Tuesday, May 17

2 Nakiki RH Bill

Nag host ako ng isang Family event ng company namin nung saturday sa Ynares Gym.

Kumo-court side reporter, slash promodizer ng Maggi magic sarap sa uniwide grocery ang arrive ko. Di kinaya ng katawan kong gawa sa narra at apitong ang pagod after ng event. So ang plano naming mag pahiyas festival ay di na natuloy. So sunday na lang ako nag-aya with 2 friends na manood ng movie. Pero dahil may dala kaming camera na kay laki, nagdalawang isip na lang kami manood dahil baka mapagbintangan pa kaming namimirata ng In the name of Love. Haggarda.

After dinner, we decided to have coffee and make tambay na lang. super chikahan. Si Ren nagkkwento ng mga milyones nya, si Bem naman, nagkkwento ng heograpiya at kasaysayan, ako naman uhuh lang ng uhuh sabay tango.

http://fvdb.wordpress.com

Di nagtagal napagusapan na lang namin bigla ang RH Bill. hehehe. Tinanong nila ko kung Pro or Anti daw ako. sila kasi pareho Pro. Lalo na si bem, kahit ang intindi nya sa RH ay Red Horse bill eh pro pa din daw sya. Ako naman Indifferent. kahit nung unang labas pa lang ng issue about dito, undecided na talaga ako. Hanggang ngayon.

Bakit? bakit di na lang ako mag Pro para uso. O kaya anti para religious.

Kasi, wala akong makitang dahilan para pigilan ang RH bill, pero hindi ko rin maramdaman na RH Bill nga ang sagot sa mga problema.

LET'S PUT IT THIS WAY,

lumalaganap at sobrang malala na ang mga kaso ng:

Overpopulation, Sexually Transmitted diseases, Teenage pregnancy, abortion, at over-all Poverty.

dumating ang RH Bill. In a general sense, ang misyon nito ay i-educate ang mga tao ng tungkol sa Sex and its consequences. Andyan ang i-incorporate ang sex education sa curriculum ng mga estudyante at i-promote ang mga artificial na birth control.

Note: hindi misyon ng RH Bill na gawing legal ang abortion. Di rin nito kagustuhan na ipromote ang casual sex, early age sex, same sex sex, at pre-marital sex tulad ng sinasabi ng mga against dito.

Para sa kin, ang RH Bill ay isang teknikal na solusyon para sa isang teknikal na problema.

Ang tanong, teknikal nga bang maituturi ang problema? Partly oo. Marami pa din namang tao ang kulang sa knowledge when it comes to their sexual health. Pero aminin din natin na may point din ang simbahan na what we are facing is a moral problem, maaaring may mali lang sa pag iimpose nila ng kanilang point. Parang isang batang nag ttantrums, may gusto syang sabihin, pero hindi nya kelangan magwala para pagbigyan sya.

To make it easier, AGAIN, LET'S PUT IT THIS WAY....

Si Berto, na isang office clerk, linggo-linggo na lang kung ma virusan ang computer. laging nag ccrash. Lumapit sya ngaun kay Manding na isang IT Specialist. Ang solusyon ni Manding, ang pinaka latest na Anti-virus.

the following week, na-virusan nanaman si Berto, binigyan ulit sya ni Manding ng pinaka latest na anti virus.

sa sumunod na linggo ganun ulit ang nangyari. at sa sumunod pa.

Ang RH bill, ay ang anti virus. Yung virus naman ang kumakatawan sa Overpopulation, Sexually Transmitted diseases, Teenage pregnancy, abortion, at over-all Poverty. Tama lang naman na lapatan ng Anti-virus para ma-eliminate ang existing na problema o mapigilan ang paglala nito.

Pero hindi lang ito ang sagot at ang Problema. Ang problema ay ang pagka adik ni Berto sa Porn. Youjizz, xtube, pornhub ultimo livejasmin sa katanghaliang tapat. kaya naman ganun na lang kung ma virusan sya.

you see people. Yung viruses ay hindi ang main problem. Same thing with Overpopulation, Sexually Transmitted diseases, Teenage pregnancy, abortion, at over-all Poverty. They are merely results o further damage caused by none other than our lack of morals. Sabi nga ng kapitbahay namin, kahit daw magpamudmod pa ng libreng condom o iulam sa kanin ang ang trust pills. Kung hindi ito gustong gamitin o inumin, WAEPEK.

Good point. Now let's evaluate ourselves. Hindi masama ang RH bill, at wala itong masamang motibo. It's goal is to educate BUT it is not the answer. it's up to us whether we use that knowledge or just go on with our careless sexual decisions. the choice is ours.

http://antirhbill.tumblr.com/

I am so against Abortion and teenage sex. But seeing little children from poor families with 10 or more siblings, slowly starving to death or risking their lives by selling sampaguita on the streets late at night or not being able to go to school hurts me like a virgin on her first night.

So, Pro RH bill na ba ako or anti??


I'm still undecided. hehe

http://www.flickr.com/photos/ericgozar/1251113480/

2 comments:

  1. basta ako... no comment hehehehe...

    ReplyDelete
  2. AnonymousMay 22, 2011

    ur slowly making sense.. haha

    ReplyDelete

Share your thoughts