Sunday, April 3

3 Adobo sa buhangin

nag weekend syempre, pinakahihintay kong panahon. at kami ng mga dati kong ka team ay gumora sa makasalanang puerto galera. loka sila syempre dahil supresa ang pagsama ko dito. mga ilang buwan na din ng mawalay ako sa aking team at nalipat sa ibang department. nakakamiss ang kakulitan ng team kaya nang magplano ng outing syempre papahuli ba naman ako, lalo na't sa PG pala ito kung saan marami nang memorable experiences ang naganap dito.

dahil surprise nga ito, mabilisan lang din ang pag prepare ko. sunblock lang ang tanging nabili ko, dahil malamang sunblock lang din ang balak kong isuot. haha. kumuha ng maliit na backpack at nagsimulang magimpake. konti lang dala ko, saktong pang 2 days, pwede pa ngang bawasan kasi lahat naman pwedeng dun na lang bilhin. alas singko ng umaga, PAK gora na sa makati upang sunduin ang team, at diretso na sa batangas port. mga good 2 hours din ang byahe namin kasama na ang traffic at kung anu ano pang cause of delay. good thing kumuha kami ng package kaya napadali ang byahe namin. pagdating sa port, di na kami pumila o nag hintay, konting sign dito at nakasakay na kami sa boat naming Blue Penguin (na kulay yellow naman talaga).

makalipas ang isa't kalahating oras ng pagpapakyut sa bangkang mauga, nakarating na rin kami sa white beach. as usual wala pa din pinagbago, magulo, maingay, at amoy sex. haha (pasensya po, may hang over pa). sinundo kami ni kuyang taga hotel, at gi-nuide kami papunta sa tutuluyan namin. expected ko malapit lang kami sa dagat, pero hindi pala, sinama nya kami papunta sa kung saan sya ng park ng sasakyan, may byahe pa din pala papunta ng hotel. well malapit lang din naman pala pag nilakad. 100 meters to be exact, iba nga lang talaga ang route pag nakasasakyan kaya mukang malayo.

pagkababa ng gamit, gora ulit sa beach para lumafang dahil andami na naming gutom. eventually nawalan din ako ng gana kumain dahil sa dami ng putaheng dumadaan sa harap ko. sumakit lang ang puso ko, at di nakakain ng maayos. hehe. balik ulit sa hotel para matulog muna dahil lahat kami ay puyat, pero di talaga ko makatulog, matapos kong masilayan ang mga naglalakad na adobo sa buhangin. chineck ko sila at majority ay di rin makatulog, kaya napagisipan namin mag lamyerda muna sa beach. di pa rin natuloy ang plano kong pag bugaw ng aking sarili dahil naisipan ng mga chicks namin na mag pictorial at syempre ako ang photographerator nila. nagmuka pa din namang pang FHM ang mga kuha ko kahit pang 2x2 picture ang mga posing nila. Salamat na lang at lumubog na ang araw at bumalik na din kami para mag dinner. after dinner meron kaming konting program (gaguhan at basagan actually) at nagsipaghanda na para pumarteeey. Take note friday pa lang ng hapon gising na ko hanggang linggo ng madaling araw, all these for the sake of my precious adobos. pumwesto na sa bar, hindi naman masyadong matao, tamang tama lang na walang hipuang maganap ng wala pang mga tama. medyo nasa sulok kami, na hindi masyadong strategic sa pag aura pero no choice. may grupo ng mga foreigner sa likod na nakikipagpalitan naman ng makahulugang smile, nang biglang dumating ang mga inorder namin adobo. PAK.! nabuhay ang katawang lupa ko na bagong landscape. ito yung adobong nakakagutom kahit kakakain mo lang at masarap initin ng initin hanggang matuyo ang sabaw. WAGAS!. nanginig ang mga _____ namin ng mga kumare ko, pero konting nginig lang. syempre dapat sweet lang. di nagtagal nanumbalik ang lahat ng mga talento ko sa pag flirt na matagal ko nang inipon. biglang naglaho ang pinakamamahal naming lighter at syempre kelangan namin mang hiram sa katabing table. sa buong duration ng gabi, siguro mga 15 times akong nakisindi sa kanila. kung tutuusin nakakairita yun pero sapat na yun para maiparating ang mensaheng gustong sabihin. hahaha. di nagtagal nakipagkilala na din sila sa min, at nagdikit na din ang aming table. kwentuhan hanggang umaga. at clean and sensible talk ang naganap. Promise. haha. they are all good looking at lahat ay may sense kausap. inumaga na kami, naka ilang pitcher ng mindoro sling (na inakala ko na isang malaking joke eh traydor pala). we said our goodbyes and exchanged FB names. in short we all went back with a smile on our faces and _______. haha! later in FB i found out me and 3 of the guys from their group went to the same skul, coindence? nah.... ibig sabihin more inuman sessions to come. ngayon na nadagdagan nanaman ang mga thoughts to ponder ko.

"seeing a hot guy makes me wanna do a thousand naughty things to him, but i realize, getting to know and being friends with them is way orgasmic than s-e-x..........."

ako at ang aking partner in crime na si ms.E sa likod ang mga belgian na mahaharot
patagong pag picture sa aming mga adobo friends before pa namin sila makilala


3 comments:

  1. bakit may takip ang mga mata? curious lang hehehe...

    ReplyDelete
  2. mezmerizing kaso masyado ang mga mata nila.. kaya tinakpan ko po muna hehe

    ReplyDelete

Share your thoughts