Saturday, February 19

0 I can't live without my...

In this modern day and age, na-eexperience natin ang halos lahat ng convenience, OO maniwala ka man o hindi. at kung tatanungin tayo ng walang kamatayang tanong na what are the things i can't live without, eh marahil makakapaglista ka ng daan daang mga bagay. actually mas madami pa nga kung pagiisipan mo talaga, pero mas appropriate na tanong dun ay "things I DON"T WANT to live without". at kung gagawa ako ng listahan ko nun, for sure hindi mawawala ang aking "TYANE"!!! ang aking trustee tyane na dala dala ko kahit saan ako pumunta. Seriously. Sa office, out of town, gimik nights, pag pupunta sa mall, badminton court at kung saan saan pa (not to mention katabi ko pa itong matulog). di naman dahil ginagamit ko sya pero sa twing hindi ko sya dala, merong sense of panic akong nararamdaman. Don't get me wrong, hindi po ako nagaahit ng kilay at wala yun sa plano ko (I love my full brows). pero sa options ng shaving, waxing, o plucking, medyo matimbang sa kin ang pagbubunot. no worries, di naman lahat ng buhok sa katawan ko ay tsinatyane ko haha. daig ko pa ang nagpenitensya sa mahal na araw nun. ang partikular lang na pinagiinitan ko ay ang aking balbas-saur. pag sa shaving kasi, ilang minutes lang feeling ko tumutubo na ulit sya, OA kasi ang bilis ng tubo ng hair ko, kung mutant man ako for sure ang powers ko ay ang magpatubo ng buhok. plus nakaka dyahe makipag lampungan kapag parang liha ang iyong baba. may kakaibang excitement din na dala ang pagbubunot. para itong Farmville, na harvest part nga lang. minsan masyado pa maliit na hindi pa sya kaya ng iyong partner tyane. maghihintay ka na ito'y tumubo pa ng konti saka mo pwedeng tirahin. minsan pa nga'y may mga tumutubo na ingrown hair kung saan paloob ang tubo ng hair o yung nasa ilalim sya ng skin. eto ang medyo madugong parte. minsan, literal na madugo. 

     may mga strategy din na kelangan dito, dapat alam mo kung san ang direksyon ng pagtubo ng buhok, susundan mo lang ito para hindi ganun kasakit. despite all the hardships and perseverance involved, pag naramdaman mo nang kuminis ang baba mo o di kaya's nakuha mo ang notorious na buhok. SOBRANG REWARDING NG FEELING! parang orgasm! haha pero para sa sobrang dami nang buhok, o kaya'y kapag nagmamadali, i resort to waxing, parang lang itong instant noodles o skyflakes na madalas na pantawid gutom. siguro sa 8,064 hours sa isang taon nasa 96 to 100 hours na ang nagugugol ko sa pagbubunot, hindi pa kasama dyan ang unconscious pagbunot using fingernails hahaha. may magic din na kasama ang pagpili ng iyong partner tweezer. parang nung hinanap ni harry potter ang kanyang wand. you do not choose the tyane, it chooses you, and once you find it, it becomes an extension of your soul. kaya ako sa inyo, subukan nyo ang magbunot, no-cost na, stress reliever pa! orayt!

No comments:

Post a Comment

Share your thoughts