"A man's feet must be planted in his country, but his eyes should survey the world"
-George Santayana
(Sino yun?)
Believe it or not. I am patriotic..... in a sense. Pero Hindi ako die hard fan. Hindi ko balak magpa tattoo ng 3 stars and a sun, o ng philipine flag. Magsuot ng panty na gawa sa Pinya Fiber. I don't eat bangus, at kung minsan kumekemblar ako ng mas masahol pa sa malansang isda. ayoko din magsuot ng t-shirt, polo shirt, bag, pants, panty o kung anu pa mang pwedeng lagyan ng YELLOW RIBBON.
http://www.dipity.com/tickr/Flickr_astig/ |
One thing am sure of, wala akong balak mangibang bansa.
Noong 2005, most people thought that it's the year of the rooster. But no, it is the year of nursing. For almost all my friends from high school decided to take up nursing in college, syempre dahil na din sa pag a-aim na makapag work abroad. As for me, ayoko talaga. Bukod sa Pagbibigay ng libreng circumcision sa mga 18 and above at pag conduct ng sperm letting sa bawat baranggay, i don't find blood, and other medical related things appealing.
http://www.pinoy-ofw.com |
So i took up Accoun-ting-inang yan. Lol.
Like i said, going abroad is not really part of my priorities. Siguro sumasagi lang sya sa isip ko kung bakasyon ang paguusapan. Mga tipong hongkong lang or thailand o kahit singapore. Kaya it was a surprise when i found out i will be sent to US for roughly around 2 months. Gosh! Sa totoo lang, i am not that excited, really.
It's an opportunity, yes, but knowing that you will be stepping out of your comfort zone is kinda nerve wracking. Alam mo yung ganung feeling. Ikaw lang mag isa sa isang unknown place, with unknown people, unknown standards, unknown everything. Yung feeling na bago ka bumili ng kahit ano eh magccompute ka muna:
x = dollar price
y = dollar conversion to peso
n= total amount in peso
n = x (y)
Shet di ba. Pero since no choice at para DAW ito sa ikabubuti ko in the future. GO na. At painstakingly, inasikaso ko ang mga dokumento. kesehoda, mangamkam ng mga ari-arian para addional documents kuno. bakit? Kasi, kakailanganin ko ito sa pag aapply ni US Visa, at tulad ng napanood natin sa movie ni Toni at Sam. MARAMI ANG NADEDENY.
Nakakahiya daw ang ma deny ng visa. Pero sa na-witness ko. Hindi nakakahiya. kundi.... Nakakapagod at masakit sa bulsa. $150 ang bayad sa pagaapply ng visa (see formula above) , not to mention ang hirap ng pagkuha ng sked, pag process ng mga kailangang document at ang mismong pakikpag sapalaran sa IMBA-SSY.
http://www.canstockphoto.com/denied-visa-on-passport-3788581.html |
Buti na lang, hindi ako ang nagbayad. hindi rin ako ang nagpa sked. Ang naging role ko lang ay ang mag fill-out ng isang Ream na mga forms, pumunta sa embassy at harapin ang Consul na nakaka dugo ng pwet. yup hindi na uso ang nosebleed. Kundi pwet, internal hemorrhage ang epekto.
So dumating ang aking confirmation schedule. Monday, 6:30. I have weekend to prepare. Pero Pak na Pak, dumating naman ang pinsan kong half british half UK. At syempre since ako lang ang pwedeng sumama sa kanya mag clubbing dahil inatake ng dysmenorrhea ang Lola ko ayun bangenge ako ng buong weekend. Ni Hindi ko man lang na browse ang mga documents at letters ko. Gudlak kung ano ang itatanong ng Cone-soul.
Dumating ang madaling araw ng monday. Ang target ko, makarating dun ng 5am. Matapos maligo, magbihis ng conyong conyo, nag taxi. Nakarating ako dun ng quarter to 6. But no worries. Madami na talagang tao pero ok lang yon. PLEASE TAKE NOTE!! Hindi mo kailangang pumunta dun ng 2 hours o kahit 1 hour before your schedule dahil, On time sila. Kung anong oras ang schedule mo, dun lang sila magpapapasok. At dahil nga din sa american discipline, wag kang mag alala, saktong numbers lang per schedule. kaya walang unahang magaganap sa pila.
http://tonyocruz.com/?p=2931 |
Sabi nga nila mahigpit ang security sa embassy. I-google mo na lang ang mga bawal dalhin tulad ng kahit anong electronic device. Basta naaalala ko nung nakapila na ko para pumasok, nag announce si Manong security na bawal ang kahit anong liquid at MAKAKAIN. Alam ko na yun syempre kaya nga wala akong dalang kahit ano. mga ilang hakbang na lang ako ng maalala ko na nag nenok nga pala me ng mga candy para ibaon in case magutom o mahilo. Pak, wala pa naman basurahan sa paligid, at baka gulpihin naman ako kapag hinagis ko ito sa Roxas blvd. Buti na lang sa kalagitnaan ng napaka neat na damuhan ng tapat ng embassy, may nakapag trip na magsunog ng mga dahon kaya nakahanap ako ng tapunan. sa wakas nakapasok na din. Ang daming entrance. Sa unang guard, sa mga kumukuha ng appointment at papers, sa xray, sa mga mangangapkap ulit, at sa counter na magbibigay ng number. Matapos ang lahat ng yan, nasa labas ka pa din. Pag pinapila na para pumasok sa loob, meron nanamang xray tapos mangangapkap ulit.
