Wednesday, April 20

2 Talentadong Tongue

The heart is the strongest muscle in the body.





NO! It's not. maliban na lang kung in love ka nanaman for the Nth time. Kire.



TONGUE or more commonly spelled as TOUNGE <guilty ako!! haha> is the strongest muskel in our boodey.

at dahil ito ang strongest napakaraming bagay din ang kayang gawin ng ating dila, physically. kaya nitong palitan o gampanan ang mga bagay na dapat ginagawa ng ibang organs natin. haha. In the abstract sense naman the tongue symbolizes our words. What we say and what are the effects of it.

habang nag e-FB isang araw ay may nakita akong video. matagal na din yun kumalat sa emails noon at malamang narinig nyo na din. Tungkol sa isang bulag na namamalimos na may karatulang I'm Blind chorva, then a girl came and wrote something in his karatula. after that, dumami ang mga nagbibgay sa kanya, yun pala, ang nilagay ng girl ay "It's a beautiful day, too bad i can't see it". According to her, she wrote the same thing, BUT, in a different way and it changed the course of what happened next.

Truelili, ang salita natin ay madaling maka apekto. Depende kung sa panung paraan mo sasabihin. Like what they say, our words can either make or break people. Maaring may gusto kang sabihin, pero iba ang pagkakaintindi ng kausap mo, pag nagkaganito, GULO. ehehe. Minsan kahit pareho ang nararamdaman natin, maaring ma misinterpreet tayo dahil lang sa maling pagpili ng mga salita. Pwede ring baguhin ng mga salita na puro kasinungalingan ang isang katotohanan.In short, words can distort our sense of understanding. here's an example.


Exhibit A:

Sa isang di inaasahang pagkakataon, nagkita ang dating magkakabatang si Chona at si Manding sa LRT.

Chona: Manding??!! ikaw na ba yan??!! ........ Kumusta ka na. ang tagal na nating hindi nagkita.

Manding: Chona? kumusta! hindi na kita nakilala. Gumanda ka ata lalo mula nung huli tayong nagkita.

Chona: hay nako Manding bolero ka pa din hanggang ngayon. Balita ko kakauwi mo lang galing Canada. Big time ka na talaga

Manding: haha, nako hindi naman, di pa din ako nagbabago. Ikaw ata tong big time na. Siguro mayaman ang napangasawa mo.

Chona: <makahulugang ngiti> nako hindi noh, dalaga pa ko. Wala pa sa plano ko ang pag aasawa. Ikaw siguro, madami ka nang asawa, este anak. hehe biro lang

Manding: palabiro ka pa din pala. hehe binata pa din ako. Matagal na ding hindi nagka Girlfriend. after ng sa atin nagpaka busy na lang ako sa pag ttrabaho.

<silence>

Manding: ikaw, ano ba pinagkaabalahan mo nung umalis ako.

Chona: hayun, pinagpatuloy ko yung accountancy course ko, nag review at sinwerte namang nakapasa. Di rin ako nagka boyfriend pagkatapos nung sa tin.

<BUENDIA STATION, BUENDIA>

Chona: o panu manding dito na ang baba ko.

Manding: o sige, magiingat ka..... uhm Chona, pwede ba kitang dalawin sa inyo sa sabado?

Chona: ah? uhm, o sige ikaw ang bahala. sigurado matutuwa ang inay pag nakita ka nya.

Manding: o sige, punta na lang ako. Mag iingat ka huh. Bye.

EXHIBIT B:

Chona: ui, muzta na.

Manding: Uy muzta. ganda mo na ah. kala ko artista. hehe

Chona: Che. bolero. Oi pasalubong ko galing Canada? naks........ Ikaw na. hehe

Manding: wushu, ikaw nga tong Big time eh haha. Nag asawa ka na ata ng DOM eh

Chona: Gago wala pa noh, baka ikaw. haha. Ilan na ba panganay mo? hahaha

Manding: haha wala pa ko asawa o anak. Ikaw kasi eh pinakawalan mo pa ko.

Chona: wow lang ha. kumusta naman, nangiiwan ka kasi. che! hehe

Manding: eto naman, past is past. san ka na ba work?

Chona: Sa makati, sa audit ako eh.

Manding: ahh ayos yun ah 

<BUENDIA STATION, BUENDIA>

Chona: o sige bye na. dito na ko

Manding: ay dito ka na. Punta ko sa inyo sa Sat ah.

Chona: oo sige, sabihin ko kay Mama.

Manding: ok ingat.


LESSON:

oh di ba, nagmukang malandi si Chona. 


SUBWAYS.NET

2 comments:

  1. ang dila nga nman, pwedeng makasakit pro pwede ka ding paligayahin... hehehe

    ReplyDelete
  2. Ahahahah ang kulet lang ng exhibit B... parang before and after lang ah... usapan noon usapan ngayon... lol

    ReplyDelete

Share your thoughts