Friday, April 8

3 Isang Kahig, More More tuka

Meron akong 100 pesos na ayokong gastusin. ayoko talaga. ayokong gastusin kasi technically hindi sya sa kin at hindi ko sya pinaghirapan. woooooohhh bigat! too much for growing up in a world where corruption is just as normal as masturbation (yes it's normal, with or without a helping hand, LOL). generally speaking, hindi ako mabait na tao (hindi talaga, at maraming tetestigo dyan) pero i can still say, mabuti pa din naman ako. dalawang 50 pesos sya actually na may magkaibang kwento kung papano napasakamay ko.

Una, habang patawid ako sa crossing sa ortigas may nakita akong babaeng nagpupulot ng mga nilipad nyang salapi. sa sobrang pagmamadali nya di nya napansin na naiwang lumilipad pa din ang isang 50 pesos sa ere. agad gumana ang aking dakma skills at nahagip ang flying moohlah. pero si ate, may lakad ata at parang natatae pang kumakandirit papalayo. napahabol pa tuloy ako, at sa aking pinaka sweet na boses tinawag ko sya at hindi gumana. Deadma sa baranggay si ate. sinabayan ko ang kandirit nya at sa wakas naabutan ko din.

at ngayon naman sa pinaka pogi kong boses

me: miss, naiwan mo tong 50 dun kanina

ateng kire: ay hihihi, hindi kasi akin yan, actually nakipulot lang din ako. <sabay pakita ng 200 pesos na nauna nyang pinulot>

naloka ko, maya maya'y may matandang lalaki naman sa likod namin, nakakuha naman daw sya ng 300.

ako lang ung 50. unfair.

Pangalawa naman ay sa bus, papasok din ako. inabot ko sa kundoktor ang malutong pa sa chicharap na 50 ko. at buong twang kong binigkas "Meh-nong, Craw-zing leng po". siguro dahil sa accent ko, o sa likas kong alindog nawala sya sa tamang tino. ipapasok ko na sa wallet ang sukli nya nang ma realize ko na 70 sumthing ang binigay nya instead na 20 sumthing lang. dahil madami nang tao at medyo lumayo na din si kuya eh nahiya na kong ibalik.

so now i have 100 pesos. sabi ng officemate kong si Tabarinz, malas daw gastusin ang perang napupulot. tama naman sya, mas ok ngang ibigay sa kawang gawa ang napulot ko at aksidenteng nakuha. so hanggang ngayon naghahanap pa ko ng street people na aabutan ko ng 100, sigurado ma eelib ang mga tao sa kalsada pag nakita nilang inabutan ko ng 100 ang street tao na yun. pero sadly, up to now, waley pa din akong bet na mabigyan ng moohlah na yun. may pulubi sa gilid ng shang na nadadaanan ko pero di ko kasi sya feel. lalaki, tpos wala naman kapansanan at malakas pa. honestly naaalibadbaran ako sa mga ganun. yung tipong malakas naman at capable magtrabaho na mas pinili na lang umasa sa ibang tao.

so kagabi, habang nasa bus uli, may umakyat na timberloo (tomboy) sa bus. maya maya ay namigay sya ng sobreng brown.


"pwede po bang makahingi ng tulong para po sa pambili ng gamit naming magkakapatid sa darating na pasukan...............salamat po"

sa likod meron pang God bless. sya na ba ang "the one"???? nilingon ko ang timberloo, sinipat ko. may highlights, naka polo shirt na maluwag at silver bracelet na makapal. pormang gangster. Hindi sya ang the one. pagka picture ko sa sobre binalik ko na kagad. sorry kapatid pero you have to do better than this. mas malaki sigurong kapakinabangan kung yung oras na ginugugol nya sa pamimigay ng sobre eh ihinahanap nya na lang ng totoong trabaho, malamang, kahit papano mas may kinita pa sya o nakatulong pa sya sa pilipinas. pwede din naman akong tumigil sa trabaho, tumambay, at kung kailangan, mamigay na lang ng sobre pero pumapasok pa din ako <kahit nakakatamad>. ung mga magbabasura, pwede naman di na nila malanghap ang baho ng basura para sa kakarampot na sweldo, pwede naman mang holdup na lang sila pero mas pinili nila makapiling ang mga basura. ung mga metro aid, pwede naman wag nang magpabilad sa araw at mag bingo na lang sa eskinita nila pero they chose not to. madaming mahirap, madaming wala masyadong pinagaralan pero hindi sila pabigat sa iba. ngayon magtataka pa ba tayo bakit tayo naghihirap? sige sabay sabay tayong magtaka. 1-2-3 Go! :)

http://jmenayon.multiply.com

3 comments:

  1. irita lang. haha. nakakahawa ang blog mo. feel ko na parang kasama kta. nakakamiss k tuloy. hmmp. ;p

    ReplyDelete
  2. who you? kung namimiss mo ko, puntahan mo ko at ilibre mo ko hehe. i miss you too! mwachupah

    ReplyDelete
  3. totoo bang may nilapad talagang pera sa ortigas?... saan galing un?... malas mo 50 lng sayo. ahahaha


    hindi din ako nagbibigay dun sa mga nagaabot ng sobra-sobra sa bus man or jeep. wala lang.... ako na masama. hehe... pero ayoko lng talaga

    ReplyDelete

Share your thoughts