http://janeuymatiao.com/2011/05/06/us-embassy-manila-visas/ |
Shet nung nasa loob na ko, di ko mapakiwari ang kaba. kahit anong relax ko at mental preparation, kakabahan ka pa din talaga. at ayun tinuro ako sa isang window, ENGLISH MODE ON!!! pero di pa pala, aayusin pa lang ang papers, sa sumunod na window, ENGLISH MODE ON!!! di pa rin pala, kukunan ka lang ng finger prints. at sa wakas dun na sa huling window. Sa mga Consul.
http://janeuymatiao.com/2011/05/06/us-embassy-manila-visas/ |
Sure na to kasi naririnig ko na ang nagaganap na interview. dun kasi ako naupo malapit sa mga consul na para sa mga seaman (seafarers).
at nagimbal ako sa mga sumunod na pangyayari. Habang naghihintay ay naririnig ko ang mga nagaganap na interview sa pagitan ng mga consul at mga seaman. HONGSUNGEEEEETTTT ng mga consul nila. Lalo na yung girl na tawagin nating si CHUN LI dahil sya ay chinese-american.
ilan lang to sa mga scenario
Chun-Li: What's the name of your ship? <SUPERSLANG>
Sea Manong: huh???!!?!?
C: What's the name of your ship?
S: <di pa din ata narinig>
C: <tinodo ang volume at> I SAID, WHAT'S THE NAME OF YER SHIP!!
C: what's your position in your ship?
S: Pastry chef
C: what's the most popular cake?
S: Chocolate cake
C: what type of cocoa do you use
S: < di ko narinig>
C: what brand?
S:...........
C: how big is the packaging?
>and a lot more
C: where are you assigned in your ship?
S: dishwashing
C: in the Dishwasher, how many glasses can you wash in one sitting??
S: <faint>
C: what's the signal for fire?
S: Fire alarm.
C: what's the sound of the fire alarm
S: It's loud ......
C: how does it sound? describe it
S: <WTF????!!!!!>
yang huling tanungan ay nung nasa pila na ko sa consul ko, i swear inexpect ko any minute eh biglang sisigaw dun si manong na katunog ng sirena ng bumbero. At promise sa dami ng mga seaman na dumaan kay chun-Li, ilan lang ang na-approve.
Kaya imaginin mo na lang ang kaba ko nung ako na ang humarap sa Consul ko. Yung nauna pa sa kin na deny din. HUHU. Pero sabi nga nila dapat grace under pressure. Kaya nung turn ko na, with all smiles ko syang binati ng GOOD MORNING! pero di man lang nya ko nilingon.
Si Mr.Consul ay blonde, blue eyed, medyo balding pero pogi. Pure Caucasian. May pagka mala Malfoy ng Harry Potter. Mukang stiff at masungit. Pagkabati ko nagulat ako ng sabihin nyang.
"Sandali lang huh, may tapusin pa akow." Shocked! Amazed! Hindi po sya jejemon ok, ganyan lang ka slang ang pagbigkas nya.
and i was like "Ok".
MrConsul: What's your full name?
me answer
MrConsul: Your Birthday?
me answer
MrConsul: Purpose?
me answer
MrConsul: How much is your monthly salary?
me answer: ___________ million pesos
silence...................
MrConsul: Ok
silence...................
Me still smiling that stiff smile <confused>
MrConsul: padala namin iyong visa sa iyo opisina.
Me: I'm good?
MrConsul: Oo opisina tama ba? office?
me: Great! Thanks!
i mean salamat!
at makalipas ang ilang araw dumating na din ang visa ko. yahoo.
pero hanggang ngayon di ko pa din maintindihan, bakit ganun ang treatment sa mga seaman at sa iba pang na deny dun sa embassy. As if lahat ng tao na gustong pumunta dun ay para mag TNT o may gagawing masama.
Siguro dapat tayo sa pilipinas mag issue din ng visa sa gustong pumasok. At swear mag aapply akong Consul
at ito ang ilan sa mga magiging linya ko
Bb. Consul: Full name?
Bb. Consul: How BIG? ...............................is your feet?
Bb. Consul: Do you shower everyday????!!!!!
Bb. Consul: Do you soap yourself????
Bb. Consul: how about deodorant???
Bb. Consul: Do you have any intentions not to change clothes?????!!! Answer me!!!
Bb. Consul: Speak in Filipino!!! pakshet, don't push me!!!! DENIED!!!! grrr.
Haha! Another great LOL post from you.
ReplyDeleteMy husband is a seafarer and thank God, wala naman syang bad experience sa pagkuha ng US visa. Yung first time lang, madaming weird questions pero di naman daw masungit magtanong. Tapos yung mga sumunod na kuha nya, tipong yes no nalang ang sagot. hehe!
"Speak in Filipino!!! pakshet, don't push me!!!! DENIED!!!! grrr." -haha! tumbling!
laughtrip!! lol
ReplyDeleteyung brother ko ay seafarer aka seaman, i think yung kumuha siya ng us visa, jan siya kay chunli na tinutukoy mo, masungit daw talaga pero nung kinamayan na siya at sinabing congratulations, bigla daw ngumiti... madaming nadedeny na seafarer kasi hindi nila masabi ng maayos ang gusto nilang sabihin,..
ReplyDeleteHaha salamat sa napaka-informative na post. Muntik na rin akong pumunta last year kaso hindi natuloy. Nung in-announce sa office na hindi na tuloy, para akong nabunutan ng tinik. Congrats sa yo LOL
ReplyDeletehahahaha... I love this. Congrats post.
ReplyDeleteOhmgod, panalo ang post mo. Humahalakhak talaga ako while reading. I'm officially following your blog starting now. Thanks also, very helpful ang info especially about the part na di kailangan pumunta ng 2 hours before kasi kaloka, like you, 630am ang appointment ko. so 430 andun nako? #keeloveranddie
ReplyDeleteThanks again!