"people come, people go...so what's the point of being sad about it". ito ang isa sa di ko makakalimutang sinabi ni raven sa cartoons na teen titans. kung sa iba, walang kamatayang time is gold ang motto nila, for months natutuhan kong panindigan ang mga salitang ito.
natatandaan ko pa noon, first day ko sa college sa isang university sa taft, halos maihi ako sa kaba. syempre eto na so far ang "the biggest thing" na papasukin ko noon. super anxious talaga ko na gusto ko pa nga magpahatid sa dad ko noon. una dahil di ako sanay masyado sa byahe, lalo na sa traumatic na LRT at pangalawa natatakot ako mawala sa loob ng campus. sa totoo nyan nag dload at nag print pa nga ako ng mapa ng skul in case mahiya ako magtanong hahaha. anyway, habang nasa lrt ako, may nakita akong mag-ama. matangkad na mama na medyo napapanot na at ang kanyang daughter na may katangkaran din (muka pang mataray pero hindi naman maganda). napansin ko sa kanyang clear envelope ang kanyang printed schedule. nalaman ko na pareho pala kami ng skul. so napagpasyahan ko na sundan sila (without them knowing) dahil pareho naman kami ng destinasyon at para di na rin maligaw. habang sumusunod ako naririnig ko pa nga silang naguusap. nagbibilin ang tatay nya habang sya naman ay sumasagot ng may kaartehan ng konti.before our first subject ay meron kaming naka sked na mini orientation para sa mga freshies. sa kakahanap ko ng aking gate pass (dahil wala pa kaming ID) di ko namalayan na nawala na pala ang sinusundan ko. pagka pasok sa skul nag CR muna ko di para umihi pero para huminga ng malalim at magipon ng courage magtanong. pag labas, may nakita kong naglalakad na student na muka namang mabait at inosente. yung tipong di nya ko pagtatawanan kahit ganu katanga ng itatanong ko. so i asked for some directions on how to go to the auditorium. shotangina, 4th floor pa pala sya at dahil sa hiya ko makipagsiksikan sa nagiisang elevator na puro senior students ang sumasakay, inakyat ko ito ng major major. haggard. since medyo late na ko, wala na masyado tao sa registration. when i went inside, kaagad akong naghanap ng vacant seat. to my disappointment ang nagiisang vacant na lang ay ang nasa harapan. (talk about eksena entrance) so dahil walang choice gumora na ko. i noticed na sa opposite row ay katapat ko pala ang girl na sinusundan ko. muka talaga syang masamang tao, kaya naman di ko na sya feel una pa lang. ahaha. anyways after the orientation i went straight to my class on the other building. AT!!! sa dinami dami ng course for freshies. tignan mo nga naman, classmate ko pa pala itong si girl at ka block pa! for a few weeks naging masaya naman ang college life ko. lot's of new things and new people to flirt with. di pa rin kami close ni tall girl dahil magkaiba kami ng clique.
sa college, papipiliin ka ng gusto mong nstp. either ROTC, CWTS tsaka LTS. pinili ko ang ROTC, dahil eto ang pinaka petiks sa 3. kelangan mo lang naman umattend. gusto ko din to dahil dati akong CAT officer nung hskul (para di sayang ang uniform). to my effing surprise! sa first sunday ng aming ROTC, si tall girl ay nag ROTC din pala. at, since wala kami parehong ibang kakilala, wala kaming choice but to stick together. sa oras ng uwian nalaman ko na pareho pa pala kami ng way pauwi. tignan mo nga naman, so sabay pa pala kaming uuwi. sa ilang sundays na no choice ako but to be friends with her, na realize ko na she's actually the opposite of what i think she is. she's nice at hindi mataray. hindi rin sya maarte at nasasakyan nya ang mga panlalait at pangaasar ko.so sabi ko hmmmm we could be good friends pala. to make the story (6 years in the making) short, di ko inexpect na ang babaeng to ay ang magiging best friend ko pala. magkaiba kami ng group pero meron kaming sariling moments together. through thick and thin ika nga. even after the ROTC we became really good friends. sa katunayan pag dating namin ng 4th year pareho pa kaming naging officer ng org namin. she became the prex and me the VP. partners talaga kami, tandem, yin and yang! kaya parang aso at pusa din kung minsan ( madalas pala). iba ang level ng friendship namin kumpara sa iba ko pang close friends. kilalang kilala nya ko, andun sya nung masaya ako, nung niloko ko ng boyfriend ko, nung may kaaway ako, nung nagmamaldita ako, nung bumagsak ako, nung nag top ako, at sabay din kami natuto mag yosi. all through out, we became each other's back up. kahit ilang beses ko na syang inaway, in-attitudan, minalditahan, binakbite, at kung anu anu pa. we remained best friends kahit never namin nabanggit na mag best friends kami. deep in our hearts we just know. after graduation we still remained super close. although nabawasan ang pagkikita kita dahil parehong busy sa aming mga blooming careers, we still manage to see each other and rant about almost evrything, kapag inaaway sya ng crush nya, pag binubully sya ng ofismate nyang baklang-bato at pag inaapi pa sya ng isanlibo pang antagonist nya sa buhay. ganun ang bonding namin. lahat un kinekwento nya, at ako ang kanyang tagapagtanggol. tinuturuan ko sya maging maldita o kung panu mapapatumba ang kaaway nya. with a few of my encouraging (bitchy) words at a few jokes na bentang benta, dun nbabawasan ang kanyang heavy load.
