Thursday, July 14

4 Unknown-imous Chismosa

You're a blogger, and you wake up one day and you realize that you can't access your blog anymore. You managed to view it, but to your surprise, the blog that you labored your time and energy with, bears a name that is not yours. What would you feel? how would you react?


<English-Off>

Mga ilang araw ang nakalipas, nakwento ko po sa inyo ang pagsali ko sa isang essay writing sa newsletter ng former officemate ko. Balikan mo dito!!!

Kahapon nakatanggap ako ng phone call galing sa kanya. Good news! Napili ang essay ko at mapupublish sya sa kanilang dyaryo. Exposure toh men. hehe. Bad news, naisip nila na baka daw may sumilip sa pagsali ko since outside ako ng organization nila. Actually di ako sure kung may rule ba about dun na nagsabing strictly within the organization ang pwedeng maging participants. Basta nagsulat lang ako.

Sila kasi ay dating part ng company ko (akin talaga?). Kaso na acquire sila ng bagong entity kaya technically seperate na sila mula sa min. Pero dahil nasa transitioning stage pa naman kami, maituturi pa ding magkakasama pa din kami.

So ayun nga, ang naisip nyang solusyon dito ay ang ipangalan ang essay ko sa ibang tao.

and i was like....................................................................................................................... for a few seconds. Like mga 6 seconds.

i was disappointed. nakakalungkot. Hindi ko naman inexpect o in-asume na mapipili o mananalo yung shit na sinulat ko. Pero kahit papano nag exert pa din naman ako ng effort dun. Sa totoo lang bawat sulat ko ay itinuturi kong anak o kaya naman Tae. Anak dahil, nag labor ako tapos iniri ko sya ng pagka hirap hirap. Tae din minsan kasi iniri ko pa din sya pero di nga lang ganun ka cute. But nonetheless, iniluwal mo pa din sya sa mundo. Kaya sa twing nakakabuo ako ng post or kahit anung essay o drawing. Proud ako, kahit minsan ako lang nakaka appreciate nun.

Hindi naman ako masyadong na sad dun sa news. Di nga lang sya isang nakakatuwang bagay. I was caught in a situation that i have to choose whether, i share that thing to the world but not gaining any credit OR to keep it to myself with no one to share it to.

After a while naisip ko, ito yung mga moment na walang lugar para sa pagiging selfish.
knowing na kapag may nakabasa nun, pwedeng may matuwa ng kahit ilang seconds lang o better may ma inspire. Kapag nagkaganun, hindi yun matutumbasan ng kahit anong papuri o kaya prizes.

sa buhay ng isang pintor, manunulat, photographer, o kahit simpleng chismosa

meron tayong choice. ang maging katulad ni Tita Cristy, popular pero kontrobersyal o kaya tulad ni Bob Ong, idol ng marami pero Unknown.

image from PEP.PH


pero wag kang plastik, mas ok pa din kung may prize, at popularity haha.

tsup mwah helicopter. :)

4 comments:

  1. AnonymousJuly 14, 2011

    yes thats ryt.. diba ang mga artist,painter etc, naapreciate ang ginagawa nila kesa sa kanila mismo.. hindi naman fame ang mahalaga sa mundo, kundi kung paano ka nakakapagpasaya ng tao o kung paano nila naapreciate ang gawa mo.

    ...popularity hindi mahalaga sa akin yun, pero prize oo,hihi

    ReplyDelete
  2. why dont you publish it here.. :)

    ReplyDelete
  3. ow. but i guess it's okay to be a little disappointed, for a moment. buti na lang ambilis mo magmove-on.

    naalala ko lang, ang hilig ko magbigay ng pagkain sa mga street children, maraming hindi nagpapasalamat pero yung excitement/tuwa na nakikita ko sa mukha nila na may makakain sila--PRICELESS. your write-up may not bear your name but if it inspired or touched the heart of someone, i'm sure rewarding ang feeling.

    at PS, gusto ko pa din ng PRIZE! haha! =)

    ReplyDelete
  4. GLORY OF THE BYLINE. That's one of the most important part sa pagiging artist in all sorts. :) Tinanim mo, Iba ang magaani, at iba din ang kakain. Lol. :)

    ReplyDelete

Share your thoughts