Tuesday, April 12

4 I'M CONFIDENCE!!

a few days back, nakatanggap ako ng kakaibang email,


Pagkabasa ko, natawa ko. ang unang pumasok sa isip ko, WTH??? sa palagay mo ba eh iiwan ko ang propesyon ko para tahakin ang landas na walong shembot, limang split at anim na backflip ang layo sa ginagawa ko ngayon???!!! how dare you........well pwede naman. Okay. actually na flatter talaga ako. Di naman nya yan ipapadala sa kin kung hindi sya naniwala (kahit konti) na may lugar ako para sa career na yan (tsup mwah!). siguro knowing me na din, alam nya na isa yan sa mga hilig ko, okay FRUSTRATIONS pala. at tama sya. Natuwa ako dito na sinundan ng confusion.

ilang taon ako nag aral ng course ko, na hanggang ngayon di ko maipaliwanag bakit yun ang napili ko. kala ko lang noon pag accounting yun yung mga nagttrabaho sa banko. believe it or not, eto ang ntatanging subject nung hiskul na natutunan kong i-cut class sa sobrang pagka bore ko. Sorry Sir M it's not you, it's me haha. Ayan tuloy kinarma ang froglita, habang buhay ko na tuloy syang kasama. Noong nag inquire ako sa university na pinasukan ko, ang balak ko lang eh humingi ng listahan ng courses, kasi sa totoo lang undecided pa din ako noon sa kukunin kong course (at kasarian) kahit na ilang buwan na lang ay mag co-college na ko. pag pila ko sa Registrar, walanjo! pinilit at pinressure ako ni ate sa counter na lagyan ng primary at secondary course ang form. At sa kamalas-malasan, eh unang pumasok sa kin ang accounting, thus the accountancy course. buntong hininga na lang ang nagawa ko pagkauwi.

Sabi nga nila, humans are not gifted with contentment. pinangarap ko mag Civil engineer, Journalism, Fine arts at kung anu ano pang magaganda at mukang masayang course. Pero looking back, kahit alin siguro dun sa mga gusto kong course ang knuha ko, i will still ask myself, what if iba ang pinili ko. Sabi din nila (sino ba sila? andaming alam LECH!) Nasa huli ang pagsisisi, at isa yang malaking TAMUHH!! Pero! lingid sa aking kaalaman, pagdating mo pala sa dulo, sanga sanga ang pagsisisi at pagtatanong na haharapin mo, BUNGGA!

May mga ilan na din na nag encourage sa kin na sumabak sa ibang career. kahit si the Love of my life na si Pancho Vanana ay nasabi na din yun. sayang naman daw yung creativity ko (BUHAT OFFICE CHAIR!). sabi nya lang yun. minsan tuloy natetempt din ako. sa ngayon nahihilig ako sa pag bblog, pag pipicture, pag eedit ng kung ano ano. Mula kinder-GARDEN, elementary, hiskul at college ilang beses na din ako naging artist (ang baba ng position di ba, di tuloy makapangurakot) o kaya naging member o contributor ng kung anong tabloid sa tabi. dumalas din ang pag hohost ko ng mga iba't-ibang event, na nung tumagal eh napagkakitaan ko din. hay the good old days.

noon, twing nag fifill-out ako ng form para sa academic scholar (yes naging academic skolar ako Beauty and brains and talent, shet ka-asar) merong tanong dun na hirap na hirap ako. kelangan ilista kung ano ang talent mo. Kadalasan singing, dancing o kaya acrobatic talents ang nilalagay. kahit komang ang buong katawan at parang pinupunit na yerong may gulong ang boses, singing at dancing pa din. TIBAY. samantalang ako, laging blanko. kumakanta naman ako at sumasayaw, pero sabi ko kung di ko naman kasing galing si beyonce sumayaw at si charice kumanta di ko icoconsider na talent yun. That was then.

ngayon kung pasusulatin ako ng talents, madami na kong malalagay. mga tatlo. hahaha charo concio. naisip ko kasi, wala man akong super specialty talent, sobrang thankful ko pa din na ang dami kong kayang gawin. maaring marami kaming may kayang gumawa nun pero ok lang, ang mahalaga na eenjoy ko lahat ng katarantaduhan na ginagawa ko at marami akong napapasaya at nabbwisit. isa sa mga madalas kong idasal kay Lord (tttssssssssssss.....umusok) ay, Dear Lord, please allow me to do GREAT THINGS. as in yung bongga! that's all thank you! XOXO. Maaring sa corporate world ang career ko pero di yun nangangahulugang nakatali na ko dito. marami pa din akong pwedeng gawin at pasukin. Why choose one when you can do them, ALL at the same time. haha Ganid much. Sabi nga sa commercial "Pag meron ka na, Mas confident ka!" kaya i can do and be anything i want! I'M CONFIDENCE! lol


from Pinoy Star Blog

4 comments:

  1. bait naman ng friend mo para i-consider ka. eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! :)

    ReplyDelete
  2. nako Nimmy, beki din un haha. mas malandi pa sa kin yun. kumare ko sya ehehe

    ReplyDelete
  3. AnonymousJune 18, 2011

    tse! hahaha

    ReplyDelete
  4. AnonymousJune 19, 2011

    parang kilala ko kung sino yan. maarte talaga yun diba? pero anyways, multi-talented ka talaga. bow ako sayo. -cherie :)

    ReplyDelete

Share your thoughts