nagkaron sya ng problema before, umutang ang parents nya sa isa naming close friend without her knowing, medyo malaking amount. her, being the martyr daughter, ginipit sya ng friend namin (or that's what we thought) na magbayad. hirap na hirap sya noon. at abot langit ang inis at disappointment namin dun sa frend namin. after 32 years, sa awa ng diyos ay nabayaran nya ang hinayupak. aba aba aba, nang maging fully paid na sya eh biglang naging super friends na ulit sila. then one day, i became so depressed for a thousand reasons. i texted her "hey ****, kita tayo. SB UN as usual :( ". at that point alam nya nang problemado ako so she agreed on meeting me. ayun, wen i got there nalaman ko na di na pala sya makakapunta, dahil kasama nya pala ang kanyang mga old friends specifically ung mga nagpahirap sa kanya kelan lang. i got mad and texted her some hurtful words, i even deleted her on FB (i was emotional!). pero that was just the usual me. at alam nya naman un. mabunganga lang ako at impulsive but i will always forgive her in the end. kaso ayun, she turned her back on me. after nun, whenever i invite her out, lagi na syang may reasons na malalaman ko na lang na she went out pala with her "super" friends. nagtampo talaga ko. i never expected na the only person who could understand me would turn her back on me. TRUE, we both said hurtful words against each other, but that's just how we felt at that time. i would never intentionally hurt her, dahil alam ko na we're the only ones who would stand up for each other, kasi we're besties.
i felt alone, betrayed. mas masakit pa sa iniwan ng boyfriend. pwede akong talikuran ng lahat maliban sa kanya. but sadly, she did. alam ko naman nasaktan ko din sya and i said sorry for that, but it seems my sorry is not enough for her to be the old friend i had. masyado na sya ngayong pre occupied with her friends. PEOPLE COME, PEOPLE GO. i taught myself not to be sad about her. lahat naman iiwan din tayo at one point, so we should never trust fully and we should never love them for they will only hurt us in the end. ayun ang thinking ko. deep inside i am trying to teach myself to be numb, to make her feel that her absence makes no difference. sure i did good. i acted good. pero sa totoo lang i miss her soooo much. twing malungkot ako at confused, lagi ko sya naiisip, yung mga encouragement nya sa kin noon. lagi ko din sya pinagdadasal. pinag ppray na sana nasa mabuti sya at wala nang umaapi sa kanya dahil wala ako para ipagtanggol sya. before, i told her na wala na syang babalikan na kaibigan sa kin. na it is her loss and not mine.
but you know what, kahit ganu natin pilitin ang sarili natin na kalimutan sila at kamunghian, di yun sapat para makalimutan natin yung mga magagandang bagay na iniwan nila sa tin. kung di dahil sa kanya, hindi ako magiging kasing tibay ko ngayon. she was my confidant, my rock. yung tipong pwedeng ipambato sa mga problema. kung mababasa nya lang to ngayon, malalaman nya kung gano ko sya ka miss at kung pwede lang ibalik ang oras di ko na sana sasabihin ang mga sinabi kong masasakit na salita.
indeed, PEOPLE COME AND PEOPLE GO.... but i will surely keep my doors open, so ifever you want to come back you will see me, sitting and waiting for you. i will hug you tight, and i will tell you "bitch, what took you soo long! grrr".
um, i cried! that was sooo touching jade! i hope she read this na. and maybe, just maybe, simply seeing her and saying on her face na, "jade: muka pang mataray pero hindi naman maganda", hahaha, that you're sorry. =) love yah.
ReplyDeletename drop talaga? hahaha. nabasa nya na yan. inimail nya ko. kala nya totoo hahaha. ficitious lang kaya yan. para lang may ma post harhar
ReplyDeletemy God jade..ngaun ko lng nakita ang blog mong ito..hahaha..and believe me,..hanggang ngaun..i was crying..huhuhu..super love it frend :)
ReplyDeletehays laging indenial ang prettier friend ko. hahaha
ReplyDelete