, si bantay at si big bird

"come Papa come, see bantay run,
see Bantay run, papa.."

Eto na lang ang naaalala ko na linya sa libro namin nung kinder. "See oh see" ata yung title nya. yan yung book na ginagamit para matuto magbasa at take note series sya, yung isa ay entitled "come and go o come and play" hay ewan. Para sa kin, medyo may pagkakahawig ang twilight series sa kanila. LOL. kasi parehong tungkol sa pamilyang weirdo, at parehong merong canine friend, si Jacob sa twilight vs si bantay ng see,oh,see.

wala naman tong masyadong kinalaman sa entry ko ngaun. naisip ko lang bigla. naalala ko kung panu ang treatment nila kay bantay. parang part of the family. Minsan pa nga mas pinapaburan si bantay kesa kay junior. Feeling ko pa nga, kasama din sa bantay sa pagbuo ng mga major decision sa pamilya nila. kumbaga sa corporation, may controlling interest si bantay.

while wall browsing may nakita ako na pinost ng isa sa friends ko, tungkol sa mga kahayupan, video ng mga naglalaban na termites at ants. Na click ko at na enjoy ko naman. more cilck pa at nagtuloy tuloy ang panonood ko ng mga BBCearth videos tungkol sa mga Aminals. Infernes naman sa kin, madali ako ma amaze sa mga ganito kasi ever since bata pa ko, madalas akong bilhan ng mga national geographic or animal planet na videos. Kaya bago pa naman ako makapanood ng porn, mga hayop na nag d-DO muna ang una kong napagpantasyahan. hahaha.

sa aking pagbabasa at pag bbrowse, ito ang ilan sa mga nakita at nalaman ko

meron na lamang less than 60 ang natitirang javan rhinoceros

merong 3000 iba ibang uri ng Lisa (lice) at 1000 dito ay matatagpuan sa anit ng kapitbahay naming bata.

Ratio: sa bawat isang tao sa earth, may katumbas itong 200 million na insektong lumilipad o gumagapang.

sa Denmark, mas madaming baboy kesa tao. 2 pigs is to 1

ang ipis ay mabubuhay pa ng 1 week kahit walang ulo.

ang goldfish lang ang nagiisang creature na nakakakita ng infrared at ultraviolet light

ang snail ay kayang matulog ng 3 years straight

Lahat ng polar bear ay kaliwete.

kahit ahitin mo ang balahibo ng tiger, stripe pa din ito

ang isang Cow ay kayang mgbigay ng 200,000 glasses of milk sa kanyang lifetime

ang ihi ng pusa ay glow in the dark (sa black light lang pala)

pag pinag sama sama ang lahat ng tao at lahat ng anay. mas mabigat ang anay ng major major. ang ratio 10 is to 1

hindi talaga unggoy ang mahilig sa saging kundi reindeers

ang sex organ ng gagamba ay nasa kanilang paa, nasa paa din ang panlasa ng butterfly.

ang lamok ay may ngipin. 47 in total (Huwatt??!!!)




at ang nakakalungkot,


35 to 150 na species ng mga hayop ang na eextinct araw araw.


http://raks777.multiply.com

Sabi ng isang stand up comic, ang earth daw ay mag momove on kahit ma extinct ang mga tao. magpapatuloy pa din ito na parang walang nangyari, na parang walang nag exist na mga tao. ang mga basura na iiwan natin ay magiging parte lang ng earth. Yung mga plastik, magiging bagong element lang sya tulad ng bato or buhangin. Siguro ganun din kahit mawala ang mga animals. di matitinag ang earth.

di ako mahilig sa mga hayop, sa katunayan allergic ako sa kanila pero di ko pa rin maimagine kapag ang natitirang mga hayop na lang eh yung mga binoboto natin twing eleksyon o kaya yung mga ex nating hoodlum. di naman kasi sila pwedeng gawing pet.

At ang mas nakakalungkot pa dyan ay ang fact na mga tao ang may kagagawan kung bakit sila na eextinct. Siguro kelangan ring lagyan ng natural predators ang tao para mapanatili ang balanse ng mundo. Ibalik ang dinosaur, o kaya buhayin muli si Osama Bin Laden o si hitler.

Naalala ko yung sabi ng reviewer kong si Atty. D sa CPAR. Minsan daw ang mga hayop ay mas makatao pa sa mga tao. oo nga naman, tignan mo ang bagong panganak na aso, magwawala sila at mangangagat kapag kinuha mo ang mga tuta nila kahit minsan kinakain nila ang ilan sa kanila. Di tulad ng mga tao, matapos magpasarap, eh ipapalaglag ang produkto ng kanilang kakatihan. Minsan may mababalitaan ka pang iniiwan sa basurahan or kung saan pa. Di ba parang di naman Pang tao ang Abortion, sobrang pang hayop lang nya.


anyways, sana wag naman dumating ang panahon na ang natitirang species na lang na alam natin ay ang askal, si ming ming at ang natitirang bird na lang ay ung hindi lumilipad pero nanunuka (kahit favorite ko pa yon).

http://yaj10.multiply.com/photos/photo/203/1

3 comments:

  1. natawa ako sa lisa. kawawa naman ang kapitbahay nyo. hahah

    kung gayon, kapag nagdikit ang paa ng butterfly at gagamba, malalasahan ni butterfly ang sex organ ni gagamba? hahah kinonek ko talaga

    ReplyDelete
  2. thumbs up para syo! ;p

    ReplyDelete

Share your thoughts