Last friday nag decide kami ng mga friends ko na sumugod sa Baguio dahil sa Panagbenga festival, kahit na maraming nag warn sa kin na super dami ng tao. Gora pa din kami, pero kamalasan ang sumalubong sa min.
We experienced a lot of first times and for 2 of my friends, first time pa lang nila makakapag Baguio.
|
1/5 pa lang to ng pila ng mga chance passengers waiting for bus going to Baguio. winner! |
|
|
First time ko mag public transpo going to Baguio. it was stressful pero fun. naubusan kami ng bus sa Victory liner coz we weren't able to reserve tickets at late na din kami nakadating sa terminal. We transferred to Dagupan bus terminal na kung san may available buses left. kaso after a few hours of waiting na-realize namin na wala palang kasiguruhan ang time ng pagdating ng bus pa-baguio so we decided to try our luck on another bus going to Manaoag and to wait for a van from there to baguio.
|
bus ridegoing to Manaoag. |
|
Manaoag Church at dawn |
we finally reached Manaoag, but to my dismay, inabutan na kami ng pagputok ng araw sa van terminal dun. Sobrang gusto ko pa naman ma-witness ng friends ko ang sunrise habang binabaybay ang Kennon road, it is one amazing moment na worth seeing.
After mamuti ng mata namin kakahintay ng van sa manaoag, finally nagtagumpay kami sa pakikipagbalyahan at agawan sa van. sabi kasi sa terminal ang first trip ay 6am at ang last ay 6pm, pero feeling namin ibig sabihin nun "bahala na kung anung oras darating ang unang van basta 6am to 6pm". nakiusap si Boo sa driver ng van kung pwede mag stop sa Lion's head for some pics, pumayag naman si manong. kaya kahit badtrip na badtrip ang mga thunders na kasakay namin dahil sa delay, eh wakamikebz. hehe.
|
Glory, Jofaye and Bem at the Lion's head |
|
|
Boo, janet at ang 3 langaw na napadpad sa Baguio (at Burnham waiting for kuya Abie) |
|
My gosh, totoo nga, super traffic pagdating namin ng Baguio. Sa 300 times kong pagpunta dito ngaun lang ako nakaranas ng ganung traffic. We waited for our contact kuya Abie at Burnham park. Sya ang may-ari ng transient house na tutuluyan namin. we planned very late for this trip kaya no choice kami but to make kagat na of the transient house because all the hotels etc. are all so puno. Akala ko pag sinabing transient house, it's like renting someone's rest house or extra house for us to stay to, di ko naimagine na we will be living together with a family, ganun pala yun. kahit na medyo disappointed ako sa tutuluyan namin, na off-set naman yun ng kabaitan ni kuya Abie and his family.
|
kwek-kwek sa baguio. |
after settling at kuya abie's house, we freshened up a bit and went back to the city to have lunch but before that we need to make sure meron na kming ticket pauwi kung ayaw namin ma stuck sa baguio. sobrang gutom na pala kami mula sa mahabang byahe. si kuya Abie na din ang ni-rent namin na maging driver doon since may van naman sya. As usual box office nanaman ang Victory liner at nauwi nanaman kami sa Dagupan bus terminal. we booked a 5:00pm bus going back to Manila.
|
Si Jofaye habang nagdadasal para sa bus ticket namin |
We had our lunch sa ihaw-ihaw sa tabi ng burnham, this is one of my favorite eating places dito sa baguio. dahil sa good food at memories it brings (dito kami nag lunch kasama ng mga ka-officer ko sa CAT at ni sir Blue way back Hiskul). Ganun pa din kasarap ang mga pagkain nila, siksikan pa din, the only thing that changed is the price. mas mahal na sya ngaun sa Gerry's grill. Promise. pero ok lang, reward na din namin to after the long torturous travel, basta pag kakain ka dito make sure to bring goggles at extra shirt. mag-aamoy barbeque pati pantyliner mo at iiyak ka ng major major sa barbeque fog nila.
After makakain at mag energize! PAK! sumabak na kami sa pamamasyal. di na namin inabutan ang street dancing. sabi namin, kami na lang ang sasayaw sa street ifever. our first stop is the crystal cave.
Ang crystal cave. bow. pagdating namin dun, agad kaming sinalubong ng mga bulilit na guide. una isa lang tapos naglabasan lahat. madami pala sila. at 120 ang bayad sa isang guide kaya isa lang ang kinuha namin. pagbaba, naamoy kagad namin ang crystals. matindi. ganun pala un haha. Sad to say, sobrang polluted na ng crystal cave, although sabi ng mga bata, sa labas lang daw un ng cave, malinis naman daw ang loob. pero kahit na, di ko na ginustong alamin, so nagpaiwan na lang ako sa knila sa labas ng cave kasama ng mga batang holdupper este guides hehe. infernes sa mga bata di talaga sila nagsisinungaling. while singing and listening to my ipod, sabi nila "kuya singer po ba kayo?" with all innocence ang pagkasabi nila. di ako nagreact, hanggang sa inabutan ako ng isang little girl ng crystal, pampaswerte daw. binigyan ko sya ng 20 pesos. tpos madaming bata pa ang inabutan ako ng crystals. so ibig sabihin sobrang swerte ko na. kaso nga lang muntik na sila magpatayan sa bente ko, kaya di ko sigurado kung naipasa ba talaga nila ang swerte sa kin.
|
sobrang napagod sila sa crystal cave. bagsak tuloy sila |
after non, we went to The Mansion, Wright park and then Minesview park. sobrang dami pa din ng tao, parang nasa MOA lang.
|
The Mansion and the Maids |
|
si Boo habang nag po-pose sa wright park |
|
at minesview |
Nakita ko ulit ang pink na kabayo sa minesview. dalawa na sila, sister nya siguro ang isa. 10php per picture not bad. yumuko din ako, at nag announce ng "5php per picture!!" pero wala naman sumakay sa kin. sayang.
|
me and boo |
2nd day, maaga kami nagising para maaga makapunta ng burnham. sabi kasi madami na daw nakapwesto dun to get a good view of the parade. pero dahil swerte nga kami. nawalan sila kuya abie ng TUBIG!!!! meaning walang heater. ayun buti na lang andun si booboo, pinagigib at pinaginit nya kami ng panligo. kahit sa bahay di yan nag iigib sa baguio lang. past 6 na kami nakaalis kila kuya abie, dun na din kami nag bfast
|
ito na ang inabutan namin |
super dami ng tao. pati yung tulay box-office. kaya nakipag siksikan talaga kami kahit hindi amoy pines ang katabi namin, keri na.
Winner ang mga float pati na din ang mga perfomers. world class although meron ding mga nahalong parang fiestang pang baranggay lang. everyone had a great time kahit madaming umagaw ng eksena at nahimatay.
<TO BE CONTINUED, LATE NA KO SENSYA HEHE>
love it friend..i'll wait for the 2nd part :)
ReplyDeleteche! wait your face. hahaha
ReplyDeletehaha! nice Jade! natawa nman ako ng bongga sa caption ng mga pics. ;)
ReplyDelete